Bloody Chapter 4: Suicide Note

206 5 1
                                    

Walang tigil na palakpakan ang maririnig sa kabuuan ng The Pyramid. Isa itong bar and restaurant na may tatlong palapag at hugis tatsulok. Ang pader nito ay yari sa makapal at kulay itim na salamin. Sikat ang naturang resto bar sa mga mayayaman at mga celebrities. Pagmamay ari ito ng ama ni Tom na si Don Miguel Saavedra. Dito rin madalas mag gig ang banda na kinabibilangan ni Tom. Nang matapos ang kanilang first set ay pinuntahan niya ang mesa kung saan nakapuwesto ang kanyang mga kaibigan.

Habang abala sa pagkukwentuhan ay kapansin pansin ang pananahimik ni Janne. Agad naman itong napuna ng kanyang mga kaibigan.

"Love, may problema ba?" Tanong ni Tom sa nakatulalang dalaga.

"Love, pwede ba nating tawagan si Nathan?". Nag aalalang tanong nito.

"Baka nagpapahinga na iyon, may photoshoot pa siya bukas di ba?" Si Travis

"Nag aalala lang talaga ako. Kasi kanina paglabas niya ng cafeteria, wala siyang ulo".

Tila kinilabutan sila sa sinabing iyon ni Janne. Agad na dinukot ni Christian ang kanyang cellphone at nagmamadaling din'ial ang number ni Nathan.

**********

Parang lantang gulay na isinandal ni Nathan ang kanyang likuran sa couch. Pagod na pagod ang pakiramdam niya dahil sa dami ng mga school requirement na kailangan niyang tapusin. Nangako kasi siya sa parents niya na hindi niya pababayaan ang pag aaral kahit suma'sideline siya bilang freelance model.

Nang makaramdam ng gutom ay tumayo siya at pumunta sa dining area. Binuksan niya ang fridge ngunit nanlumo siya dahil hindi pa pala siya nag go'grocery. Bumalik siya sa sala, binuksan ang kanyang desktop computer at nag login sa skype. Makalipas ang ilang minuto ay may natanggap siyang video call mula sa kanyang ina.

"Hello, Ma". Pinilit niyang pagsiglahin ang itsura upang di ito mag alala.

"Hello, anak. Kamusta ka na dyan?" Tanong ng mama niya, nasa tabi nito ang kanyang papa, masayang masaya ang anyo ng kanyang papa samantalang hindi naman maipinta ang mukha ng kanyang ina.

"Ok lang po ako. Kayo po? Maganda ba diyan sa Paris?"

"Oo anak, sayang at hindi ka sumama". Nanghihinayang na sagot ng kanyang papa.

"May next time pa naman. Marami lang kasi akong kailangang unahin dito". Sagot niya.

"Kumakain ka ba sa oras? Ikaw naman kasi ehh, dapat dun ka na lang sa bahay nag stay. Atleast dun, maaasikaso ka ni Manang, kesa dyan sa condo mo nag iisa ka lang".

"Ma, ok lang ako. Wag ka na mag alala ok?"
--***--

Kunot noong pinagmamasdan ni Liza ang anak na si Nathan sa monitor. Kanina pa kasi niya napapansin ang isang babae na padaan daan sa likuran ng kanilang anak.

Hindi mawari ang kulay ng suot nito. Parang puti na mamula mula, ang mahaba nitong buhok bukod sa mukhang naglalagas ay medyo magulo at may kabagalan kung lumakad.

"Anak, bakit hindi mo kami ipakilala sa kasama mo?" Di napigilang tanong ni Liza sa anak.

**********

"Hindi niya sinasagot". Nag aalalang sabi ni Christian matapos niyang pindutin ang End Call Button.

"Ulitin mo hanggang sagutin niya". Pagpupumilit ni Ricca.

"Malaki na iyon noh, kaya na niya ang sarili niya. Hayaan niyo siya kung ayaw niya sagutin". Maarteng sagot ni Kathrine.

"Alam mo ikaw sumusobra ka na huh. Tumigil ka baka di kita matantya". Pikon na sagot ni Janna na akmang susuntukin pa ang dalaga.

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon