THE WITNESS ACTS
If you are guilty, prove it.
Act 21
As Well
[Selina]
"Bat ka nakangiti jan?" tanong nya sakin at may mapanuksong ngiti na sya sa mga labi nya.
Paano naman nya nalamang nakangiti ako eh nakatakip ang bibig at ilong ko? Kainis kasing sipon 'to. Ang hirap talaga pag ina-allergy ako.
I hate dust eversince dahil ito ang inaabot ko. Yun na rin yung dahilan kaya hindi ako pinagco-commute ng mga magulang ko. Ang hassle daw kasi na palagi silang bumibili ng gamot ko. If I know, nagkukuripot lang sila at ayaw talaga nila akong nakikitang nahihirapan sa kakasinghot.
Isa pa 'tong si Jethro eh. Ang lakas ng loob na tawanan ako samantalang kasalanan naman nya kung bakit ako nagkaganito! Kung di sana nya ko binadtrip nung araw na yun, hindi ako magwa-walkout at lalong di ako magji-jeep papunta sa bar kung saan nandun si Kylie.
Tinitigan ko sya nang masama. Masindak sya sa kamandag ng titig ko! "Hindi ako nakangiti! Naiinis ako sayo kaya bat ako ngingiti?" tinaasan ko pa sya ng kilay.
"Hindi talaga?" ang kulit!
"Hindi!"
"Bat ka defensive?" umiiling sya habang tumatawa kaya nasapok ko na naman sya.
"Asa ka!" singhal ko naman.
"Oo na lang." at nagpatuloy pa sya sa pagtawa kaya inismiran ko na.
Hindi ko alam kung ilang beses ko na syang inismiran ngayong araw na 'to at hindi ko rin alam kung bakit natutuwa ako sakanya ngayon.
Una, nagsimba sya. Kahit na alam kong tapos na syang magsimba nung nakita ko sya, hingit ko ulit sya sa loob para umattend sa 2nd mass. Di ko sure kung nakinig sya dun o buong oras nya kong tinititiga't tinatawanan. Nakakairita na nga kaya inaapakan ko na lang para di kami mahalata.
Ang ikalawa naman eh yung ngayon. Nandito kami sa unit nya at tulad ng inaasahan ko, sobrang gulo nito. Kawawang unit. Mahal sa condo na 'to pero di man lang nya ingatan at linisan. Ako pa lang daw ang unang babae na nakapasok dito. Sa pagiging playboy nya, inasahan kong dito sya nakikipag-makeout sa mga naging babae nya pero hindi pala at kung hindi, saan naman kaya?
Napatitig ako nang linisin nya ang lamesa gamit ang braso nya. Linis as in binagsak nya yung mga men's magazine na nakapatong doon bago inilapag ang isang baso ng juice para sakin.
"Wow ha! Galing mong maglinis! Nice!" sarkastikong kumento ko sakanya.
"Hahaha! Pasensya naman. Tinatamad kasi akong maglinis eh. Di bale, papalinis ko na lang 'to bukas." pinulot nya yung mga kalat-kalat na magazines sa lapag at itinambak yun sa gilid ng sofa set nya.
"Ang kalat talaga ng mga lalake." pailing-iling kong sinabe.
"Given nang ganun ako pero di naman siguro lahat ng lalake makalat."
"Wow. Ipinagtatanggol yung iba!"
"Hindi naman. It's a matter-of-fact situation."
"Bakit? Ano bang situation mo?" napatingin na lang sya sakin at napawi ang mga ngiti sa labi nya.
"May gusto ka bang kainin? Pa-deliver tayo. KFC? Jollibee? O kaya Shakey's? Ano?" kinuha nya ang phone nya at tumingin ulit sakin.
BINABASA MO ANG
The Witness Acts
General FictionShe is Selina Ortiz, a best friend of a girl who was raped by four men and to top that shit, she was a witness. She was up for vengeance but she fell in-love and because of that, she gave that up. As time goes by, she saw that guy again-- the leader...