Bloody Chapter 9: Nightmare 2

133 4 0
                                    

Nagmulat ng mata si Janne nang maramdaman niyang tila may malamig na palad na humaplos sa kanyang mukha.

Madilim ang loob ng silid at tanging ang table lamp lang ang nagsisilbing tanglaw ng dalaga.

"Sarah?". Nagulat siya nang makita ang kaibigang nakaupo sa silya na nasa tabi ng hospital bed. "Anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na". Sabi niya saka umupo sa kinahihigaan.

"Di ba sinabi ko sayo na dadalawin ka namin uli? Andito na kami". Malamig na sagot nito sa kanya.

Tila nakaramdam ng kaba si Janne sa sinabi ng kaibigan. At dahil madilim ay huli na nang mapansin niya ang sugat nito sa leeg, puro bahid rin ng natuyong dugo ang puting bestida na nakita niyang suot nito kanina. Naiiyak na tumingin siya sa couch para sana gisingin si Tom ngunit hindi si Tom ang nakita niya sa couch, kundi si.....

Nathan.....

Wasak ang kaliwang bahagi ng mukha nito samantalang sa kanan ay bagamat medyo buo pa ay nakaluwa naman ang isang mata. Bali rin ang mga buto nito sa buong katawan.

Sa may bintana naman ay nakita niya si Richard. Tulad ni Nathan ay basag rin ang bungo nito, at duguan ang buong katawan.
Gustung gusto nang sumigaw ni Janne dahil sa sobrang takot lalo na nang makita niyang papalapit sa kinaroroonan niya ang dalawa pang kaibigan.

"Maawa kayo sakin. Please... Tama na". Umiiyak na sabi ng dalaga habang nakapikit ang mga mata at yakap ang magkabilang tuhod.

May binubulong sa kanya ang mga ito ngunit di niya na iyon naunawaan dahil sa kakaiyak dulot ng matinding hilakbot.

Mayamaya ay unti unting nawala ang mga
boses ng mga kaibigan. Marahang nagmulat ng mata si Janne.

Payapa na ang buong paligid....

Ilang segundo lang ang lumipas ay may narinig siyang langitngit.....

Napatingin siya sa pintuan ng banyo na ilang dipa lamang ang layo mula sa kanyang kama. Marahan iyong bumubukas at wala siyang makita sa loob kundi kadiliman.

Muling nilukob ng takot ang dibdib ng dalaga, nagsisimula nang lumuha ang kanyang mga mata dahil sa tindi ng hilakbot na nararamdaman.

Mula sa loob ng banyo ay may lumabas na babaeng naaagnas na ang buong katawan. Halos bumaligtad ang kanyang sikmura nang magsilabasan ang napakaraming uod sa nabubulok nitong laman.

Bagamat takot ay hindi inaalis ng dalaga ang paningin sa babaeng nasa kanyang harapan. Kitang kita niya ang nabubulok nitong ngipin at nangingitim na gilagid nang ngumisi ito sa kanya.

Hindi na nagawa pa ng dalaga ang sumigaw nang bigla itong tumakbo at dinambahan siya. Sinakal siya nito.

"Papatayin kita".....

"Janne!!!"

Isang malakas na sampal ang gumising sa dalaga. Agad namang humingi ng paumanhin si Tom at niyakap ang nobyang gumanti rin ng yakap sa kanya.

"You're having a nightmare".

Hindi na ininda ng dalaga ang sakit ng sampal ng nobyo. Ang importante ay nagising siya mula sa isang masamang panaginip.

"A-anong nangyari?" Tanong niya nang makitang kumpleto ang kanyang mga kaibigan na dumalaw sa kanya, maliban kay Janna na hanggang ngayon ay naka'confine pa rin. Umiiyak ang mga ito.

May ideya na siya kung bakit nag iiyakan ang mga ito ngunit ayaw niyang isipin....

Na sana mali ang kanyang hinala....

"Janne, patay na si Sarah". Sagot ni Patrick

Humagulgol ng malakas ang dalaga.

**********

"Bakit nangyayari sa atin 'to?" Wala sa loob na sabi ni Travis. Kasalukuyan silang nasa funeral parlor upang asikasuhin ang mga labi ni Sarah habang hinihintay ang mga magulang nitong pauwi pa lang ng Pilipinas mula Hongkong.

"Hindi ko alam. Nakakapagtaka lang na sa loob lang ng halos dalawang buwan ay tatlo agad ang namatay sa atin". Sagot ni Tom.

"Wala ba kayong napapansin?" Tanong ni Patrick.

"Ano ba Patrick? Matanda ka na masyado para paniwalaan yung bullsh*t na urban legend na yan". Inis na pambabara ni Travis.

"Pero hindi maitatanggi na may posibilidad na iyon ang dahilan kung bakit namatay ang tatlo sa atin. Pansinin mo, hindi ba nangyari lang ang lahat ng ito magmula nang subukan natin yung urban legend?". Napipikon na sagot ni Patrick.

"Pero may posibilidad rin na hindi, dahil may tamang paliwanag ang bawat pagkamatay nila. I mean si Richard namatay dahil sa vehicular accident, si Nathan nag suicide dahil hindi niya matanggap na mas pinili ni Janne si Tom, si Sarah naman naaksidente sa elevator at si Janna posibleng napasok ng masasamang loob sa mismong tahanan nila. So lumalabas aksidente lang ang lahat at hindi kagagawan ng isang multo tulad ng hinala mo". Mahabang paliwanag ni Karl.

"Pero Karl, paano mo ipapaliwanag na sunud sunod na naaksidente at namatay ang tatlo sa atin at may isang nag aagaw buhay? Ano yun coincidence?". Tanong ni Jayson.

Hindi nasagot ni Karl ang tanong na iyon ni Jayson. Namayani ang mahabang katahimikan sa pagitan ng magkakaibigan. Tila nahulog sa malalim na pag iisip.

"Paano nga kung totoong yung urban legend nga ang dahilan? Ibig sabihin, lahat tayo ay nasa bingit ng kamatayan. Anumang oras ay maaaring mamatay ang isa sa'tin. Paano natin yun mapipigilan?" Kinakabahang tanong ni Christian.

"Isa lang ang naiisip kong solusyon". Singit ni Paul na ikinagulat ng kanyang mga kaibigan. Kanina pa kasi ito nananahimik sa isang sulok.

Napako sa kanya ang tingin ng lahat, hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

"Mas mainam na wag tayong maghiwa hiwalay. Kung yung urban legend nga ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito, mas maganda na magsama sama tayo". Sagot ni Paul.

"Sige, pero saan tayo mag'i stay?" Tanong ni Travis.

"Pwede sa bahay namin". Offer ni Janne.

"What? Guys, bakit kelangan pa nating magsama sama? Look, we're old enough to take care of ourselves. Pwede namang thru text na lang ang communication natin diba? I mean, kapag may nangyari or napansin tayong kakaiba pwede namang magtawagan na lang tayo. Diba Babe?". Tutol ni Kathrine saka tumingin sa nobyong si Christian na hiyang hiya sa inasal niya.

"Pwede ba Kath, kahit ngayon lang bawas bawasan mo yung kaartehan mo". Saway sa kanya ni Karen.

"Besides, kung ayaw mong sumama hindi ka namin pinipilit". Naaasar na sagot ni Micah.

"Guys, tama na yan. Kath, sumama ka na para naman sa kaligtasan natin 'to". Malumanay na sabi ni Janne.

"Whatever". Sagot nito sa dalaga na sinabayan pa ng irap.

"Alam mo ikaw sumosobra ka na ehh". Di nakapagpigil na sagot ni Ricca. Tumayo ito at hinatak ang mahabang buhok ni Kathrine. Umiiyak na gumanti ito ng sabunot ngunit malakas si Ricca, napahiga ito sa sahig at sinampal ng kaliwa't kanan.

"Matagal na akong nagtitimpi sa'yo". Galit na galit na sabi ni Ricca. Pilit naman siyang inaawat nina Jayson at Paul.

"Pwede ba tama na". Bulong ni Janne ngunit hindi pa rin tumigil ang mga ito at patuloy pa rin sa pagsasabunutan.

"Tama na!!!!" Sigaw ni Janne na ikinagulat ng lahat. Agad na tumigil sa ginagawa sina Ricca at Kathrine.

"Sa ayaw at sa gusto niyo, magsasama sama tayo. At sa ayaw at sa gusto niyo susunod kayo sa'kin". Pasigaw na sabi nito.

"At bakit naman kami susunod sa'yo?" Maangas na sagot ni Kathrine habang inaayos ang magulong buhok.

"Aba't hindi ka pa rin nadadala huh". Akmang susugurin muli ito ni Ricca ngunit naawat ito agad ni Christian.

"Simple lang, dahil ako ang nakakaalam kung sino ang susunod na mamamatay".

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon