Bloody Chapter 11: Drink Moderately

141 4 0
                                    

Hinubad ni Paul ang suot na makapal na eyeglasses at saka kinusot ang mga mata.

Umaasang wala na ang babae na nakita niyang nakatayo sa kabilang side ng swimming pool ngunit nabigo siya.

Dahil hanggang ngayon ay naroon pa rin ang babae. Kitang kita niya ang repleksyon nito mula sa sliding door na yari sa salamin na  bahagyang natatamaan ng kaunting liwanag.

Sinubukan niyang lumingon sa kabilang side ng pool ngunit wala siyang nakitang babae.

Tanging sa salamin niya lamang ito nakikita.....

**********

Walang kamalay malay si Jayson na may nakatingin sa kanya mula sa labas.

Matamang pinagmamasdan ang kilos niya at tila sabik na sabik na makuha siya.

"Jay tara na, hinihintay na nila tayo". Tawag ni Karen sa kaibigan.

Agad namang sumunod si Jayson kay Karen. May planong nabuo sa kanyang isip. Hihintayin muna niyang makatulog ang mga kaibigan saka siya babalik sa bar para tikman ang alak.

"Hindi naman siguro big deal sa daddy ni Janne kung titikim lang ako ng tig iisang shot". Bulong niya sa sarili.

Mahilig uminom si Jayson. Sa katunayan, siya ang naka impluwensiya sa buong tropa na mag bar hopping. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng bisyo ay hindi nito napapabayaan ang pag aaral. Katunayan, isa siya sa pinakamatalino sa kanilang klase.

**********

2:00 am

Marahang bumangon si Jayson upang hindi magising si Karl na mahimbing ang tulog sa kanyang tabi. Napatingin siya sa katabing kama at lihim siyang napangiti nang makitang tulog na tulog rin sina Micah at Karen.

Mabilis na lumabas ng silid si Jayson at nilakad ang madilim na hallway, may pagmamadali sa kanyang kilos.

Lumawak ang pagkakangiti ni Jayson nang marating niya ang maliit na bar kung saan naka display ang mga koleksyon ng mamahaling alak ng daddy ni Janne.

Tuwang tuwa ang binata, walang kamalay malay na may isang nilalang ang kanina pa naghihintay sa kanya.

Aliw na aliw siya nitong pinagmamasdan mula sa labas. Nakasilip ito sa sliding door sa may pool area.

Naglakad ang binata papunta sa bar at binuksan ang drawer na kinalalagyan ng mga shot glass at kumuha ng isa.

**********

Naalimpungatan si Janna sa hindi malamang dahilan. Ilang linggo na ang lumipas mula nang maaksidente siya ngunit ramdam na ramdam niya pa rin ang hapdi ng tinamong sugat. Nagulat ang dalaga nang tumunog ang kanyang cellphone.

May tumatawag......

Mabilis niya iyong dinampot at nalaman niyang si Jayson ang caller.

"Hello Jay, napatawag ka?".

"Tulungan mo 'ko". Sabi ng kaibigan sa kabilang linya. Sa tono ng boses nito ay para bang dumadanas ito ng matinding kirot at hirap.

"Jay!!! Asan ka ba? Sabihin mo Sakin pupuntahan kita!!!". Nag aalalang sagot ni Janna.

"Ayoko pang mamatay".

**********

Mabilis na ininom ni Jayson ang laman ng shot glass saka nagsalin muli. Nagsisimula nang mag blur ang kanyang paningin dahil sa pagkahilong nararamdaman. Ngunit hindi ito ininda ni Jayson, sobrang siyang nasasarapan sa iniinom kaya ang isang shot ay nauwi sa maramihan, hanggang sa hindi na niya namalayan na nangangalahati na ang laman ng bote.

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon