Act 15: Problems

741 10 0
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 15

Problems

[Selina]

Halos dalawang linggo na ang nakalipas mula nung araw na yun. Halos di ako makapag-concentrate sa mga klase ko kaya madalas akong punahin ng mga prof sa tuwing nakikita nila akong tulala at wala sa wisyo. Magda-dalawang linggo na rin akong laging kulang sa tulog at umiiyak tuwing may pagkakataong naiiyak ako.

Konti na lang, mababaliw na ko sa sobrang depresyon. Nakakatawa lang dahil Psychology student ako at nakakaranas ako ng ganitong depresyon. Di ko man lang magawang tulungan ang sarili ko gamit ang mga natututunan ko sa course ko. O baka wala lang akong natututunan kaya ganun?

"Ortiz.." napatingin ako kay Mrs. de Guzman, yung prof namin ngayon. Nahuli na naman akong nakatulala.

"Yes, ma'am?" malamya kong tanong.

"Are you okay? Namumutla ka. Pwede kang mag-excuse at pumunta sa clinic kung gusto mo." tamang-tama, wala ako sa mood makinig ngayon at last subject na rin naman 'to kaya makakauwi na ko.

"Salamat po. Mejo nahihilo nga po ako." inayos ko na yung gamit ko.

"Sige, sige. Go ahead." tumango na lang ako at lumabas na sa room.

Bawat hakbang ko pababa ng hagdan, pakiramdam ko babagsak ako. Puyat na puyat ako dahil di nga ako makatulog. Dala siguro talaga 'to nang sobrang pag-iisip pero kagabi, nakapag-desisyon na ko. Tutulungan ko na si Jethro sa gusto nya. Tama lang rin naman siguro na magdusa sya, di ba? Dapat lang na makulong sya.

Pero, tama nga ba yun? Na sya lang ang magdusa habang ako, magiging masaya kahit na wala man lang ako nagawa para kay Kira? May kasalanan din naman ako, di ba?

Araw-araw akong hinihintay ni Jethro sa bench na malapit sa gate. Tuwing papasok ako, nandun na sya at nakaabang sa akin. Ang nakakainis lang, pag nakita nya na ko, tititigan lang nya ako hanggang sa makapasok ako sa loob ng school. Wala man lang sinasabi o ginagawa basta't nandun lang sya, nagmamasid sa akin.

Tuwing uwian ko, nandun rin sya sa bench kung saan nya ko hinihintay. Nakakapagtaka na nga rin paminsan. Hanggang anong oras ba ang klase nya at talagang hinihintay pa nya ko? Gabi na kasi ang uwian ko at malay ko kung anong oras yung kanya. May isang araw lang na di ko sya nakikita tuwing uwaian. Wednesday yun at di ko alam kung bakit wala sya tuwing ganun ang araw.

Naglakad na lang ako palabas ng school pero wala sya dun sa bench kaya ako na lang muna ang umupo doon. Ako naman ang maghihintay sakanya ngayon.

Lumipas ang isang oras bago sya dumating. 3hrs kasi yung klase ko at nakaka-isang oras pa lang ako nung umalis ako dun. Nagulat nga sya nung makita ako sa bench kung saan sya laging nakaupo. Tumayo ako ay humarap sakanya.

"Payag na ko." payak na sabi ko sakanya.

"T-talaga??" napangiti sya nang malapad at napayakap pa sa akin.

Bigla na lang akong nanghina. Parang gusto kong manlumo dahil sa yakap nya. Nanlalambot na ang mga tuhod ko at unti-unti nang nagtutubig ang mga mata ko. Bakit ba ganito ang pakiramdam ko sa tuwing nagdadampi ang mga balat namin? Nakakainis na. Hindi dapat bigyan ng meaning ang ganitong bagay.

"Selina.." nag-stiff ako nang marinig ang boses na yun.

Halos dalawang linggo ko na rin syang hindi nakikita o nakakausap man lang. I hate to admit it pero na-miss ko sya. SOBRA. Kaso hindi pa rin nawawala yung sakit na idinulot nya sa akin. Napatawad ko na sya kaya lang sabi nga nila, mahirap makalimot.

Napabitaw sa akin si Jethro. Nakatingin sya sa likod ko kung naaan si Jesse ngayon. Hindi ako makatingin sakanya. Ayoko syang makita dahil baka bumigay na naman ang puso ko sakanya.

Gulong-gulo ako ngayon. Bakit ba pagkatapos ng isang problema, may kapalit agad? Dinaig pa ang pagiging playboy at playgirl na pagkatapos makipag-break sa jowa nila, may kapalit ito agad. Tss. Bakit ba bigla kong naikumpara ang mga yun??

"K-kayo na ba?? Bat ang bilis naman?" napalingon na ko sakanya at nagulat ako sa itsura nya.

Para na syang zombie sa sobrang itim ng eyebags nya. Ganun na ba sya ka-pagod o ka-puyat kakatrabaho para magkaganyan ang itsura nya? Ewan ko kung matatawa ako pero sinasabi ng sitwasyon ngayon na magseryoso ako.

"Hindi ganun yun, Jesse." huminga sya nang malalim at ngumiti.

"Buti naman kung ganun." hinawakan nya ang kamay ko. "I'm so sorry. Di ko alam kung matatanggap mo yung sorry ko dahil pinatagal ko pa nang ganito. Inisip ko kasi na kailangan mo ng time para makapag-isip kaya ngayon lang ako nakapagpakita ulit sayo."

"Napatawad na kita--"

"Talaga?! So, may chance na ba ko ulit sayo? P-pwede mo ba kong bigyan ng isa pang chance? Binabalikan mo na ba ko?" kumunot na ang noo ko sa mga tanong nya.

"Hindi, Jesse. Di kita binabalikan." nawala ang ngiti nya. "H-hindi pa kasi ako handa na pasukin ulit ang pakikipag-relasyon ngayon lalo na sayo. I'm sorry, Jess pero kasi ang hirap nang i-handle ng relasyon natin. Masyado tayong immature. Palagi tayong nag-aaway at wala ka pang tiwala sa akin. I don't think we could make a good couple right now after all what happened to us." hindi sya makasagot at napabitaw sa kamay ko.

Tumingin sya sa likuran ko, kay Jethro kaya napatingin rin ako saknya. Nainis ako bigla nang makita ko syang nakangiti doon na parang sira. Nagmomoment kami dito pero parang tuwang-tuwa pa sya. Siguro sobrang saya nya lang dahil pumayag na ko sa gusto nya. Kaya lang, mali pala ang nasa isip kodahil sa mga sinabi nya.

"Bute naman at naghiwalay na kayo. I told you, you don't deserve Selina." pagkatapos nun, hinila na nya ko palayo kay Jesse.

Ano bang problema nya??

The Witness ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon