Act 14: Blackmail

838 10 2
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 14

Blackmail

[Jethro]

"Kahit kelan, hinding-hindi kita tutulungan kaya wag ka nang umasa pa at wag mo na kong pipilitin pa." tumalikod na sya at akmang iiwan ako nang tawagin ko sya.

"Selina.." tumigil sya pero di ako nililingon. "Mahal mo ba ko?"

Naghihintay ako sa sagot nya pero nandun lang sya sa kinatatayuan nya. Wala syang imik o kahit na ano pa man.

Tumayo ako at nilapitan sya. "Kaya ba ayaw mo kong tulungan dahil mahal mo ko??" alam kong ang hangin ng pakikipag-usap ko pero kailangan ko syang mapilit.

I need Selina more than anyone right now. Sya lang ang makakatulong sakin para makaharap ko si Kira. Sya lang din ang taong magpapabagsak sa akin sa dapat kong kalugaran.

Bigla syang humarap sa akin, umiiyak. Wala naman akong nasabing masakit pero bakit sya umiiyak? "Ang kapal mo talaga." nakatitig sya sakin habang lumuluha. "Sobrang kapal mo, Jethro. Hinding-hindi ako magkakagusto sayo at hinding-hindi kita mamahalin. Tandaan mo yan."

"Kung hindi mo ko mahal, tulungan mo ko. Patunayan mo sa akin na wala ka talagang gusto o pagmamahal na nararamdaman para sa akin."

"Binablackmail mo ba ko??"

"Masisisi mo ba ko? I'm desperate kaya oo, binablackmail kita." magsasalita pa sana sya kaso na-shock ata kaya di na nya maituloy. "If ever handa ka nang tulungan ako, lagi mo naman akong makikita. Hihintayin kita sa gate bago ka pumasok at umuwi. I will never lose hope, Selina. Ikaw na lang ang pag-asa ko. I really need you."

"Kapag di ako pumayag??" nginitian ko sya at sapat na yun para kilabutan sya.

"Magiging boyfriend mo ko kung ganun. Ipagkakalat ko na tayo na at sasabihin ko sa lahat na nasaksihan mo ang ginawa ko kay Kira pero wala kang ginawa. Papanget rin ang reputasyon mo kaya pareho na tayo." sinampal na naman nya ko. Pang-apat na beses na ito kaya masakit na talaga at halos mamanhid na ang pisngi ko.

Wala naman talaga akong balak sabihin sa lahat na meron syang alam at wala syang ginawa. Gusto ko lang talaga syang mapapayag ngayon. Mahal ko si Selina. Kahit pang halata na ang panloloko nya sa akin, yung pang-aakit nya sa akin, at yung pagpapaibig nya sakin, mahal ko pa rin sya. Wala eh. Talagaang tinamaan ako sakanya.

"Hayop ka!" singhal nya sakin.

"Hayop talaga ako, Selina. Alam mo naman kung gaano ako ka-hayop kaya bakit di mo na lang gawin ang sinasabi ko sayo nang matapos na ang sinasabi mong kahayupan ko?!" tuloy-tuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha nya.

"I can't believe this. I can't believe you!! i hate you, Jethro! Sagad sa buto ang pagkasuklam ko sayo!!"

"Mabuti yan, Selina." hiawakan ko sya sa magkabilang balikat nya. "At mabuti rin na hindi mo ko mahal. Kung sakali mang may nararamdaman ka para sa akin, dapat puro galit lang. Wag na wag mo kong mamahalin, Selina. Wag na wag." pagkatapos kong sabihin yun, iniwan ko na sya at dumerecho na kung saan naka-park ang kotse ko.

Agad kong pinatakbo ang kotse ko. Saan ba ko pupunta ngayon? gusto ko sanang maglasing para makalimot kaso panandalian lang naman ang magagawa nun kaya wag na lang. Ayoko na ring gumawa pa ng kahit na anong kalokohan. Magbabago na talaga ako. Alam ko sa sarili ko na makakaya kong magbago dahil kailangan kong magbago.

Kung pwede ko lang ilibing nang buhay ang sarili ko, matagal ko nang ginawa kaso hindi pa ko pwedeng mamatay ngayon. Kailangan ko pang panagutan ang lahat ng pagkakamali ko. Dapat pa akong parusahan ni Kira.

"O, bat nandito ka na? Di ba hanggang 5pm pa ang klase mo? Di ka pumasok?" salubong na tanong sa akin ni Tim. Dito ako dinala ng kotse ko.

"Oo eh. Tinamad na kasi ako." umupo ako sa couch.

Fully recovered na si Timothy ngayon. Ang balita ko pa nga, darating na ulit ang parents nya dahil sinabi na nyang magpapakasal sila ni Beth. Ewan ko ba sa adik na 'to. Parang nagmamadaling magkaroon ng anak kaya gusto nang magpakasal. Parang di nga sya nai-stroke sa lagay nya ngayon eh. Nakakainggit sya. Mabuti na nga ang lagay nya, masaya pa sya. Pero ayos lang yun. Mabuti nga na okay na sya at masaya ang buhay nya ngayon.

Ako kaya? Maging masaya pa kaya ako pagkatapos ng lahat nang nangyayare sa akin ngayon? Maging okay pa kaya ako pagkatapos naming magharap ni Kira? Mapapatawad pa kaya nya ako?

Siguro hindi. Sa laki ba naman ng kasalanan ko? Asa pa ko. Pero di naman masamang umasa di ba? Kahit 0.5% lang,okay na basta aasa ako.

"Tarantado ka talaga. Kala ko ba magbabagong-buhay ka na?" umupo sya sa tabi ko.

"Cool. Di ka na iika-ika ngayon. Ganyan na ba kapag gumaling ka sa sakit mo? Nagiging mapanuri ka masyado?" tumawa ako pero fake lang yun kasi kahit anong gawin ko, di ko makuhang maging masaya. Lahat ng sinasabi sakin ng sistema ko, dapat maging miserable ako.

Kinutusan nya ko. "Di ka na lang maging masaya para sa akin. Tado ka talaga." umiling-iling pa sya.

"Masaya naman ako para sayo ha? Bat ba iniisip mong hindi?"

"Gago."

"Siraulo. Wala akong ginagawa sayo."

"Umalis ka na nga. Pinaiinit mo ulo ko." sabay hampas ng unan na nasa couch sakin.

"Tado 'to. Kakarating ko lang, papaalisin mo na ko? Haha."

"Teka nga." inilapit nya yung mukha nya sakin na halos maramdaman ko na sa mukha ko ang hininga nya. "Bat ang dami mong pasa?" inilibot pa nya ang paningin nya sa buong katawan ko. As in BUONG KATAWAN. "Ano yan?! Napapaaway ka na naman?!" nakita nya yung kamao ko na may dugo pa rin hanggang ngayon.

Sa sobrang frustration ko talaga kanina, nasuntok ko na yung sahig na semento. Di ko na kasi talaga alam ang dapat na gawin ko.

Hinigit ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya. "Sinuntok ko lang nang paulit-ulit yung semento kanina." mahinahon kong paliwanag sakanya.

"Bat mo naman ginawa yun? Nag-aadik ka ba ulit??" ako naman ang bumatok sakanya.

'Tong isang 'to talaga parang hindi na-stroke! Tama bang akusahan akong nagamit pa nun?!

"Hindi na no! Ayoko nang gumamit nun. Takte, nagkakasala lang ako lalo."

"Magsisimba na ba tayo??" naguluhan ako sa tanong nya. "Pag pumasok kaya tayo sa simbahan, masusunog pa rin kaya tayo o hahayaan na nya tayong makapasok at makinig sa loob?"

Binatukan ko na ulit. "Ewan ko sayo. Sa susunod subukan natin para malaman natin ang sagot."

"Bat iniiba mo yung usapan??" pinandilatan ko na sya.

Takte talaga. Parang ginagawa na nya kong tanga ngayon ah. Ako ba nag-iba ng usapan??

"Okay fine." tinalikuran na nya ko. "Ano ngang nangyare at ginawa mo yun?"

"Gusto ko lang saktan yung sarili ko." humarap na naman sya sakin.

"Nasisiraan ka na."

"Nababaliw na ko."

"Oo, baliw ka na nga. Abot hanggang langit ang kabaliwan mo."

"Sana nga umabot hanggang doon para pagbigyan nya ko sa kinababaliwan ko."

"Babae ba??" nanlaki ang mga mata nya at parang excited pa.

"Oo." bumuntong-hininga ako. "At dalawa sila."

The Witness ActsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon