Act 16: Slip

755 10 0
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 16

Slip

[Jesse]

"Jess,tama na yan." kinuha ni Lee an hawak kong beer pero binawi ko agad yun sakanya.

"Hayaan mo na ko, Lee. Minsan lang naman ako magpunta dito at uminom."tinungga ko na yung beer na hawak ko.

Nakakatawa talaga 'tong araw na 'to. Almost 2 weeks ko syang di nakita tapos nung pinuntahan ko sya kanina, kayakap nya yung rapist ni Kira. Yung gagong yun. Ang lakas ng loob nyang lapitan si Selina pagkatapos ng ginawa nyang kahayupan kay Kira. Ano bang binabalak nya? kunin rin yung kay Selina matapos nyang magsawa sa katawan kay Kira nung gabing yun? Hah! Di ako papayag. Mamamatay muna ako bago nya magalaw si Selina.

Pero tangina kasi eh. Sobra sobra yung pagseselos ko kanina. Damn! I'm so in-love with her. Sinisisi ko nang sobra ang sarili ko dahil ako ang naging dahilan para bumitaw na sya sa akin nang tuluyan at ngayon, mukhang kinukuha na sya sa akin ni Jethro. Ang sakit lang dahil nakuha syang yakapin kanina nung hayop na yun samantalang ako, nahawakan ko lang ang kamay nya.

Hirap na hirap na ko. Dalawang linggo na kong nagpapakasasa sa trabaho ko para lang makalimutan sya. Sa sobrang kasipagan ko sa pagtratrabaho, pwede na kong magkaroon ng loyalty award. Pero wala eh. Kahit anong gawin ko, di ko talaga sya maiaalis nang ganun na lang sa isip at lalo na sa buhay ko. Gusto ko syang makuha ulit at kapag nangyari yun, gagawin ko ang lahat nang makakaya ko para di na sya mawala pa ulit sa akin.

Ang tanong lang, darating pa kaya yung pagkakataon na yun?

"Kausapin mo lang ako, dude. Kailangan mong ilabas lahat ng saloobin mong yan." uminom rin sya ng beer. Alam kong pagagalitan sya ni Kira pagkauwi nya at tiyak kong alam rin nya yun pero eto sya, handa pa ring damayan ako.

"Di ko na alam, Lee. Saan ko na ba ilulugar yung sarili ko sa buhay nya?" itinungkod ko ang siko ko sa lamesa at nilagay ang noo ko sa kamay ko. "Tangina, Lee. Ang sakit eh." inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Tinatamaan na ko ng kalasingan ngayon.

"Nakausap mo na ba sya?"

"Oo, kanina. Pinuntahan ko sya sa school at nakita ko lang naman si Jethro na nakayakap sakanya. Damn! She's slipping away and it's my fault!" lumagok pa ko ng beer. "Nakukuha na sya ni Jethr sa akin. Hinatak pa sya nung lalaking yun kanina at sinabing di ko deserve si Selina and fuck that statement, Lee! I think he's right! I don't deserve Selina! I'm so fuckin' frustrated after that! Gustong-gusto kong makuha ulit ang puso nya pero paano?? Hindi ko na alam kung saan ang kung papaano magsisimula!"

Agad nyang kinuha yung bote ng beer nang lalagok ulit ako at di na hinayaan pang mabawi ko yun. Nakakainis talaga 'tong isang 'to. Bakit ba hindi na lang nya ko hayaang idaan sa alak ang mga nararamdaman ko ngayon?

Nagpatuloy pa ko sa pagsasalita."Alam mo ba kung anong pakiramdam ko ngayon?? Para akong isang donut! Butas na yung puso ko at yung munchkin o yung kinuhang gitna ko, na kay Jethro na. Sya na ang nakikinabang."

"Natural lang yan, Jesse. Nagmamahal ka eh." nakangiti pa sya habang sinasabi yun. Takte, ang lakas nyang mang-asar palibhasa masaya sya ngayon.

"Nakakatulong ka. Sobra. Paano mo ba natanggap na magkakaanak na yung girlfriend mo at sa rapist pa? Tss." naitanong ko na lang bigla. Ngumiti pa sya lalo na para bang natuwa pa sya sa tanong ko.

The Witness ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon