Act 3: Sobra Na

1.2K 18 0
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 3

Sobra Na

[Jesse]

"Tangina talagaaaaa!!!" sigaw ko nang makarating ako sa bahay na hinuhulug-hulugan ko dito sa Manila.

Mejo malapit lang 'to sa condo kung saan nakatira si Selina. Talagang naghanap pa ko ng bahay na malapit sa lugar kung nasaan sya. Pero tangina lang talaga eh. Bakit ba sya nagkakaganun? Eh ano naman kung lagi kaming magkita? Ayaw nya ba ng ganun? Boyfriend naman nya ko ah?

Putek. Nakakaasar! Parang ang laki ng kasalanan ko sakanya kaya sobra na lang ang galit nya. Pagod na pagod ako ngayon dahil galing pa ko sa Batangas tapos ganun yung aabutan ko pagkakita ko sakanya?? Nag-aksaya lang ako ng panahon! Nag-away lang kami! Takte!

Nag-ring yung phone ko at dahil sa akala kong si Selina ang natawag, kinuha ko agad yun sa bulsa ko kaso, si Lee naman pala ito. Imbis na madisappoint ako, natuwa na lang ako. Ang mokong, naalala ako.

"Jesse.." sa tono nya, halatang nakangiti sya.

"Oh? Napatawag ka?"

"Eto naman. Di mo man lang ba ko kakamustahin?"

"Kamusta?" sarkastikong tanong ko sakanya.

Natawa sya. "Putek. Nangamusta nga. Okay lang ako. Masaya. Nasa Japan ako ngayon."

"Sinong niloloko mo? Kung nasa Japan ka, bat yan pa rin ang gamit mong number?"

"Bawal ba mag-roaming?" sabe ko nga eh.

"Anong ginagawa mo jan? Kamusta sina tito at tita?"

"Ahh ayun? Okay naman sila. Nandito ako sa bahay ko eh. Bukas pa siguro kami pupunta dun kila papa."

Kami?

"May kasama ka jan?"

Tumigil sya saglit at nagsalita naman agad. "Si Kira." ako naman ang natigilan ngayon.

Akala ko ba umalis na si Kira? Nung isang araw lang, tumawag sya sa akin at todo ang iyak kaya naman pinuntahan ko sa bahay nila. Grabe yung itsura nya nun. Halos wala atang tulog at talagang wasted ang gago. Sobra naman kasi kung magmahal ang isang 'to. Maswerte si Kira at pati na rin ang nasira nyang asawa na si Yuri.

Paano kaya nagkaayos ang dalawang ito? Ang alam ko kasi, wala man lang sinabi si Kira kung saan sya pupunta. Hindi rin naman daw galit si Kira kay Lee kaya di ko na alam kung ano pa ang mga nangyari sakanilang dalawa. Wala kasing nasabi sa akin si Lee nun. Panay lang sya tango kapag nagtatanong ako o di naman kaya'y umiiling lang. Iyak lang din kasi sya nang iyak nun.

Naaalala ko pa kung papaano ang naging buhay nya nung mamatay si Yuri. Ngumingiti naman sya nun at nakikipagbiruan pero tuwing mag-isa na lang sya, lagi lang syang nakatingin sa salamin at tinitignan ang repleksyon nya. Kapag tinatanong ko sya kung bakit lagi nyang ginagawa yun, sinasabi lang nya, 'Favorite kasi ni Yuri 'tong muka ko eh. Gusto ko lang tignan para naman ipaalam ko sakanya na iingatan ko ang muka kong 'to para sakanya.' sabay tawa nya.

Magaling magtago ng feelings si Lee. Ewan ko nga kung bakit pagdating kay Kira, sobra syang expressive. Baka meron lang talagang katangian si Kira na nakita ni Lee para magkaganun sya nung mga oras na iniwan sya nito.

The Witness ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon