Final Act: On Bended Knees

858 18 2
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

 

Final Act

On Bended knees

[Jethro]

"Sumama ka sakin." ito agad ang bungad sa akin ni Felix nang makatapak ako sa loob ng pamamahay nila.

Nagdire-diretso sya palabas kaya sinundan ko sya hanggang sa makarating sya sa tapat ng kotse ko at sinenyasan akong pagbuksan sya ng pinto.

"Saan naman kita sasamahan?" tanong ko nang mabuksan ko ang pinto ng front seat at tinulungan ko syang makaupo dun.

"Wag nang maraming tanong. Basta magdrive ka na lang papunta sa sasabihin ko sayo." nagkibit-balikat na lang ako at itiniklop ko na ang wheelchair nya saka ito inilagay sa trunk ng sasakyan ko.

Hindi na ko pumapasok sa school. I decided to drop myself out of it. Kung bakit? Simple lang. Para naman makalimutan na ko ni Selina.

After that day, hindi na ko muling nagpakita sakanya. Ayokong mahirapan sya dahil lang sa mahal na nya ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hahayaan ko lang syang masaktan. Tama nang nasaktan ko si Kira at ayoko nang maulit pa ang nangyari sakanya sa katauhan ni Selina na bestfriend nya. Hinding-hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko dahil ang taong nasasaktan ko ay ang babaeng minamahal ko.

Ako na lang ang maghahanap kay Kira. Ako na mismo ang gagawa ng paraan para magkita kaming dalawa at makahingi ako ng tawad sakanya. Kung sakaling hindi man ako makulong, gagawa na lang siguro ako ng ibang hakbang para maparusahan ang sarili ko... Kahit pa ikamatay ko yun.

"O, saan na?" tanong ko ulit kay Felix nang mapaandar ko ang kotse.

"Sa Fatima"

"Fatima Hospital?"

"Oo, dun."

"Bakit dun?" tinignan nya ko nang may pagka-irita. "Sabi ko nga magddrive na lang ako. Tss."

Nang makarating na kami sa ospital na sinasabi nya, marami ang tao. Dito ko rin nakita noon yung ex ni Selina eh. Ano bang ginagawa nun dito nung oras na yun? Tss. Naalala ko na naman ang mokong na yun.

Sa ospital na 'to laging nagpapacheck-up si Felix. Baka naman gusto lang nyang samahan ko sya para magpacheck-up pero ang alam ko kasi, next week pa yung schedule nya para dun eh.

"Wait lang. Kunin ko muna yung wheelchair mo." lumabas na ko ng kotse at kinuha ang wheelchair nya saka ito ini-unfold para sakanya. "O, ito na. Dahan-dahan ha." tinulungan ko syang makaupo doon.

"Salamat. Tara sa loob. Pakitulak mo naman 'to." binatukan ko na nga.

"Lakas mo pre ah. Parang alam ko kung saan itutulak 'tong wheelchair mo."

"Bat kelangan mong mambatok? Eh kung kutusan kita jan? Anong silbi ng instructions? Di ka ba marunong sumunod sa ganun? Hina mo pala."

The Witness ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon