Bloody Chapter 13: Pattern

133 4 0
                                    

Nakangiting nilapag ng ina ni Jayson ang niluto nitong roasted chicken sa hapag. Nang masigurado nitong maayos na ang lahat ay inutusan na nito ang katulong na tawagin ang anak.

Agad namang tumalima ang kasambahay. Pinuntahan nito ang silid ng lalakeng amo na nasa ikalawang palapag ng bahay at makailang beses kumatok ngunit walang nagbubukas sa kanya.

"Maam, mahimbing po ata ang tulog ni Sir". Sabi nito sa ginang nang makababa.

"Ganun ba? Sige ako na lang ang tatawag sa kanya. Pakikuha mo na lang yung duplicate key sa storage room". Nakangiting sagot nito sa kasambahay.

Nang maibigay sa kanya ang susi ay mabilis nitong tinungo ang silid ng anak.

Pagbukas nito ng pintuan ay wala ang anak sa kama nito. Ngunit nakita niyang bahagyang nakabukas ang pintuan ng banyo gayundin ang ilaw kaya naisip niya na maaaring nasa loob lamang ng banyo ang anak. Lumapit ito sa kama at inayos ang magulong bedsheet.

"Jayson, halika na't bumaba. Kakain na tayo ng hapunan". Masiglang sabi nito ngunit wala siyang narinig na tugon.

Tahimik ang buong paligid ng silid....

"Anak..." Muling tawag ng ginang. Binitawan nito ang hawak na kumot at saka marahang lumapit sa banyo.

Wala pa rin siyang narinig na tugon kaya nagsimula nang kabahan ang ginang.

Habang marahang naglalakad ang ginang ay may naramdaman siyang malamig na hanging dumaan sa kanyang likuran. Mabilis siyang lumingon sa pag aakalang may tao sa kanyang likod ngunit wala siyang nakita.

"Jayson". Muli niyang tawag sa anak saka marahang tinulak ang pintuan na bahagyang nakabukas.

"Aaaahhhhh"...

**********

"Guys bilisan niyo. Mahuhuli na tayo sa misa". Tawag ni Janne sa mga kaibigan. Ngayong gabi kasi ang huling lamay ni Sarah. Nakatakdang i'cremate ang mga labi nito bukas ng umaga upang madala ng kanyang mga magulang sa HongKong.

Isa isa nang nagsisakay ang kanyang mga kaibigan sa Van na pagmamay ari ng pamilya ni Janne. Hindi muna ginamit ng mga ito kaniya kaniyang sasakyan dahil nga sa hindi sila maaaring maghiwa hiwalay.

"Kumpleto na ba?" Tanong ni Travis na sinabayan pa ng pag roll call. Nang makatiyak na kumpleto sila ay umalis na ang sasakyan.

Makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang chapel kung saan nakaburol si Sarah. Tamang tama ang dating nila dahil magsisimula na ang misa. Tahimik ang paligid at tanging ang pari lamang naririnig na nagsasalita.

Titig na titig si Ricca sa pari. Tila sinasapuso nito ang bawat katagang sinasabi ng pari sa kanyang homily. Ngunit biglang kumunot ang noo nito nang may mapansing kakaiba.

Sa likuran ng pari ay may nakatayo....

Naka'sideview ito kaya hindi niya masyadong makita ang itsura.

Tila naramdaman ng nilalang na iyon ang titig niya kaya marahang pumihit ang ulo nito at tinitigan siya.

"Aaaahhhh". Malakas na sigaw ni Ricca.

Nagulat ang mga tao at lumingon sa direksyon nila.

Agad namang niyakap ni Janne ang kaibigang iyak nang iyak.

Pansamantalang naantala ng misa dahil sa nangyari. Maya maya ay biglang nag'ring ang cellphone ni Paul. Pangalan ni Jayson ang naka'rehistro kaya mabilis niya iyong sinagot.

"Hello Pare. Andito kami sa huling lamay ni Sarah, bukas na kasi ang cremation niya". Pagbabalita ni Paul ngunit mahinang hikbi lamang ng isang babae ang narinig niya sa kabilang linya.

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon