Bloody Chapter 3: The Premonition

234 6 2
                                    

Walang ganang sinuklay ni Ricca ang kanyang mahabang buhok. Pinasadahan niya muna ng tingin ang kanyang kabuuan sa isang full length mirror bago tuluyang lumabas ng silid.

Naabutan niyang nakaupo sa hapag kainan ang kanyang ina. Nagbabasa ito ng broadsheet habang sinasalinan ng isa sa mga katulong ang tasa nito ng mainit na tsaa. Tila naramdaman nito ang presensiya niya kaya mula sa broadsheet ay lumipat ang paningin nito sa kinatatayuan niya.

"Anak, andyan ka na pala. Halika na't kumain. Male'late ka na". Nakangiting alok nito sa kanya.

"Thanks mom. Sorry pero wala po akong gana". Malungkot na sabi nito. Hindi na nagawang tumutol ng kanyang ina dahil agad na siyang lumabas ng bahay.

Mabigat ang paang nilakad ni Ricca ng daan patungong St. Catherine University, walking distance lamang kasi iyon mula sa kanilang bahay. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa rin ni Ricca ang pagkawala ni Richard kahit tatlong linggo na ang lumipas mula nang ilibing ito.

Matagal na kasi niyang crush si Richard. Magkaklase sila at parehong kumukuha ng kursong HRM. Bukod kasi sa gwapo ito ay popular rin ang binata dahil ito ang star player ng kanilang University dahil sa husay nito sa paglalaro ng basketball. Ngunit hindi niya nagawang aminin ang nararamdaman dito sa takot na baka umiwas ito sa kanya. At isa pa, mayroon na itong ibang nagugustuhan, ang isa pa nilang kaklase at kaibigan. Ang cheer captain ng kanilang basketball team.

Si Reese....

Maganda, mabait at higit sa lahat sexy. Isang katangian na wala siya. Medyo mataba kasi siya dahil nakahiligan na niyang kumain ng marami. Maganda ang kanyang mukha ngunit lagapak pagdating sa katawan.

Maagang nakarating si Ricca sa St. Catherine, tiningnan niya ang kanyang orasang pambisig.

7:00 AM

May kalahating oras pa siya para makapag review. May long quiz kasi sila ngayon sa general chemistry. Lalo niya tuloy na'miss si Richard, kapag ganito kasing may quiz o exam ay tumatabi ito sa kanya para kumopya. Siya rin ang gumagawa ng projects at homework nito.

Sa halip na sa classroom ay sa library dumeretso ang dalaga at nadatnan niya roon si Reese. Ngumiti ito sa kanya at bumati, lumapit naman siya rito at umupo sa katapat na upuan.

"Nakapag review ka na ba?" Tanong ni Ricca sa dalaga.

"Oo, nahihirapan na nga ako ehh. Di ko expect na ang hirap maging scholar dahil may average ka na kailangang i'maintain". Tugon naman ng dalaga na halatang wala pang maayos na tulog dahil nangingitim na ng ilalim ng mga mata nito.

Walang masabi si Ricca, tinapunan niya lang ng isang sulyap si Reese bago itinuon ang mga mata sa kaharap na libro.

"Alam mo, parang gusto ko na nga lumipat sa public school".

"Sayang naman, third year na tayo ohh. Kapag nag transfer ka hindi mo sigurado kung make'credit lahat ng subjects na nakuha mo rito, uulitin mo yun".

"Ok lang, iilan lang naman siguro yun".

"Kelan mo naman balak lumipat?" Muling tanong ni Ricca

"Baka next year, tatapusin ko muna 'tong semester". Mapait na ngumiti si Reese. Nalulungkot kasi siya dahil mapapahiwalay na siya sa mga kaibigan na itinuring na niyang kapatid.

"Ano ba kasing problema, Reese? Pera ba? Pwede ka naman namin tulungan. Magsabi ka lang". Worried na sabi ni Ricca

"Wag na Ric, salamat na lang. Masyado na kayong maraming naitulong sakin".

Kokontra pa sana si Ricca pero biglang nag ring ang bell. Hudyat na magsisimula na ang klase.

**********

Pagsapit ng alas dose ng tanghali ay nagkita kita ang magkakaibigan sa cafeteria upang sabay sabay na kumain ng tanghalian. Nasa kasarapan sila ng pagku'kwentuhan nang biglang dumating si Nathan, masayang masaya ito.

"Guess what". Excited na sabi nito sa mga kaibigan.

"We have no time for that, sabihin mo na lang". Pa'supladang sagot ni Kathrine. Pinandilatan naman siya ng kasintahang si Christian.

"Alam mo, hindi ka naman namin pinipilit na makinig. Kung ayaw mo ng topic lumipat ka ng ibang table". Pambabara ni Janna.

"Guys, tama na yan". Awat ni Janne sa dalawang dalagang nagkakainitan na. "Nathan, ano na nga pala yung sasabihin mo?" Nakangiting tanong nito.

Tila huminto ang ikot ng mundo para kay Nathan, sadyang nakakabighani ang mala anghel na mukha nito.

"Nate, ok ka lang?". Muling tanong ni Janne sa binatang nakatulala sa kanya.

"Nakuha akong model ng V-Label". Masayang balita nito sa mga kaibigan.

Kung si Richard ang itinuturing na MVP sa kanilang University, ang bestfriend niya namang si Nathan ang may hawak ng titulong hearthrob sa buong campus. Hilig niya ang sumali sa mga male pageants at ngayon nga, ay nakuha itong modelo ng isang sikat na clothing line sa bansa.

"Well then, congratulations!" Bati sa kanya ni Janne at sinundan pa iyon ng iba pang pagbati mula sa iba pa niyang kaibigan.

"Kelan ang pictorial mo?" Tanong sa kanya ni Sarah.

"Bukas na, kaya sorry guys kung hindi ako makakasama sa inyong mag bar mamaya. Maaga kasi ako uuwi". Nakangiti na sabi nito.

"Ay ganun ba? Sayang, hindi ka makakapanood ng gig ni Tom". Nanghihinayang na sabi ni Micah, tukoy niya sa isa pa nilang kaibigan na bokalista ng isang rock band.

"Ok lang yun pre. Unahin mo na muna iyan". Si Tom.

"Thanks pare. Ohh pano, mauna na ko sa inyo huh. May tatapusin pa 'kong research sa library". Paalam ni Nathan, pagkasabi nun ay dinampot nito ang mga hawak na libro at tuluyan nang umalis.

Walang nagawa ang kanyang mga kaibigan kundi sundan na lamang siya ng tingin. Lalo na si Janne na hindi maalis ang tingin sa papalayong binata.

"Miss mo na agad? Sagutin mo na kasi". Biro ni Karen kay Janne nang mapansin nitong nakatitig pa rin ang dalaga sa papalayong binata.

Tila natauhan na tumitig ito kay Karen. "H-huh? Hindi...Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya". Namumula ang pisngi nitong tumitig kay Tom saka nagtungo ng ulo.

Hindi naman talaga niya nais habulin ng tingin si Nathan. May napansin kasi siyang kakaiba rito.

Dahil nang tignan niya ito mula sa glass window ng cafeteria nang makalabas ito ay.....



Wala itong ulo.......



The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon