Prologue

612 13 1
                                    

Napaiyak na lamang ang isang babae nang padapa siyang bumagsak sa basang kalsada. Iyak ito nang iyak at panay ang hingi ng saklolo. Ngunit walang dumating upang tulungan siya.

Nag iisa lang siya sa madilim na kalsadang iyon....

Napakalakas ng ulan. Ang malamig at mala yelong ihip ng hangin ay mas nakapag padagdag pa sa takot na nararamdaman ng babae.

Patuloy lang siya sa pagtakbo na tila hinahabol ng isang mabangis na hayop.

Huminto ang babae sa harap ng isang simbahan.

Hindi na nag aksaya ng panahon ang babae, pumasok ito sa loob ng simbahan. Malaki ang pasasalamat niyang hindi ito naka'lock.

Nakadama ng kapayapaan ang babae. Alam niya na ligtas siya sa lugar na iyon.

Ngunit iyon ang akala niya...

Habang naglalakad siya sa middle aisle ng nasabing simbahan papunta sa may altar ay may narinig siyang nakapang hihilakbot na tinig.

Mahina lamang iyon na tila dinala lang ng malamig na simoy ng hangin.

Ngunit malinaw iyon sa kanyang pandinig....

Tinawag ng tinig na iyon ang kanyang pangalan!!!

Sa sobrang takot ay nagtago ang babae sa loob ng confession room na nasa kanang bahagi ng simbahan, ilang metro ang layo mula sa altar.

Tinakpan nito ang bibig upang pigilan ang hagulgol ba nagbabadyang lumabas mula sa kanyang bibig.

Makalipas ang ilang sandali ay may narinig siyang yabag malapit sa pinagtataguan niya.

Kasabay ng makapanindig balahibong tinig.

"Magtago ka na....."

"Habang may oras pa...."

"Sa oras na makita kita..."

"Mamamatay ka....."

Dahil dun ay tuluyan nang napaiyak ang babae. Ngunit agad ring huminto nang may maramdaman siyang malamig na palad na marahang humaplos sa kanyang batok.

Alam na niyang wala na siyang magagawa. Tanggap na niya ang kanyang kapalaran.

Unti unti siyang lumingon.

Dahan dahan...

"Ahhhhhh".....






Author's Note:

Alam kong 3 times lang dapat i'chant ang "Bloody Mary" pero ginawa kong 14 para mas exciting at mas matagal ang kwetuhan.....:-)

Try mo basahin baka magustuhan mo

-amethyst

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon