Epilogue

72 0 0
                                    

10 Years Later...

"Let's do the Bloody Mary Ritual". Malanding sabi ni Kyra sa mga kaibigan.

"Kyra, I think It's not a good idea" Sagot ni Serena.

"And why is that?" Maarteng tanong ni Kyra.

"10 years ago, may isang grupo ng teenangers ang gumawa ng ritual. And guess what, isa isang silang namatay after they did the ritual". Sagot ni Serena.

"That's not true. Those rich kids are spoiled brats. Malay niyo naman kung epekto lang ng drugs iyon". Tugon ni Kyra.

"Oo nga naman. Duh? Kung kelan ka naman tumanda Serena saka ka pa nagpapaniwala sa ganyan?". Sang ayon ni Pearl kay Kyra.

"Yeah right. Besides, matagal na kong curious sa urban legend na iyan. So, ano? Tara?". Sabi ni Kyra.

At sinimulan na nga nila ang pagsasagawa ng ritual.

Ilang minuto rin sila naghintay ngunit walang duguang babaeng nagpakita.

"I told you hindi totoo yung urban legend". Inis na sabi ni Kyra.

"Yeah right, we're just wasting our time. Dapat pala nag bar hopping na lang tayo". Sang ayon ni Pearl.

"Bakit? Sino ba pasimuno nito? Di ba ikaw rin naman?" Banat ni Serena kay Kyra na umirap lang.

"You know what guys, umuwi na muna tayo". Awat ni Pearl sa dalawa na malapit nang magkapikunan. Dinampot na nito ang kanyang shoulder bag at tuluy tuloy na lumabas ng condo unit ni Serena. Agad rin naman siyang sinundan ni Kyra.

Hinatid muna ni Kyra si Pearl sa tinutuluyan nitong apartment sa Libis, Quezon City bago umuwi sa kanyang condominium unit sa Makati. Nakakapagtakang kakaunti lamang ang sasakyang dumadaan sa kalsada nang gabing iyon.

"Ang weird. Dati kahit 2am na marami pa ring sasakyan ang dumadaan dito  samantalang ngayon, mangilan ngilan lang".

Nagulat pa ang dalaga nang biglang mag'ring ang kanyang cellphone.

"Hello?".

"Anak, pwedeng umuwi ka muna dito sa atin sa Batangas? Ang papa mo...." Tugon ng ina ng dalaga sa kabilang linya.

"Bakit, anong nangyari kay papa?". Kinakabahang tanong ng dalaga.

"Basta umuwi ka na lang muna dito. Dito ko na lang sasabihin".

Pilit mang itago ay dinig niyang mangiyak ngiyak na ang kanyang ina na siyang dahilan upang lalo siyang kabahan.

"Sige. On the way na ko dyan. Just calm down. Ok?" Saka pinutol ang tawag.

**********

Lumabas si Serena ng bathroom. Kakatapos lamang niyang mag bubble bath. Sadyang nai'stress siya sa tuwing kasama si Kyra. Masyado kasi itong maarte. Sila lang naman talaga ni Pearl ang magkaibigan, at wala siyang ideya kung paano napasama sa kanila ang babaeng iyon.

Umupo siya sa harap ng vanity mirror upang suklayin ang kanyang mahabang buhok.

Mayamaya ay may naramdaman siyang tila may nagmamasid sa kanya. Parang hindi siya nag iisa sa loob ng unit niya.

Upang maibsan ang takot ay binuksan ng dalaga ang kanyang Spotify App upang magpatugtog ng musika. Di kasi niya maipaliwanag ang nararamdamang kilabot dulot ng nakakabinging katahimikan ng paligid.

Ngunit mas lalo siyang nangilabot nang marinig ang musikang kasalukuyang tumutugtog.

Creeping in the shadows of the night. Wading through the darkness.
A death before the light
Blending it with faces
Faces of the night...

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon