Act 12: Fight

824 18 9
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 12

Fight

[Jesse]

Wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan syang palayo sa akin. Hindi ko akalain na sobrang nasaktan ko sya sa mga ginawa ko kaya nakipaghiwalay na sya sa akin. Shit lang. Ang manhid ko. Tama rin sya sa mga sinabi nya. Ang tanga ko.

Ang tanga tanga ko to the point na gusto kong tumalon mula sa 5th floor ng ospital na 'to hanggang sa bumulusok ako pababa at mamatay. Tama lang sakin na masktan nang ganito. Doble pa ang sakit na naidulot ko kay Selina. Sarap talagang patayin ng sarili ko.

Naisuklay ko ang mga maliri ko sa buhok ko out of frustration. Gusto ko sana syang sundan para magmakaawa na wag akong hiwalayan pero sya na rin mismo nagsabi na di na magbabago ang isip nya. Anong klaseng boyfriend nga ba ako? Naging possessive ako masyado pero hindi ko rin lang talaga nakayang makita yung kahapon! Para bang iba yung way nya sa pagtingin kay Jethro kesa sa pagtingin nya sa akin.

Nakakaselos lalo pa't alam kong gumawa sya ng paraan para mapaibig yung gagong yun. Ano bang malay ko na sa pagpapaibig nya dun, pati sya nahulog na. It can happen pero she's right, I should have let her explain her side of the story. Shit of me.

"Totoo ba yung narinig ko, Jesse??" napatalikod ako dahil nandoon si Kira. "Sinaktan mo ang kaibigan ko? Kinaladkad mo at pinahiya sa harap ng maraming tao??" kitang-kita ko ang galit sa mga mata nya. Para bang gusto nya kong lamunin ng buhay.

Isang beses ko pa lang nakita si Kira na ganito. Yun ay nung araw na magkaroon na sya ng malay mula sa sinapit nya kina Jethro. Nanlilisik ang mga mata nya at nakayukom ang isang kamay na tila nagpipigil ng galit. Nakakatakot.

Napayuko ako sa kahihiyan. "O-oo." bigla na lang tumama ang palad nya sa pisngi ko. Malakas yun at talagang masakit. Nakayuko pa rin ako. Hindi ko sya matitigan sa mga mata nya.

"How dare you, Jesse! Bakit mo ginawa yun sa kaibigan ko?! Akala ko mabait ka at responsable pero hindi yun yung nakikita ko ngayon. Alam mo bang ikaw ang unang lalaki na gumawa nyan kay Selina?! All her life, nirerespeto sya ng mga lalaking nagkakagusto sakanya kasi they all know that she deserves it! Pero ikaw nagawa syang pahiyain?!" sigaw nya sa akin. Di ko rin sya masisisi dahil alam kong mali ako. Tanggap ko yun.

"Kira, tama na. Makakasama sayo ang magalit." pagpapakalma naman ni Lee sakanya.

"Hayaan mo ko, Lee. Kaibigan ko ang pinag-uusapan natin dito."

"Pero anak mo rin ang pinag-uusapan natin." napatingin ako sa kanilang dalawa.

"Anak?" tanong ko.

"She's pregnant." napaawang ang bibig ko. "And yeah. It's because of 'that' incident."

Hindi ko alam na buntis sya. Hindi naman kasi nasabi sa akin ni Lee ang tungkol sa bagay na yun kaya wala talaga akong kaalam-alam. Bestfriend ko sya pero kahit na ganun, meron pa rin syang mga lihim na hindi sinasabi sa akin. Pero ayos lang din yun. Nirerespeto ko naman ang desisyon nya sa hindi pagsabi sa akin tungkol dun. Baka iniingatan lang din nya si Kira kaya ganun.

Napabuntong-hininga si Kira. "Fine." tiningnan nya ulit ako ng masama. "Susundan ko lang si Selina. Nabinat ata eh. Baka di makauwi nang maayos yun." tumango naman si Lee at iniwan na nya kami.

The Witness ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon