Act 9: Insecurity

895 15 1
                                    

THE WITNESS ACTS


If you are guilty, prove it.

 

Act 9

Insecurity

[Kira]


Smelling the air here, it sucks. Bakit ba kasi ang polluted sa Maynila?! Susme! Smoke belching dito, smoke belching doon! Ano 'tong kalsada, instant factory?! Puro usok! My ghaaad!

Kung di pa ba obvious, nandito na kami ni Lee sa Manila. Sa bago nyang bahay na sinasabi nyang akin na rin daw dahil magiging mag-asawa rin kami soon. Ibang klase rin talaga ang boyfriend ko, parang nakapag-propose na eh noh?

Masaya naman ang pag-stay namin sa Japan. Syempre at first, sobrang lungkot ko dahil iniwan ko nga sya noon dito sa Pilipinas. Pero nung birthday ko, sobrang saya ko na. Lalo pa nung nakilala ko ang parents nya pati ang father ni Yuri Hiroshima-Jimenez.

Nakakatuwa nga eh. Sobrang close na kami nung papa ni Yuri. He's a good man. No wonder na his daughter is good. Magugustuhan ba naman sya ni Lee kung hindi? Nakapagkwentuhan kami ni Fujiwara-san about Yuri. It ended well kahit na aminin ko pang nagselos ako nung nakita kong mangiyak-ngiyak si Lee nung araw na yun lalo na nung time na napag-usapan namin ni Fujiwara-san ang tungkol sa pangalan ko.

Sabi nya, Japanese name din ang pangalan kong 'Kira' na nangangahulugang 'The Killer.' Syempre nagulat ako. Akala ko kasi may kinalaman sya sa mga pinaggagagawa ko dito sa Pilipinas noon sa mga rapist ko pero I was wrong nung banggitin rin nya na may iba pa itong meaning like, 'Glittery' o 'Shiny.' Sabi nya sa manga/anime lang nya nakuha na 'Killer' ang ibig sabihin ng Kira. Sikat daw yung anime na yun, Death Note daw ang title. Weird naman nung title na yun. Kaya daw Kira the Killer kasi sa mga Japanese, madalas na maging 'R' ang 'L' nila. Kaya kapag binasa ang killer, nagiging Kira.

"Kira, may problema ba tayo??" biglang tanong sakin ni Lee. Nagddrive sya papunta nga sa tutuluyan namin. Kung papaano ako nakakalanghap ng usok sa labas? Syempre nakababa ang window nitong passenger's seat kung saan ako nakaupo.

"Wala naman."

Wala naman talaga kaming problema ni Lee. Ang totoo nyan, hanggang ngayon dala ko pa rin ang pagseselos ko nang mapag-usapan si Yuri. Naikwento rin kasi sya sa akin ni Fujiwara-san at maging ang naging relasyon ni Lee at Yuri noong nabubuhay pa ito.

Ewan ko ba. Siguro naiinsecure lang ako kay Yuri. Mas maganda sya sa akin, mas maputi, mas matalino (base sa kwento nila sa akin), at higit sa lahat, sya pa rin ang aswa ni Lee. Kahit pa boyfriend ko na sya ngayon at wala na si Yuri, di ko pa rin maiwasan na mag-isip tungkol sa naging pagsasama nila. Nakakapraning pala yung ganito.

Tumitingin-tingin sya sakin habang nagddrive. "Sigurado ka ba? Pakiramdam ko kasi galit ka sakin. May nagawa ba kong ikinagalit mo? Nung nasa Japan pa tayo, napapansin kong iniiwasan mo ko. Please tell me. Nababaliw na ko eh." medyo na-guilty naman ako doon.

Hindi ko naman talaga sya iniiwasan. Sa tuwing lalapit kasi sya sa akin, naiinis ako. Para bang naiiyak ako dahil mahal pa rin nya si yuri. Naiisip ko rin nga na rebound lang ako. Ginagamit lang nya ako para makalimutan nang husto si yuri. Besides, isang taon pa lang ang nakakalipas magmula nang mamatay si Yuri at maiwan sya nito.

The Witness ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon