The Bloody Finale

48 0 0
                                    

"Daddy!!!"

Nagulat ang magkakaibigan sa malakas na pagsigaw ni Janne.

"Love, what's wrong?" Nag aalalang tanong ni Tom sa nobya.

"Thank God nagising ka na. Akala namin kung ano nang nangyari sayo". Sabi ni Janna.

Luminga si Janne sa paligid. Naroon pa rin sila sa isang maliit na restaurant para mag stop over.

Panaginip lang pala. Pero parang totoo.

"Reese, binilhan kita ng makakain". Sabi ni Janna saka inabot sa dalaga ang spaghetti, home made cheeseburger at ice tea sa kaibigan.

"Salamat". Sagot ni Reese.

Shit... Parang ganito yung nasa panaginip ko...

"Guys, kelangan na nating magmadali". Nagpapanic na sabi ni Janne.

Madilim na nang makarating sila sa Eme Road (Bitukang Manok). Palatandaan na malapit na sila sa kanilang destinasyon.

Pilit pinapatalas ni Janne ang pakiramdam. Panay rin ang tingin nito sa rearview mirror upang bantayan ang bawat galaw ni Reese.

"Ok ka lang ba?" Tanong ni Karen sa dalagang hindi mapakali.

"Oo, naman". Maiksing tugon ni Janne saka muling sinulyapan si Reese mula sa rearview mirror ngunit tahimik lamang ang dalagang nakatingin sa labas ng umaandar na van.

"Kanina ka pa kasi walang kibo". Muling tugon ni Karen.

"Maayos naman ako, wag niyo ko alalahanin. Ang mabuti pa, si Reese ang tanungin niyo". Sabi ni Janne saka nilingon ang kinaroroonan ng kaibigan upang pagsisihan ang ginawang paglingon.

"Janne, bakit?". Nanginginig ang tinig na tanong ni Janna.

Binalot ng matinding kilabot si Janne nang makita ang nakakapanghilakbot na anyo ni Reese.

Nakayuko lamang ito at mahinang tumatawa. Mayamaya ang nag angat ito ng mukha. Kitang kita nila ang mata nitong purong itim saka ito ngumisi ng nakapangingilabot.

Tila isang demonyo na handang kumitil ng buhay....

Nabalot ng malalakas na sigawan ang buong van nang humalakhak ito ng ubod ng lakas.

Tila nasasabik sa panibagong kaluluwang maisasama sa impiyernong kanyang kinaroroonan.

Mayamaya lang ay mabilis na kumilos si Reese at marahas na kinalmot si Karen. Napasigaw ang dalaga sa hapdi ng nasugat na balat. Malalim ang sugat na dinulot ng kalmot na iyon.

Mas lalong lumakas ang sigawan ng magkakaibigan dahilan upang gumewang gewang ang sasakyan. Nawala sa focus si Tom sa pagmamaneho dahilan upang mahulog ang kanilang sasakyan sa matarik na bangin.

"Janne!!!!!!!!!!". Sigaw ni Arthur habang pinagmamasdan kung paano nagkayupi yupi ang van na sinasakyan ng kaisa isang anak.

**********

"Natagpuan patay si Kezziah Janne Del Valle, ang kaisa isang anak ng pinaka mayamang business tycoon sa bansa na si Arthur Del Valle kasama ang anim pa nitong kaibigan. Kasama sa mga namatay ang anak ng Bise Presidente at miyembro ng isang sikat na rock band na si Tom Saavedra. Kasama rin sa naturang van ang sikat na modelong si Patrick Montemayor at ang accoustic singer na si Karen Sandoval. Bagamat buhay, ay agad ring binawian ng buhay matapos i'rescue sina Janna Dela Vega at Karlo Mendoza. Samantalang nawawala sa hindi maipaliwanag na dahilan ang bangkay ni Reeseana Ferrer. Nahihirapan tuloy ang mga awtoridad na matukoy kung buhay pa ba ito o patay na".

Agad na in'off ni Bella ang telebisyon matapos na marinig ang masamang balita tungkol sa malagim na pagkamatay ng kaisa isang anak at ng mga kaibigan nito. Hindi niya mapigilan ang mapahagulgol. Agad naman siyang niyakap ng mayordoma na hindi rin mapigilan ang maiyak dahil sa biglaang pagkawala ng dalagang amo.

**********

Samantala...

Nakaluhod na nagdarasal si Lola Anita sa harap ng altar nang biglang humangin ng malakas. Kasabay niyon ang pagkamatay ng mga kandilang nakasindi sa altar. Binalot ng dilim ang buong silid.

"Lola..." Takot na takot na tawag ni Carol sa kanyang Lola.

"Naganap na". Bulong nito.

"Anong ibig niyong sabihin?" Kinakabahang tanong ni Carol.

"Nakuha na niya ang gusto niya. Nagtagumpay siya". Sagot ni Lola Anita.

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon