Act 13: Beg

811 13 0
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 13

Beg

[Selina]

"Are you sure you're okay?" pang-ilang beses na atang tanong sa akin yan ni Kira.

Pagkatapos kong layasan si Jesse doon sa ospital, nagulat na lang ako nang bigla nya kong hatakin papasok sa kotse na sinakyan namin kanina para makabalik na sa condo unit ko. Paulit-ulit ata syang nagmumura sa kotse dahil sa mga nagawa sa akin ni Jesse pero di naman talaga mura as in mura. Panay lang 'gago yun' o kaya 'hayup' ang narinig ko sakanya kaso parang mura na rin sa sobrang galit nya.

"Oo nga sabi. Salamat ha? Tska alagaan mo yan." nginuso ko yung stuffed toy na yakap nya. Yun yung binili ko para sa birthday nya.

Ang saya ko kasi naibigay ko yung gift ko sakanya. Akala ko kasi dati wala nang chance para maibigay ko pa yun dahil hindi ko naman alam kung nasaan sya o kung buhay pa sya. Tuwang-tuwa sya nang makita yung aso na stuffed toy. Kulay violet daw kasi at sobrang laki pa. Niyakap nga nya agad nung ibigay ko yun sakanya at hanggang sa mga oras na 'to, di pa rin nya yun binibitawan.

May nag-doorbell bigla. "Baka si Lee na yan." sabi ko kay kira kaya agad nyang binuksan ang pinto at bumalik syang kasama si Lee.

"Good evening." nakangiting bati sa akin ni Lee. Shems! Ang gwapo nya talaga!

"Good evening din. Kumain ka na?" tanong ko naman sakanya.

"Yup! Kakatapos lang." binaling nya ang tingin nya kay Kira sabay haplos nito sa buhok ng bruha kong kaibigan. Kainggit! "Ikaw, kumain ka na ba? Ayokong nagugutom ka pati na sya." tinignan nya ang tyan ni Kira at ngumiti ang bruha.

Sinong 'sya' naman yun?

"Tapos na rin kami. Kaya nga pinapunta na kita dito para sunduin ako eh." sagot ni Kira sakanya.

"Ganun ba? Mabuti naman at di ka nagpapabaya." inakbayan nya si Kira at humarap sakin. "Sorry nga pala sa ginawa ng kaibigan ko ha? Di ko rin alam kung anong problema nun. Nadala lang siguro sa pagiging possessive ng ex nyang si Megan. Ako na ang humihingi ng dispensa sayo."

"Di mo naman kailangang humingi ng tawad. Kahit pa sabihin mong kaibigan mo sya, magkaiba pa rin kayo. Sya ang gumawa ng mga yun at di ikaw kaya bakit ikaw ang magso-sorry?" nagsimula na namang uminit ang ulo ko. Tss. Pinaalala pa kasi eh.

"Sorry. Anyway, okay na ba ang pakiramdam mo?" lumapit sya sa akin at hinawakan ang noo ko. Ang lambot naman ng kamay nya! Ang kinis pa! Namamanyak ko ang jowa ng bespren ko, myghaaaad! "Ayan, wala ka na palang lagnat. Make sure lang na wag kang malilipasan ng gutom at inumin mo yung binigay ko sayong gamot kanina on time. Magpahinga ka na."

"Salamat, Lee. Sige na. Gabi na rin. Umuwi na kayo ni Kira at baka pagod na rin yan." sabi ko pa sakanila.

"Sige, Sel. Dadalaw na lang ako sayo dito madalas." niyakap ako ni Kira. "Na-miss talaga kita. Pagaling ka pa lalo, okay?"

"Oo na nga po. Ang kulit mo."

"Mauna na kami ha? Babye!" hinalikan nya ko sa pisngi at humawak na sa kamay ni Lee.

"Paki-lock ng pinto." pahabol ko. "Ingat na rin!"

"Ako na ang bahala sakanya. Ingat ka rin, Selina. Good night." tumango na lang ako at umalis na sila.

The Witness ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon