Act 19: Stress

744 8 1
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 19

Stress

[Selina]

Maraming nagsasabi noon pa man na maganda daw ako pero grabe ha. Kung alam ko lang na ito ang magiging side effect ng pagiging maganda ko, sana naging cute na lang ako. At least kapag cute, petiks lang. Kapag maganda kasi, nakaka-stress nang sobra.

Hindi ko rin alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko ngayon matapos ng mga nangyare. Lumipas pa ang isang linggo at ito, kasama ko si Jethro. Papunta kami ngayon sa bahay daw ng kaibigan nya. Kung sino man yun, aba malay ko na.

"Ang hina naman ng aircon nitong kotse mo." puna ko sa aircon nya dahil pinagpapawisan ako.

"Hindi naman ah." tapos tinapat nya yung isa nyang kamay sa aircon para sukatin kung mahina nga o hindi. "Nasa number 2 na nga yan eh. Malamig kaya."

"Mainit! Naiinitan ako. Kung malamig yan edi sana di ako nagrereklamo." inirapan ko sya. Kainis eh. Naiinitan nga kasi ako.

"Ang arte mo pala noh?"

"Malamang, babae eh."

"Di naman lahat ng babae maarte ah?"

"Basta pag babae, may kaartihang taglay. Period. Yung mga lalake rin naman ganun eh."

"Pero di ako maarte." tinignan ko sya at sinubukan kong guluhin yung buhok nya. "Ano ba?!" naihinto nya yung kotse. Buti na lang nasa isang subdivision kami at wala sa hi-way.

"See? Maarte ka rin. Ayaw mong nagugulo yung buhok mo." inirapan ko ulit sya.

"Iba ang ginugulo sa nagugulo, Selina. Tss." umiling sya nang paandarin ulit ang kotse nya.

"Whatever!" singhal ko na lang. K fine. Maarte talaga ko eh.

Bumababa sya ng kotse nang maiparada ito sa harap ng isang bahay. Kulay black yung gate at may kalakihan rin. Bumaba na rin ako pero pinagbuksan pa nya ko ng pinto kaya tinaasan ko na lang sya ng kilay. Tinawanan pa nga nya ko eh.

Okay. Aaminin kong gusto ko na talaga itong lalaking ito. Nakakabanas nga eh. Sa lahat naman ng pwede kong magustuhan, bakit sya pa? Bakit yung rapist pa ni Kira? Bakit?! At inulit-ulit ko yung mga tanong na yan sa isip ko pero wala akong nakuha ni-isang sagot kaya sumuko na lang ako at nag-isip ng iba pang pwedeng isipin tulad nung report ko sa English.

"Kaninong bahay yan?" tinuon ko ang tingin ko sa bahay.

"Kay Felix. Tara pasok tayo."

Felix? Isa rin yun sa mga rapist ni Kira eh. Bakit naman kami nandito? Ang akala ko ba sya lang ang magpapakulong at ayaw nyang idamay ang tatlo pang kasama nya?

Hindi ko maipagkakaila ang pagbabago kay Jethro. Yung dating black sheep, maamong tupa na ngayon. Nagkwento sya sakin tungkol sa mga nangyari dun sa mga kaibigan nya at ramdam ko ang lungkot sa bawat kwento nya. Sinubukan kong magtanong tungkol sa buhay nya pero pag nagtanong na ko, lagi lang nya kong sasagutin ng, 'It's none of your business.' Ang rude nga eh pero baka naman iniiwasan lang talaga nya yung tanong na ganun at ayaw nyang sagutin kaya hinayaan ko na lang.

Papasok kami ng bahay nang biglang tumunog ang phone ko mula sa bag ko. Kinuha ko agad yun at nakitang tumatawag si Kylie. Bruhang 'to. Tagal ring di nagparamdam nito eh.

The Witness ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon