THE WITNESS ACTS
If you are guilty, prove it.
Act 20
Secret Smiles
[Jethro]
Kitang-kita ko sa mga mata ni Selina ang curiosity pero kahit na nate-tempt akong mag-kwento sakanya, hindi ko pa rin sasabihin sakanya ang mga bagay-bagay tungkol sa akin. Para ano pa, di ba? Kaawaan nya ko? At pag naawa sya sa akin, di na nya ko tutulungan sa mga gusto ko?
Mas mabuti na yung ganitong set-up-- yung wala syang alam sa pagkatao ko bukod sa pagiging masama ko. At least sa ganung sitwasyon, may reason sya na ipakulong ako.
"Bakit ba ayaw mong magsabi sa akin?" napatayo sya sa sofa habang nakatitig sa akin.
"Wala kang dapat malaman, Selina at isa pa," nilapitan ko sya. "hindi naman ako mahalagang tao kaya bakit gusto mo pang alamin ang mga bagay tungkol sakin, ha?" napaawang ang bibig nya pero itinikom nya rin agad yun.
Anak ng tipaklong naman kasi. Ano bang pumasok sa isip ko't pinakilala ko pa sya kay Felix? Gusto ko lang naman na magkakilala silang dalawa para mas bigyan sya ng reason na ipakulong ako eh. Pero itong si Felix, gumagawa pa ata ng paraan para kontrahin yun.
Kinuha ni Selina ang bag nya na nasa sofa. "Uuwi na ko." sabay takbo palabas ng bahay.
Sinundan ko sya pero sinwerte syang makaalis nung may taxi na dumaan at agad nya iyong pinara kaya di ko na sya naabutan pa.
Nasapok ko ang noo ko. Umiiral na naman ang kamalditahan nya ngayon. Nagawa na naman nyang magwalk-out sa ganitong sitwasyon.
Dahil wala na kong magagawa pa sa labas, pumasok na ulit ako sa bahay nila Felix. Naabutan ko syang nakayuko habang hinihimas ang noo nya.
"Wala kang kasalanan. Ganun lang talaga sya." tinapik ko ang balikat nya.
"Di naman yun ang iniisip ko eh." bumuntong-hininga muna sya bago ibaling ang tingin sa akin. "Ikaw, pre. Alam mo ba talaga ang mga ginagawa mo?"
"Ha?"
"Tss. Akala mo ba di ko napapansin yun?" ano bang sinasabi nito? "Kapag tinitignan mo sya, para bang sya lang yung tao sa paningin mo eh. Seriously, pre? Gusto mo yung babaeng yun? Yung taong gusto mong maging daan para maikulong ka? Yung Selina na kaibigan ni Kira? Masasaktan ka lang!"
Umiwas ako ng tingin sakanya. "Alam ko naman yun eh. At yun ang gusto ko-- ang masaktan ako. Dapat lang naman sakin yun." ngumiti ako nang bahagya.
"Wag ka ngang martyr! Hayaan mo naman yang sarili mong maging masaya!"
"Felix, hindi masyadong bahagi ng buhay ko ang kasiyahan pero.." tumingin ulit ako sakanya. "..alam ko namang masaya ako kasi kaibigan ko kayo." napa-iling na lang sya sa akin at nagbuntong-hininga.
"Ewan ko sayo. Bakit ba kailangang maging ganyan ng buhay mo? Sorry--"
"Tss. Wala kang dapat ihingi ng tawad. Sinabi ko na sayo, di ba? Wala kang kasalanan." pumunta na ulit ako sa likod nya. "Tara na nga."
Nilingon nya ako. "Saan tayo pupunta??"
"Sa Araneta."
"Anong gagawin natin dun?"
BINABASA MO ANG
The Witness Acts
General FictionShe is Selina Ortiz, a best friend of a girl who was raped by four men and to top that shit, she was a witness. She was up for vengeance but she fell in-love and because of that, she gave that up. As time goes by, she saw that guy again-- the leader...