Act 6: Yuri Hiroshima

994 18 4
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 6

Yuri Hiroshima

[Kira]

"San tayo pupunta??" eto agad ang tanong ko kay Lee nang sabihin nya saking aalis kami.

"Basta. You'll know pag andun na tayo." nankangiti nyang sagot sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang mag-ayos para makaalis na kami sa bahay nya. Bakit nga kaya meron syang bahay dito sa Japan? Siguro palagi syang nandito nung nag-aaral pa sya? Dito kaya sya nag-practicum noon? Ah, ewan. Di ko kasi maitanong eh.

Nakarating kami sa isang bahay na di naman kalakihan. Sakto lang ito tulad nung bahay nya na maayos. Pinagbuksan kami ng gate ng isang mukang Pilipino rin at nginitian pa kami.

"Nasa loob ba sila?" tanong ni Lee sa babaeng nagbukas ng gate.

"Opo, Sir Lee. Nasa sala po." tumango na lang si Lee at kinuha na ang kamay ko para makapasok na kami sa loob.

"Kaninong bahay 'to?" tanong ko pa habang naglalakad kami. Di man lang ako inimik! Kainis!

Nang makapasok na kami sa loob, namangha ako dahil sobrang simple lang ng itsura nitong bahay sa labas pero dito sa loob, di ko ma-explain. Parang.. Deluxe? Maganda. Cream ang kulay ng walls at hanep ang furnitures. No wondering needed, mayaman ang nakatira dito.

"Ma, Pa.." napatingin ako kay Lee nang tawagin nya ang isang babae't lalake na nakaupo sa sofa. Sa itsura nila, siguro nasa early 40's or 50's na sila.

Pero naknangteteng. Ang gwapo at ang ganda nila kahit matanda na! Ito ba yung parents nya? Di ako prepared!!

"Lee, anak! Bat ngayon ka lang ulit pumunta dito? Akala ko ba last week ka pa nandito??" tanong sakanya nung babae na tiyak ko nang nanay nya. Niyakap nya si Lee at hinalikan pa sa pisngi. Napatingin sya sa kamay naming magkahawak sabay ngiti sa akin.

Awkward. Sabi ko nang di ako prepared eh! Bat kasi di agad sinabe sa akin ni Lee?! Edi sana nagpaganda pa ko para maganda yung impression nila sa akin sa looks ko pa lang, di ba?! Tss!

"Ito na ba sya??" lumapit sakin yung Mama nya. "Oh my gosh, Lee! She's so pretty!!" nanlalaki pa ang mga mata nya nang sabihin nya yun.

My ghaaad. I'm so pretty daw! Okay, di na pala kelangang magpaganda. Maganda na ko sa paningin ng mama nya.

"Ma, masyado mong tinatakot si Kira sa itsura mo. Please lang. Ayokong mahawa sa itsura mong yan ang anak ko." nakasimangot na sianbi ni Lee sa mama nya sabay hapit sa bewang ko para mapalapit sakanya.

Nanalaki ulit ang mga mata ng mama nya. "Magkaka-apo na ko?! You're pregnant?!" tanong nya sakin.

Nakakahiya. Ngayon, nanliliit na talaga ko. Di ko alam kung anong sasabihin ko. Pag ba umamin ako, matutuwa sila o magagalit? Ang bata ko pa para mabuntis, alam ko yun. At isa pa, hindi naman talaga kay Lee ang dinadala ko. How am I supposed to tell them the truth??

"Uhh.." di ako makatingin sakanila. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko.

"Totoo ba yun, Lee?" tanong naman ng papa nya. Great. Pati ang papa nya nagtatanong na.

"Actually, yes. She's pregnant." nakangiti pa si Lee nang sabihin nya yun. Tumingin sya sakin at inayos ang buhok ko.

"L-Lee.." nanginginig ang boses ko.

Parang di ko ata kaya na ganito ang mga nangyayari. Wala namang sinasabi si Lee na kanya ang dinadala ko pero nagui-guilty ako dahil iniisip ng mga magulang nya na sya ang ama ng magiging anak ko.

Then, I decided to tell them the truth. Ayoko nang mabuhay sa kasinungalingan dahil kapag di ko sinabi ang katotohanan, marami lang ang masasaktan kapag tinago ko pa ito at sila mismo ang makaalam ng totoo.

"Ang totoo po nyan.." tumingin ako kay Lee at napabuntong-hininga. Sorry, Lee. I just can't take the thought of lying again. "I was raped and I'm pregnant because of it." natigilan silang lahat sa akin.

First meeting pa lang ata, bagsak na ko sa parents nya. I know his mother likes it that I'm pretty but now that she knows the truth? I don't know na.

Sino ba namang magulang ang gugustuhing magkaron ng karelasyon ang anak nila na nilapastangan, di ba? Feeling ko, ang dumi dumi ko na naman. Naiinis ako. Nakakainis talaga!!

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ng mama nya. Tumulo tuloy ang mga luha ko. "That's okay. I still like you anyway." humarap ulit sya sakin at pinunasan ang luha ko. "Alam ko namang mahal na mahal ka ng anak ko eh. Kasi kung hindi, di ka nya matatanggap dahil sa nangyari sayo. May nabuo pa jan sa sinapupunan mo." niyakap nya ko ulit.

Now, I feel so overwhelmed. Masyado ko atang minaliit ang kakayahan nilang makaintindi. Sobrang swerte ni Lee sa mga magulang nya at sobrang swerte ko pa sakanya.

"Welcome to the family." niyakap na rin ako ng papa nya. Feeling ko nga, sobrang welcome ako kahit di ko naman asawa itong si Lee.

Pakasalan ko na kaya? Ako na mismo ang mag-propose? Ayoko nang pakawalan ang lalaking 'to eh. Masyado ko syang mahal at tingin ko, di na mababawasan ang pagmamahal kong yun sakanya.

Pero ano? Pakasalan ko na nga?

"Thank you po." naiiyak ko pa ring sabi sakanila.

"I'm thinking of marrying you today. Shall we get married now?" nag-init ang pisngi ko sa binulong ni Lee.

Okay. SYA na pala ang mag-propose. Nahiya ako bigla sa iniisip ko eh.

Maya-maya lang, biglang may dumating na bisita. Isang lalaki na halos kasing-edad lang rin ng mga magulang ni Lee. Tingin ko, hapon sya dahil sa singkit nitong mga mata at sa hubog pa ng sarili nya.

"Gifu.." nakangiting bati ni Lee dito. Pagbati nga ba yun? "Sore wa anata ni futatabi o mite ureshīdesu. Ogenkidesuka?" bat kasi pati sya nagni-Nihongo? Nosebleeding again!

[Father-in-law.. It's nice to see you again. How are you?]

"Wag mo na nga akong kausapin ng Hapon dito. Nakakasawa na eh. Kamusta ka, anak? Maayos ang lagay ko. Masaya rin akong makita ka." niyakap nito si Lee.

Marunong palang mag-Tagalog eh. Etong si Lee, paduduguin pa ilong ko!!

"Sya na ba yun?" nakatingin sa akin yung lalaki na di ko pa rin alam kung sino.

"Opo. Sya na nga po yun." nakangiti pa rin si Lee. OP na ba ko?

"Hi. Ako nga pala si Fujiwara Hiroshima. I'm Yuri's father. It's so nice to see that Lee's back to his real self again. I'm so happy you helped him." nakayuko si Lee nang tignan ko sya.

Father ni Yuri? Yung asawa ni Lee?

Heck! Okay, I'm not prepared ulit! Bakit ba biglang may ganitong pangyayari?!

"Hello po. Nakwento po sakin ni Lee ang tungkol kay Yuri. Di ko po sya mapapalitan sa puso ni Lee at nirerespeto ko po sya. Sorry nga po pala sa nangyari sakanya." yumuko-yuko pa ko. Yun kasi yung nakikita ko minsan sa anime pag nagso-sorry sila. Tama ba ang ginagawa ko? :O

Tumawa si Fujiwara-san. Alam ko may -san yun pag tinatawag eh. O kaya -kun. May alam rin pala ko sa Japanese kahit papaano. "Don't be sorry. That's how it's supposed to be. Alam ko namang masaya syang lumisan sa mundong ito. Masaya na ko para sakanya."

Tinignan ko ulit si Lee at halos mangiyak-ngiyak sya.

He still loves Yuri. I can feel it.

The Witness ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon