Epilogue

1.3K 46 12
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

 

Epilogue

"Anak ng!!" titig na titig ang malalaki at mabibilog kong mga mata sakanya. Nakaduro pa ang daliri ko sa pagmumukha nya. "What are you doing here?!"

Suminghap sya at biglang tumawa. Halata ang sarcasm sa bawat tawa nya. "Bakit?! Ikaw lang ba ang invited?! Bestfriend ako kaya hindi ako pwedeng mawala dito. Ikaw bakit ka nandito? Di ka bagay dito."

Konti na lang at hindi ko na sya matatantsa. Ibang klase! Bakit kailangang makita ko pa ang gunggong na ito dito? Nakakabaliw na!

"Hoy, mister! Bestfriend din ako kaya may karapatan akong pumunta dito! Ang kapal mo ha!" singhal ko naman sakanya. Nagsisigawan man kaming dalawa, walang umaawat sa amin dahil halos lahat ng tao dito ngayon, sobrang sanay na sa bangayan naming tulad nito.

"Hah! Ako pa ang makapal?! Ayos ka rin ah!" inilapit nya sakin ang mukha nya. This trick again? "Halikan na lang kaya kita?"

Malakas ang pagtawa ko pero agad ring ako tumigil para sabunutan sya. "That won't work. Sanay na ko sayo. You're too gay! Ewan ko nga kung bakit may girlfriend ka ngayon."

"If I'm gay, then you have a gay ex-boyfriend." salita nya habang inaayos ang buhok nyang gulo-gulo na mula sa pagkakasabunot ko.

"Indeed! I should've seen it!"

"That's not the point!"

"Ha! Ha! Ha! Iiyak ka na? Oh come on! Ambilis naman ata?" nagtitigan na naman kaming dalawa.

Napatingin na lang kami nang magtawanan na yung nasa paligid namin. "Hindi ba kayo magsasawa sa kakabangayan nyo? Pero kung sabagay, mas okay yan para may source of entertainment kami lagi." siniringan ko si Kylie na panay ang halakhak habang nakapulupot sa braso ni Mike.

"Hoy, babae! Di porket masaya na ang lovelife mo, may karapatan kang pagtawanan kami!" umakto akong ibabato sakanya ang high-heeled shoe ko.

"Pero honestly, Selina and Jesse, bagay kayo. Para kayong aso't pusa." kumento naman ni Mike.

"Pre.." lumapit sakanya si Jesse at tinapik ang balikat nito. "Believe me.. Hindi kami bagay nyan kaya nga naghiwalay kami agad. Tsaka isa pa, I found my true love na. Wag mo nang sabihin na bagay kaming dalawa kasi kinikilabutan talaga ko eh." kapal! Kinilabutan daw sya? Eh ano pa ko? Muntik nang mamatay sa sobrang pandidiri? Okay, OA. Inismiran ko na lang nga at iniwan ko na sila.

4 years na rin ang nakalipas. Apat na taon na kaming ganito ni Jesse. Panay ang bangayan namin sa tuwing kangkukrus ang landas naming dalawa. Ewan ko rin kung bakit eh. Hindi naman ako nagagalit sakanya at alam kong ganun rin sya. Siguro kasi mag-ex kami? Pero di rin eh. Siguro dahil sa pagiging bitter nya over me. Hahahaha!

"Mama!!" agad kong kinarga ang batang lalaki na patakbong pumunta sa akin.

"Wow! You look really good, baby!" hinalikan ko ang pisngi nito. "And you smell good, too! Kaya love na love ka ni Mama eh." nag-giggle na lang ang bata at niyakap ako.

The Witness ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon