THE WITNESS ACTS
If you are guilty, prove it.
Act 18
How to be a Dad
[Lee]
Iniwan ko na si Jesse sa bar at agad akong pumunta sa pinakamalapit na mall dito para bumili ng libro sa National Bookstore. Natutuwa ako habang naghahanap ng librong kailangan ko kaya naman para akong tanga dahil nakangiti pa ako sa paghahanap.
Kinuha ko yung unang libro na nakitaan ko ng mga salitang hinahanap ko. Makapal din ang libro at tiyak kong maraming pictures sa loob ng pages nito.
"Baby Care." bulalas ko nang mahina nung basahin ko ang title ng librong una kong kinuha.
Sobrang cute nung baby na nasa title page. Hindi na ko makapaghintay na makita ang baby ni Kira-- na di kalauna'y magiging baby ko na rin. Nagtingin-tingin pa ko ng libro at kumuha ng pwede pang maging reference ko.
"May Laking National card po?" ngiting-ngiti yung kahera nang tanungin nya ko. Nasa mid-20's rin syang tulad ko.
"Wala eh." nakangiti kong sagot dito habang kumukuha ng pera na ipambabayad ko sa mga binili ko. "Eto o." iniabot ko ang 2,000 sakanya dahil 1,856.75 yung presyo ng mga ipinamili ko.
"Sir, baka naman gusto nyong mag-donate nito.." itinaas nya ang notebook na merong lapis, pantasa, at pambura na kasama sa loob. Meron ding parang name tag na nadikit sa plastic nito. "Magdadagdag lang po kayo ng 25 pesos."
"Sige. Yung kakasya sa sukli, ibaling mo na lang jan sa notebooks."
"143.25 ang change so 125 pesos pesos po ang magagastos. Here's your change, sir." inabot nya ang 18.25 kong sukli at kumuha ng limang notebooks. "Pakilagyan na lang po ng name dito.." itinuro nya yung parang name tag.
"Ah, kailangan ba talagang may pangalan?"
"Kayo pong bahala." naguluhan ako sa sagot nya dahil oo at hindi lang yung hinihingi kong sagot nya.
In the end, kumuha na lang ako ng ballpen at sinulatan yun ng 'LHJ' o initials ko. Bago pa ko umalis, narinig ko pa yung pag-uusap nung kahera at nung kasama nyang babae dun.
"Ang gwapo 'te! Sayang magkakababy na. Kita mo yung mga pinamili? Mukhang masaya pa syang magkakaanak na sya." sabi nung kahera.
"Oo nga eh. Kasal na kaya sya? At ang bongga ha. Di lang isa yung dinonate na notebook! Kaya lang, LHJ? Bat di na lang nilagay first name nya??" napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Dumaan muna ko sa Krispy Kreme para ibili si Kira ng donuts. Yun kasi yung pinaglilihian nya eh. Natatawa nga ko kanina nung sabihin ni Jesse na feeling daw nya para syang donut. Hahaha! Parang gagu talaga yung isang yun! Sa lahat ng pwedeng sabihin, donut pa? Bat di na lang gulong? Paikot-ikot. Okay, gagu rin ako. Walang konek yun.
Pagkauwing pagkauwi ko, nakita ko na ang nakabusangot na mukha ni Kira. Galit na sya panigurado. Ayaw kasi nyang nale-late ako ng uwi at gusto nyang sabay kaming mag-dinner ngayon. Ang sweet nya noh? Ang sweet ng girlfriend ko.
"Sorry na. Peace offering o." itinaas ko yung box ng donuts at lumiwanag na ang mukha nya sabay halik ng smack sa lips ko.
"Okay lang. Di pa naman ganun ka-late. San ka ba galing? Di ka man lang nag-text o kaya tumawag."
BINABASA MO ANG
The Witness Acts
General FictionShe is Selina Ortiz, a best friend of a girl who was raped by four men and to top that shit, she was a witness. She was up for vengeance but she fell in-love and because of that, she gave that up. As time goes by, she saw that guy again-- the leader...