Entry#16 - Call (Part 2)
ALEX's POV
"Ang tagal naman nun."
Nakabusangot kong sabi. Kanina pa ako naiinip kakahintay dun sa halimaw na iyon pero hindi pa rin dumadating.
Bawat segundo ata tinitignan ko ang orasan kung oras na ba ng uwian.
Naiinis na ako. (-_-)
Baka sa kahihintay ko ay wala palang darating. Pero imposible naman iyon dahil dito na sya nakatira.
Maya-maya narinig ko na naman yung cellphone ko na nagriring.
Unregistered number ulit.
Ang hula ko sya ito.
Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.
Pero dahil may plano ako. sinagot ko ang tawag.
"Wrong Number!"
Bungad ko agad saka kinansel ang tawag.
Ang hula ko manggagalaiti na iyon sa galit at uuwi na iyon para sigawan at awayin na naman ako.
Bwahahaha! Ang hindi nya alam, may katarantaduhang naghihintay sa kanya.Akala nya ha!?
Wag nya akong pipikunin at talagang may kalalagyan sya.
Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa lumipas ang ilang oras.
Nabadtrip na ako lalo.
Kanina pa din ako nakatago sa lugar na ito. Masikip at medyo nangangawit na ang leeg ko kakatingin kung parating na ba sya.
Kahit na ba illegal itong ginawa ko dahil nagtrespass pa ako sa NAPAKALINIS (in Sarcastic tone) nyang kwarto.
Lalaki nga naman. Ang dugyot! Nagkalat talaga mga damit sa kung saan. Pasalamat na lang ako at walang underwear nya. Wooo. Kasi kung meron, naku! My virgin eyes. Nyahaha.
"Lintek yan, di pa umuuwi! Mukhang nambababae pa yun ah."
Sigaw ko sa inis.
Dumeretso ako sa pintuan dahil gusto ko ng lumabas. Dahan-dahan kong binuksan para hindi mahulog yung applepie na sinet-up ko.
Pagbukas ko, nagulat na lang ako ng mabungaran ko si J-Halimaw!
"Oh, bakit mo ako hinihintay?"
Bungad agad nya sa akin.
Nagulat ako. Narinig nya siguro ang sigaw ko.
"At dyan pa talaga sa kwarto ko, huh? Siguro."
"Hoy! A-ano na naman yang pinag iisip mo? A-ang kapal naman ng mukha mo. Di kita type nuh!"
Pagputol ko sa sasabihin pa nya.
Ngumisi naman sya.
"Wala naman akong sinabi, ah."
Himig-asar nya sa akin.
"Ewan ko sayo! Tabi nga dyan at nakaharang ka sa daraanan ko."
Itutulak ko sana sya palayo kaso naunahan na nya ako. Nahawakan nya ang kamay ko at unti-unting lumapit sa akin.
At dahil medyo naiilang ako, napaatras ako at nakalimutan kong may babagsak na pie sa ulunan namin once na binuksan ng todo ang pinto!
Shit! Mag baback fire pa ata sakin kalokohan ko!
Napatingin kami pareho sa itaas. Alam kong sa akin babagsak yung pie dahil ako ang malapit sa pintuan pero ewan ko kung anong nangyari dahil basta na lang akong tuod na napasunod na lang sa pangyayari.
Natauhan na lang ako ng maramdaman ko ang hangin na tumatama sa aking buhok.
Para akong sisilaban ng mapagtanto ko ang ayos namin.
Si Halimaw--- nakayakap sa akin.
"BASTOS!"
Sigaw ko saka sya tinulak at dire-diretsong pumunta ng kwarto ko.
"Manyakis talaga sya!"
Inis kong sabi saka tumingin sa salamin.
Para akong kumain ng sili dahil sa sobrang pula ng mukha ko. Hindi iyon naitago ng makapal kong make up. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko.
Napailing ako.
"Lintek yan. Ang tagal kasing umuwi. Yan tuloy ako pa ang muntik ng bagsakan."
Iritadong sabi ko at saka dumapa sa kama at nagtalukbong ng kumot.
"GRR! MANYAKIS NA HALIMAW!"
Hanggang sa makatulog ako, iyon pa rin ang naiisip ko.
"That Nerve!"
Huli kong sabi bago ako tuluyan ng mahimbing.
°°°
Share
Vote
Comment.#LABYAH :)
BINABASA MO ANG
Phantom's Tutor (My Lovely Fiancee) (Slow update)
Novela JuvenilPangit ako sa mata ng napakaraming tao. Pero sa iilan, ako ay Dyosa. Ako nga pala si Alex. Ang manggugulo ng buhay karangyaan ni JJ. #LABYAH :)