Bloody Chapter 2: Road to Death

225 11 0
                                    

3:00 AM

Nagising si Richard dahil nakaramdam siya ng panunubig. Pikit ang matang lumakad ito papunta sa banyo at agad ring bumalik sa kinahihigaan pagkatapos ngunit hindi na siya muling dinalaw ng antok.

Sa sobrang asar ay kinuha niya ang sweatshirt at nagpalit ng cargo shorts. Dinampot niya ang susi ng kanyang kotse na nakalagay sa side table. Lalabas na lamang siya. Road Trip.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong kay Richard nang makalabas siya ng pinto, at dahil sa matinding ginaw na nararamdaman ay mabilis niyang nilakad ang kinaroroonan ng kanyang sasakyan.

"Richard....."

Isang malamyos na tinig ang nagpigil kay Richard sa akmang pagpasok sa loob ng kotse.

"Ricca, ikaw ba yan?".

Ngunit wala siyang narinig na sagot.

"Gusto mo bang bilhan kita ng makakain?"

Muli, ay wala siyang narinig na tugon. Dahil dun ay sumakay na siya ng kotse at mabilis na pinatakbo iyon. Hinayaan niya lang na nakabukas ang bintana upang makalanghap ng sariwang hangin habang nagmamaneho.

Bahagyang binagalan ng binata ang pagmamaneho nang may mabasa siyang sign na "accident prone area". Malayu layo na ang narating niya. Mas lalo pa niyang binagalan ang pagmamaneho dahil bukod sa madulas at mamasa masa ang kalsada sanhi ng malakas na ulan kahapon ay zigzag rin ang daan.

Mula sa kinaroroonan niya ay tanaw na tanaw niya ang dagat na bahagyang kumikislap dahil natatamaan ito ng liwanag ng bilog na bilog na buwan. Manghang mangha siya sa nasabing tanawin.

Subalit ang pagkamangha ay agad ring napawi nang may mamataan siyang tila may nakaupo sa backseat ng kotse nang mapasulyap siya sa rearview mirror. Ngunit nang lingunin niya ang mismong backseat ay wala naman siyang nakitang kakaiba roon.

Upang mapawi ang takot na nagsisimulang bumangon sa kanyang dibdib ay binuksan niya ang radio at nilakasan ang volume.

Livin' easy, livin' free
Season ticket on a one way ride
Askin' nothin', leave me be
Takin' everythin' in my stride....

Sa tulong ng musika ay unti unting mawala ang takot ni Richard. Sinasabayan pa nito ang kanta.

Don't need reason, don't need rhyme
Aint nothin' I'd rather do
Goin' down, party time
My friends are gonna be there too....

Bigay na bigay si Richard sa pag awit. Dahil dun ay hindi niya napansin ang isang nilalang na kanina pa siya pinagmamasdan.

Nakangisi ito at tila aliw na aliw na pinanonood siya.....

Kung titingnan niya lang muli ang rearview mirror ay tiyak na makikita niya ang kahindik hindik na itsura nito.

Isang nilalang na kahit kelan ay hindi gugustuhing makita ng sinuman....

I'm on a highway to hell....

On a highway to hell....

Hindi na napigilan ni Richard ang pag indak nang tumugtog na ang chorus ng kanta. Mas lalo niyang nilakasan ang tinig.

I'm on a highway to hell...

On a highway to hell...

Aksidenteng napasulyap si Richard sa rearview mirror. May nakaupo.

May nakaupo sa backseat!!!

Upang makatiyak ay nilingunan niya ang backseat.

Ngunit wala na ang kaninang nakaupo roon!!!

Muli niyang ibinaling ang tingin sa harapan. At halos takasan siya ng ulirat sa nakita.

Isang babaeng naaagnas ang mukha ang nasa harapan mismo ng kanyang kotse. Nakadapa ito sa hood ng kanyang sasakyan. Nakangisi ito habang marahas nitong hinahampas ang salamin ng kanyang sasakyan.

Sa labis na pagkabigla ay mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo, umaasang mahuhulog ang babae ngunit naroon pa rin ito.

Halos masuka siya nang may lumabas na kulay berde at manilaw nilaw na likido mula sa bibig nito. At dahil sa nakaharang ang babae sa harapan ng kanyang kotse at dala na rin ng matinding takot ay hindi niya napansin ang paparating na truck. Nabangga nito ang kanyang sasakyan at dire'diretsong nahulog sa bangin.

**********

Malalakas at sunud sunod na katok ang gumising sa magkakaibigan. Agad na bumangon si Micah upang buksan ang pinto. Isang lalake ang nabugaran niya, at base sa tsapa na pinakita nito, napag alaman niyang isa itong alagad ng batas.

"Dito ba nanunuluyan si Richard Fortalejo? Kayo ba ang mga kaibigan niya?" Sunud sunod na tanong nito.

"O-opo... Kami nga po. Bakit po?". Kinakabahang tanong ni Micah.

Dahil dun ay nagsilapitan na rin ang iba pa nilang kaibigan upang alamin ang ibabalita ng pulis.

"Patay na ang kaibigan niyo. Natagpuan namin ang kanyang sasakyan sa matarik na bangin. Mabuti na lang at hindi siya tuluyang nahulog dahil nasalo ang kotse niya ng isang malaking puno kaya hindi kami nahirapang ma'recover ang katawan niya". Mahabang kwento ng lalake.

Nagtatanong ang mga mata ni Micah, ngunit hindi na niya ito naisa tinig dahil agad na tumulo ang kanyang luha.

"Ayon sa isang motorista na nakakita sa pangyayari ay mabilis raw ang pagpapatakbo ng kaibigan niyo kaya hindi na nito nagawang prumeno nang may dumating na truck kaya nahulog ito sa bangin". Paliwanang sa kanila ng lalake.

Nagtatakang nagkatinginan na lamang sila dahil kilala nila ang kaibigang si Richard. Maingat ito pagdating sa pagmamaneho dahil ayaw na ayaw nitong magasgasan kahit kaunti ang luxury car nitong lamborghini.

Bago sumapit ang tanghali ay pinuntahan nila ang funeraria kung saan naroon ang bangkay ni Richard. Tinawagan rin nila ang mga magulang nito upang ibalita ang malagim na sinapit ng kanilang anak at pagsapit ng hapon ay lumuwas na rin sila ng Maynila.

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon