Chapter 24

33 0 0
                                    

Entry#24 - Problem Attack (Foundation week Part 3)

ALEX's POV

"A-YO-KO! Ilang beses ko na bang sinabing ayoko?"

Kahit ata maka isang libo ako sa pagsasabi ng ayoko ay hindi talaga ako titigilan ng isang ito.

"Pretty please?"

Sabi nya habang nakahawak pa sa kamay ko.

Kahit kailan ang kulit kulit ng babaeng ito. Naku! Kung di lang kita kaibigan. Tsk.

"AYOKO. AYOKO. AYOKO."

And to complete my answer, I gave her a warning look.

"Ah, basta! You need to do it for me or else---"

Kumunot bigla ang noo ko ng sabihin nya yun.

"Or else what?"

"Sasabihin kong nasa iisang bubong lang kayo ni Kuya JJ!"

Halos manlaki ang bukas ng mata ko sa sinabi nya.

Is she threatening me?

Pinanlisikan ko naman sya ng mata.

"He-he. So, okay na? Gagawin mo na? You will sing for us na? Yehey!"

And as usual, before pa ako makapagreact nabirahan na nya ako ng alis.

Halos mawindang na ako sa mga nangyayari.

Una, si Halimaw na umaastang kakaiba. Si Raf na, pinsan nya, halos minu-minuto kong nakikita. At ngayon si Christine na pinsan ni Halimaw, nagsabing kakanta ako sa harap ng maraming tao?

Ano bang ginawa ko sa mga Phantom at kung paligiran ako ay para akong magnet? May nangyayari bang hindi ko alam?

Kanina, okay pa naman ang umaga ko. Okay na okay sana kung hindi lang ako nakita ng Halimaw na yun sa room na inuutusang kumuha ng mga gagamitin sa cafe na gagawin namin. Okay na sana ang isang yun kaso dumagdag pa ang pinsan nya na ubod ng kulit. Kapag pala pinagsama ang dalawang yun? Naku! Walang katahimikan sa paligid! Tapos ngayon? Wala akong magawa dahil sinabi ng isang CHRISTINE  PHANTOM na sasabihin nya na nasa iisang bubong lang kami nakatira ni Halimaw!? Ano ba!? Nakakaloka kayong mga Phantom kayo!

Hindi ko akalaing yung malambing na tawag nya sa akin ay hudyat pala ng panibago kong problema. Malay ko bang may hidden plan pala sya? At malay ko bang ganun ang pag iisip nun? Mantakin nyo bang I-announce ng babaeng yun na kakanta ang bagong lead vocalist ng  "The Blood" and take note pangalan ko pa ang sinabi nya! Hindi ba nya matandaan kung anong nangyari nung audition? Hindi ba't si Big D na ang nagsabi na hindi ako pwede dun?

And speaking of Big D. Hindi na nagparamdam ang lalaking yun after ng favor nya sa akin. Haaaay naku! Kapag ako nabaliw, sisisihin ko kayong mga Phantom kayo. Ahmp.

Kailangan kong malusutan ang isang yun pero paano? Ayoko ngang kumanta nuh! Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa mga bagay na ayaw ibigay sa akin. Duh. Pathetic.

Mag isip ka Alex! Go fight!

Sa sobrang pag iisip ko ay hindi ko na napansin ang makakabangga ko.
Sabay kaming napaupo sa lakas ng impact. Well, hindi pala sa lakas ng impact kundi talagang matutumba sya at ako ay nakaharang lang sa babagsakan nya.

"Argh!"

Sabay naming ungol saka ako dahan dahang tumingin dun sa nakapatong sa akin.
Oo! Nakapatong talaga sya!

Ang likod ko. Huhu.

Napatingin agad ako sa taong nakapatong sa akin.

Eh!? Darren?

Phantom's Tutor (My Lovely Fiancee) (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon