Bloody Chapter 32: Dark Secret

52 0 0
                                    

"Anak, saan ka ba nanggaling kanina pa kami nag aalala ng Daddy mo! Tinatawagan ka namin ni hindi mo sinasagot ang cellphone mo!" Galit na galit na sabi ng Mommy ni Janne nang dumating ang dalaga sa bahay nang gabing iyon.

Hindi sumagot ang dalaga. Tuluy tuloy lamang ito sa paglalakad paakyat ng hagdanan.

"Kezziah Janne kinakausap kita!" Pasigaw na sabi ni Bella saka marahas na hinatak ang braso ng anak.

"Gusto niyong malaman kung saan ako nanggaling? Pinuntahan ko lang naman ang tao na sa tingin ko'y makakatulong samin. Palibhasa lagi kayong wala kaya hindi niyo alam kung ano ang nangyayari sakin!" May bahid ng galit na sabi ng dalaga.

"Janne! Don't you dare na pagsalitaan ng ganyan ang Mommy mo!" Galit na sabi ni Arthur.

"And don't you dare na magsinungaling ulit sakin". Sarkastikong sabi ng dalaga.

"A-anong ibig mong sabihin?".

"Hindi ba't may kinalaman ka sa pagkamatay niya? Pinatay mo siya hindi ba?".

"Hindi ko alam ang sinasabi mo". Hindi makatinging tugon ni Arthur.

"Alam mo kung ano ang sinasabi ko Dad".

"Arthur? Anong meron? Anong 'tong sinasabi ng anak mo na may pinatay ka?" Tanong ni Bella sa asawa.

"Hindi ko sinasadya". Umiiyak na sabi ni Arthur.

"Anong ibig mong sabihin? Ikaw ang pumatay kay Venice? Hindi ba't sabi mo nagpakamatay siya?".

"Hindi... Hindi totoong nagpakamatay siya. Hindi ko sinasadya. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang paghihiganti niya".

**********

From Chapter 28:

"Sir Arthur, may babae po sa labas hinahanap kayo". Magalang na sabi ng isa mga kasambahay sa lalaking amo na kasalukuyang nanonood ng TV sa living room.

"Sino raw siya? Bakit hindi niyo papasukin at bigyan ng makakain?" Tugon niya saka tumayo upang puntahan ang babae.

"Paano naman po namin papapasukin, sa labas pa lang nagsisisigaw na. Baka manggulo lang po iyon dito". Sagot nito.

Dali daling pinuntahan ni Arthur ang sinasabing babae. Parang alam na niya kung sino ang babaeng tinutukoy ng kasambahay. At hindi nga siya nagkamali, dahil nang makarating siya sa may guard house ay tanaw na tanaw na niya si Venice na nagsisisigaw habang inaawat ng tatlong guwardiya.

Malaki ang pinagbago nito. Wala na ang dating ganda na hinahangaan ng mga kalalakihan at kinaiinggitan ng mga kababaihan. Tuluyan nang bumagsak ang dati nitong mahubog na pangangatawan.

"Arthur!" Tila nasisiraan ng bait na sabi nito. "Hindi mo 'ko pwedeng basta na lang talikuran!". Nagpupuyos sa galit na sabi nito.

"Hindi kita tinatalikuran, Venice. Hindi ko nakakalimutan ang responsibilidad ko sayo. Sa loob ng dalawang taon ay regular akong nagpapadala sa inyo ng pera". Mahinahon na sabi nito.

"Hindi ko kailangan ng pera. Ikaw ang kailangan ko. Pakasalan mo ko, Arthur!". Wala sa sariling sabi nito habang pilit na inaabot ang binata.

"Hindi pwede, kasal na kami ni Bella at mahal ko siya". Mariing sabi ni Arthur dahilan upang masaktan ng sobra si Venice.

Isang nakakainsultong halakhak ang pinakawalan nito bago nagsalita. "Ayaw mo nun, dalawa kaming roromansa sayo sa gabi? O kaya naman, sunday to tuesday sa kanya ka. Wednesday to friday sakin ka. Then every saturday, threesome tayo". Malanding sabi nito.

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon