Bloody Chapter 27: Mary Venice Rint

79 0 0
                                    

Semestral Break, November 1991

Maganda ang hatid na liwanag ng magkahalong pula at berde na nagmumula sa malikot at umiikot na ilaw sa kisame. Napakaraming tao sa dance floor na nagsasayaw sa masayang tugtugin na pinapatutog ng DJ. Biyernes ng gabi nun at ang lahat ay nag iinom at nagsasaya.

"What the hell is wrong with you Art? That's the third chick that you turned down tonight since we got here". Reklamo ni Daniel sa kaibigan.

Kibit balikat lang ang sinagot ni Arthur sa kaibigan. "If you eat the same shit everytime you got bored of it too". Walang ganang sagot ni Arthur saka tinungga ang hawak na beer.

"Holy shit!" Tila namamangha na bulalas ni Daniel.

Sinundan niya ang tingin ng kaibigan at nakita niya sa dance floor ang napakagandang babae. Mahaba ang tuwid na tuwid nitong buhok na bumagay sa tsinitang mukha nito, matangos ang ilong at mapula ang manipis nitong labi.

Maputi ang makinis nitong kutis na hantad sa suot nitong maiksi at hapit na kulay pulang dress.

Mukha itong buhay na manika....

"Iyan ba? Schoolmate natin yan ehh". Lalong nawalan ng ganang tugon ni Arthur

"Talaga? Hindi ko alam na taga SCU rin siya". Di makapaniwalang sabi ni Daniel.

"Oo, schoolmate natin yan. Sa pagkakaalam ko siya yung reigning Ms. SCU ngayon". Sagot ni Arthur

"Shit I'm going to take her home with me". Tila sabik na sabik na sabi ni Daniel.

Napatingin ang babae sa direksyon nina Arthur. Ngumiti ito ng nakakaakit saka bumalik sa pagsasayaw kasama ng ilang kalalakihan roon.

Dismayadong napailing na lang si Arthur at saka muling ininom ang natitirang beer sa bote bago nagsalita. "Kung interesado ka sa kanya, lapitan mo na". Suhestiyon ni Arthur sa kaibigan.

"Aaminin ko, nagagandahan ako sa kanya. Pero faithful ako kay Hannah". Sabi ni Daniel.

"Faithful? Pare wag na tayong maglokohan dito, ako pa ang lolokohin mo? Kanina nga halos tumulo ang laway mo tapos ngayon sasabihin mo faithful ka sa girlfriend mo?" Natatawang komento ni Arthur.

Di namalayan ni Arthur na nasa likod na pala nila ang babaeng kanilang pinag uusapan.

"Hey Babe? Mapang akit na sabi nito.

"Hi". Kunwaring natutuwang bati ni Arthur.

"Let's dance". Pag aaya ng babae saka hinila si Arthur papunta sa dance floor.

"Asan ang mga kasama mo?" May halong pag aalala na tanong ni Arthur sa dalaga na panay ang sayaw sa maharot na tugtugin.

"Ikaw ang kasama ko di ba? You can take me anywhere you want". Malambing na bulong ng babae na dinampian pa ng mumunting halik ang leeg ng binata.

Tamang tama, matagal tagal na rin akong diyeta... Aliw na aliw na sabi ng binata saka hinapit pa ang babae palapit sa kanya dahilan upang dumikit sa kanya ang malulusog nitong dibdib na bahagyang nakalitaw ang cleavage.

"May i know your name please". Di mapigilan ni Arthur ang mag init.

"Venice..."

"What a nice name, bagay sayo. By the way, I'm Arthur". Papuri ni Arthur. Alam niyang kaunting bola lang ay bibigay na ang babae.

"I know you. Kilala ka sa buong SCU o mas tamang sabihing, sa buong Pilipinas.  So there's no need for you to introduce yourself".

Nang mapagod sa pagsayaw ay wala na silang ginawa kundi ang uminom ng alak at pagkatapos ay dumiretso ang dalawa sa bachelor's pad ng binata upang pagsaluhan ang kakaibang init na kanilang nararamdaman.

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon