THE WITNESS ACTS
If you are guilty, prove it.
Act 17
Karma
[Selina]
Hindi pa rin ako binibitawan ni Jethro kahit nakarating na kami dito sa park kung saan kami huling nag-usap. Nakakainis lang kasi hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip nya at sinabi nya yun kay Jesse at ang isa pang ikinaiinis ko, di ko man lang alam na magkakilala na sila dahil kung hindi, bat naman sasabihin nya kay Jesse ang mga yun, di ba? Nalilito na ko sa mga iniisip ko.
Binitawan na nya ko nang mapatapat kami sa isang poste. "Bakit mo ba ko biglang hinatak, ha?!" agad kong sigaw sakanya.
Nasapok nya ang ulo nya. "I don't know, Selina. Pwede bang tumahimik ka muna? I can't think straight!"
"Paano ako tatahimik kung ito ngang isip ko panay ang daldal sa akin?! Nakakainis ka na talaga, Jethro!! Wala ka nang ibang ginawa kundi ang pasakitan ako!" tinignan nya ko ng masama kaya bigla akong tumahimik.
"The feeling's mutual, Selina kaya wag kang magrereklamo sa akin nang ganyan."
Bwisit talaga sya. Ano bang ginawa ko sakanya at sasabihin nya na pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa? Sya nga itong lagi akong pinepeste at pinaparusahan. Bat pa sya nag-exist sa buhay ko? Ang laki nyang problema eh. Para syang garapata. Hindi ko pwedeng tirisin dahil kakalat ang itlog pero pwede ko syang ilagay sa garapon na may alcohol at hayaan syang malunod doon.
"Ang kapal!" singhal ko. "The heck's wrong with you?!"
"Sinabi ko nang wag kang maingay eh!!"
"Hindi ako maingay!"
"Anong hindi?! Eh panay nga ang sigaw mo sa akin?!" parang ako lang!
"Ikaw rin naman ah!"
"Tumigil ka na nga." mahinahon na sya, napansin din nya na panay rin ang sigaw nya.
"Bwisit! Aalis na ko! Bahala ka nga jan!!"
Nakakailang hakbang pa lang ako nang hilahin nya ang kamay ko kaya napasubsob ako sa dibdib nya. Nanlaki ang mga mata ko at nanigas na lang ang buong katawan ko. Kainis!Ito na naman. Pinagpapawisan na ko nang malagkit.
"Wag ka munang umalis. Baka nandun pa sya." ano ba talagang problema nya? Ano naman kung nandun pa si Jesse??
"Bakit ba? Ano naman kung nandun pa sya? Bitawan mo nga ko!" pinilit kong makaalis sa grip nya pero nanghihina ako. Hindi ko sya magawang maitulak.
Bigla nya akong inilayo sakanya. Galit ang pagtitig nya sa akin o baka frustration yung nakikita ko sa mga mata nya? Hindi ko alam. Hindi ko na naman sya mabasa.
"Pag sinabi kong wag ka munang umalis, wag muna. Maliwanag ba yun??" sinamaan ko sya ng tingin at pinilit ulit na makaalis pero ganun pa rin ang nangyari.
"Ano ka? Master ko? Kailangan kong sundin ang bawat iniuutos mo? Baka nakakalimutan mo, Jethro na ako ang syang kailangan mo. Sa ating dalawa, ako ang mas may karapatan na gawin yang ginagawa mo sa akin! Kaya pwede ba---"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang nya akong hinalikan. Nanlaki pa ang malalaki ko nang mga mata. Hindi ako nakakilos. Hinahalikan lang nya ko at di ko alam kung anong gagawin ko kaya nanlalaban ako kaso walang nagawa ang paglaban ko dahil di sya matinag-tinag.
Tuluyan na kong nahuli sa patibong nya dahil kusa nang pumulupot ang mga braso ko sa leeg nya at hinalikan na rin sya. Naramdaman ko pa ngang ngumiti sya nang gawin ko yun pero di ko na maawat ang sarili ko sa paghalik sakanya. Masyado na akong nalulong sa mga halik nya.
Humiwalay sya at ipinagdikit ang mga noo namin. Tumagal rin nang ilang minuto ang halik namin na yun. Nakakahingal. Iba ang halik nya sa halik ni Jesse. Hindi ko maiwasang ipagkumpara silang dalawa. Masyado kasing aggressive humalik si Jesse at ito namang si Jethro, puno ng passion. Di ko alam kung bakit ganun. Mahal pa kaya nya ko??
"I love you, Selina. Hanggang ngayon, mahal pa rin kita kahit na ginusto mo lang na mapalapit sakin because of Kira." yun na ang sagot sa tanong ko pero bakit ganito? Bakit masaya ako? "Kaso, I can't have you. Like him, I don't deserve you. Ikaw na siguro yung karma ko at tatanggapin ko ang karma na yun. Mamahalin kita kahit na di kita makukuha. Paulit-ulit akong masasaktan dahil sa bagay na yun." binitiwan na nya ako at ngumiti sa akin.
Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng mga luha ko. Alam nyo bang yun ang plano ko? Na paibigin sya at saktan? Nakakatawa kasi hindi ako masyadong nag-effort pero nagtagumpay ako sa plano kong yun-- yung planong tinalikuran ko na.
"Sorry." bigla nyang pinunasan ang labi ko. "Di ko dapat ginawa yun. Di na mauulit." may pumatak na luha mula sa mga mata nya.
Sobra syang nasasaktan ngayon. Alam ko dahil ramdam ko yun.
I feel guilty. Hindi ko alam pero sobra ang guilt na nararamdaman ko ngayon. He's Jethro Marcos. Isang lalake na walang alam sa buhay kung hindi ang magloko. Ngayong seryoso na sya, sya pa itong naloko. Pero I should be proud, di ba? Ako yung kauna-unahang babae na kahit kailan, hinding-hindi nya makukuha. Ako rin yung babae na nakapanakit sakanya nang ganito. Ako yung karma nya at paulit-ulit ko syang masasaktan dahil sa presence ko.
Tinalikuran na nya ko. Pang-ilang beses na ba nyang ginawa sa akin yun? Ang talikuran ako? Bakit parang pare-pareho ang nararamdaman ko sa tuwing ginagawa nya yun? Naiinis ako at nasasaktan?
"Walang magbabago, Selina. I still need you for Kira to sue me. And.." humarap sya sa akin. "Please don't fall in-love with me. I know you kissed me back pero sana.. Sana.. Sana wala ka lang choice kaya ginawa mo yun. Sana hindi totoo yun. Sana walang meaning yun. At kung sakaling main-love ka sa akin---" pain struck me again.
"Hinding-hindi mangyayari yun, Jett. I will never fall for you." kahit na I'm starting to collapse and fall for you.
And you will never catch me.
BINABASA MO ANG
The Witness Acts
General FictionShe is Selina Ortiz, a best friend of a girl who was raped by four men and to top that shit, she was a witness. She was up for vengeance but she fell in-love and because of that, she gave that up. As time goes by, she saw that guy again-- the leader...