Bloody Chapter 6: Burned Alive

187 5 0
                                    

"Haiz, sa wakas nagising ka rin". Maarteng sabi ni Kathrine.

"Anong nangyari?" Tanong ni Janne. Hinilot muna niya ang magkabilang sentido bago bumangon sa kinahihigaan.

Agad namang dumating ang school nurse nang malamang gising na siya. Binigyan siya nito ng gamot para sa sakit ng ulo at isang basong tubig.

"Inumin mo yan para bumuti ang pakiramdam mo". Magiliw na sabi nito sa kanya. Umalis rin ito agad matapos niyang inumin ang gamot na pinapainom nito.

"Hinanap ka namin kay Tom kanina. Ang sabi niya nagpunta ka raw sa washroom. Ang tagal mo nga raw lumabas kaya pinuntahan ka na namin. At ayun, nakita ka namin ni Janna na walang malay kaya dinala ka namin rito". Mahabang paliwanag ni Sarah.

"Mabuti na lang at nakita ka namin, kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sayo". Nag aalalang sabi ni Janna.

"Ano ba kasing nangyari sayo? Bakit ka hinimatay sa washroom?" Tanong ni Karen.

Muling bumangon ang hilakbot sa dibdib ni Janne nang maalala ng itsura ng babae.

Ang duguan nitong damit.....

Ang naaagnas nitong katawan.....

Ang nakapangingilabot na ngiti.....

Malinaw na ito ang babae sa kanyang panaginip!!!!

Isang bangungot na matagal nang gumugulo sa kanya....

"Love ok ka lang?" Tanong ni Tom sa dalaga.

Hindi namalayan ni Janne na nasa harapan na pala niya si Tom. Isang pilit na ngiti ang sumilay sa mapulang labi nito.

"Oo naman. Medyo nahilo lang ako kanina". Sabi ng dalaga saka umiwas ng tingin.

"Baka naman kasi hindi ka kumakain sa tamang oras. Puro ka kasi aral, hindi naman siguro magagalit ang mommy mo kung matanggal ka sa dean's list". Mahabang sermon ni Micah.

"Tama na yan. Wag niyo na sermunan si Janne". Saway ni Travis bago binalingan si Tom. "Ang mabuti pa, ihatid mo na si Janne sa kanila para makapagpahinga".

Agad namang sinunod ni Tom ang payo ng kaibigan.

**********

Pasado alas otso na ng gabi nang makauwi si Janna. Sinadya niyang magpaabot ng gabi sa gym dahil wala naman siyang daratnan sa bahay.

Nasa out-of-town business trip ang parents niya samantalang ang maid nila ay nagpaalam na uuwi muna sa probinsya upang dalawin ang amang may sakit.

Tumuloy sa kanyang silid si Janna. Tinanggal lahat ng saplot sa katawan at matamang pinagmasdan ang sarili sa salamin.

Mahusay sa mixed martial arts si Janna. Iyon ang dahilan kung bakit medyo maskulado ang pangangatawan nito. Nung una ay halos ayaw pumayag ng kanyang mga magulang sa kanyang kakaibang hilig. Sayang daw kasi ang kagandahan niya kung mababangasan lang ang kanyang mukha. Mas bagay raw siyang maging commercial model kesa martial artist.

Nang makapagpalit ng damit ay dumeretso na ito sa kitchen para mag prepare ng dinner. Kahit lumaki siyang may kaya sa buhay ay sinanay pa rin siya ng mga magulang sa mga gawaing bahay.

Habang abala sa paghihiwa ng mga recipe para sa kanyang lulutuin ay biglang namatay ang ilaw sa buong kabahayan.

"Wrong timing naman 'tong brown out". Sabi ni Janna sa kanyang sarili habang naghahalungkat ng flashlight sa isa sa mga drawer ng cabinet na kinalalagyan ng mamahaling alak.

"Yun ohhhh". Tuwang tuwa na sabi ng dalaga nang makita ang hinahanap, lalo na nang makitang maliwanag ang ilaw nun. Palatandaan na bago pa lang ang baterya.

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon