Act 5: A New Beginning

1K 22 1
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 5

A New Beginning

[Jethro]

Todo ang ngiti ko nang makita si Felix na nakangiti rin sa akin. Dinalaw ko sya dito sa bahay nila para kamustahin.

"Musta?" sya pa itong unang nagtanong sakin habang papalapit sya sakay ng wheelchair nya.

"Ayos lang naman ako. Ikaw? Looking good ah." tumawa sya nang bahagya.

"Okay na ko. Mabilis naman daw yung recovery ko kaya sooner or later, pwede na kong lumabas-labas na ulit ng bahay na 'to. Ang boring pre. Sobra." sagot nya sakin.

Masaya ako dahil sa nakikita ko ngayon, iba na ang Felix na kaharap at kausap ko. Kung noon, sobrang gago nya, ngayon konti na lang ang kagaguhan nya. Malaki na ang pinagbago nya. Nagpapasalamat ako kasi tanggap na nya ang mga nangyari sakanya.

"Nabalitaan ko yung ginawa mo." napangiti na lang ako nang pilit. "Bat mo naman ginawa yun?"

Tumalikod ako sakanya at kinuha yung handle ng wheelchair nya para maipasok sya sa loob. "It's my fault. Kailangan kong pagbayaran ang mga kasalanan ko."

"Pero may kasalanan din kami. Kung makukulong ka, dapat makulong rin kami."

"Nakarma na kayo. Hindi nyo na kailangan pang dagdagan ang pagpaparusa sa sarili nyo. Ako na lang, Felix. Ipangako mo sakin ang bagay na 'to.." huminto ako sa harap ng sofa nila at umupo dito para makaharap sya. "..wag na wag nyong sasabihin na kasama ko kayo sa panggagahasa kay Kira. "

"Ano?! Gusto mong ikaw lang ang managot, Jett?!"

"Tama na yung mga nangyari sa inyo, Felix. Hindi ako papayag na makulong pa kayo sa kalagayan nyo. Ayoko. Naiintindihan mo ba??"

"Hindi. Kasalanan din namin yun, Jethro. Naririnig mo ba ang sarili mo ngayon? Nababaliw ka na ba?? Wag mong akuin mag-isa ang kasalanan na di lang ikaw ang may pakana. Lahat tayo damay-damay sa kasong yan." tumayo na ko para mabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Bakit ba hindi nya ako maintindihan? Ang akin lang naman, sapat na ang mga pagdurusa nila. Karma na sakanila yun. Nagbayad na sila sa kasalanang yun. Ako na alng ang hindi pa kaya ko ginagawa 'to.

"Basta, Felix.. Inaasahan kita. Wag mo sana akong biguin. Nakikiusap ako sayo." aalis na dapat ako nang magtanong sya ulit.

"Anong balak mong gawin, Jethro??"

Hinarap ko ulit sya at pinakitaan ng isang ngiti. "Hahanapin ko sya. hihingi ako ng tawad. Kahit anong mangyari, hahanapin ko sya. Hindi ako titigil. Pipilitin ko syang parusahan ako. Dapat din akong magdusa tulad nyo."

Pagkatapos kong sabihin yun, iniwan ko na sya at di na muling tinignan pa. Ayokong magkasagutan pa kami at lalong ayokong pigilan nya ko sa gusto kong gawin.

Alam kong tama ang gagawin ko. Para ito sa kasalanang hindi ko pa napagdurusahan. Hahanapin ko si Kira. Yun lang ang dapat kong pagtuunan ng pansin ngayon. Hihingi ako ng tawad sakanya. Yun ang mahalaga sa mga oras na 'to.

Sunod kong pinuntahan ang bahay nila Timothy. Tulad ni Felix, maayos na rin ang lagay nya. Naigagalaw na nya nang bahagya ang mga paa at kamay nya. Araw-araw ang therapy nya kaya mas lalong bumubuti ang lagay ng kaibigan kong ito. Isama na rin itong pag-aalaga ni Bethany sakanya.

The Witness ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon