Entry#4 - Mata sa Mata, Ngipin sa Ngipin
Alex's POV
Sumunod na mga araw ay naging maayos naman ang buhay ko. Walang pangit na nilalang ang gumagambala sa akin. Wala ding mga babaeng clown (base on their make-ups), ang nambully sa akin. Hindi ko din nakakasalubong yung HALIMAW sa banga na yun. Naku! Naku! Kapag naaalala ko yun araw na iyon, hndi ko mapigilan ang pagtawa.
(*´∇`*)
Ilang araw na ding tahimik ang buhay ko. As in, walang nanggugulo at higit sa lahat wala akong naririnig na tsismis about sa akin. Hindi ko nga lang makausap yung crush ko. Haaay. Sino ang crush ko? Yung nilalang na mahilig komopya sa akin. Crush ko sya kasi ahm--- wala akong ibang magustuhan? Well, abnormal nga ata ako dahil wala daw akong crush kaya ayan tuloy, kung sino-sino na lang.
Tyaka, lagi syang may kasamang girl, eh. Kaya hindi na rin ako pinapansin. Lagi ko tuloy sila tinitignan. Hahaha. Mang-aagaw kasi si girl ng crush e. Manong iba na lang nilandi nya. Haha. Feeler ba? Hayaan nyo na.
Hindi ko din makita si Christime, baka nga nagalit yun sa akin sa ginawa ko sa pinsan nya. Aba! Wala naman akong ginagawa, eh. Tumawa lang naman ako diba?
Wala din naman kaming klase ngayon sa Math101. Pupunta na nga lang ulit ako sa library. Mas tahimik pa dun. Presko pa. Hehe. Magpapahangin na lang ako dun. De AIRCON, eh. Lahat naman de AIRCON ang room kaya lang mas masarap lang talagang tumambay dun.
•••
SA LIBRARYInaantok na ako.
>_<
Pero malapit na magbell. May next subject pa ako.
(/ω\)
Problema ba yun? Eh, di magbasa ng hindi antukin.
Nagbabasa na ako ng libro nun ng may magsalita.
"Hoy, Alien! Sa laki ng salamin mong yan hindi mo pa yan mabasa? Ang taas naman masyado ng grado ng salamin mo."
Errr-- Kilala ko ang boses na yun ahh. Kaya nasabi nya yun kasi halos idikit ko na kasi yung libro sa mukha ko. Ganun talaga ako pag nagbabasa e. Tyaka wala namang grado itong malaki kong salamin.
→_→
"Anong ginagawa mo dito?"Medyo mahina kong sabi. Nasa library kaya kami kaya bawal ang maingay.
"Binibisita ka." '(*∩_∩*)′
Sinong niloko mo?
"Ahm--- Bakit? May sakit ba ako?"
'(*∩_∩*)′(*>.<*)
Akala mo ha.
"Bakit? May sakit lang ba ang binibisita?"
Nga naman. Pahiya konti.
"Eh, ano bang kailangan mo?"
"Sweet Revenge"
"Huh? Bakit? May ginawa ba ako sa'yo?"
→_→
←_←
"Gym? Don't tell me nakalimutan mo na iyon?"
"Shh."
Napatingin kami sa Librarian. Medyo lumalakas na kasi ang mga boses namin e
"Kung magliligawan kayo, hala sige, umalis kayo dito. Library ito at hindi Park.
Yuck, kadiri naman. Di po kami nagliligawan! Nakakadiri po iniisip nyo.
BINABASA MO ANG
Phantom's Tutor (My Lovely Fiancee) (Slow update)
Teen FictionPangit ako sa mata ng napakaraming tao. Pero sa iilan, ako ay Dyosa. Ako nga pala si Alex. Ang manggugulo ng buhay karangyaan ni JJ. #LABYAH :)