Bloody Chapter 28: Her Death

70 1 0
                                    

Warning: Some words are not suitable for young readers. Read at your own risk.

-Amethyst

**********

"Ano ba kasing nangyayari sayo? May problema ka ba? Wag mong sabihing nagsawa ka na agad kay Bella". Nagtatakang tanong ni Daniel kay Arthur.

"Mahal na mahal ko si Bella. At hindi ako magsasawa sa kanya dahil iba siya sa lahat ng nakilala ko". Matatag na sabi ni Arthur.

"Kung ganun, anong problema mo?" Naiiritang tanong ni Daniel sa kaibigan. Ilang oras na kasi sila sa resto bar na iyon ay hindi pa rin ito nagku'kwento. Panay lang ang tungga nito sa beer na hawak, nakatatlong bucket na nga sila.

"Buntis si Venice". Tila problemadong sagot ni Arthur.

Tila matagal bago na'proseso ng utak ni Daniel ang mga sinabi ni Arthur. At nang tuluyang ma'proseso ng utak ay humagalpak ito ng tawa.

"Ikaw naman kasi pre, ginabi gabi mo. Wala namang kaso kung every night niyo gagawin kaso gumamit ka man lang sana ng proteksyon". Tugon ni Daniel saka nagseryoso nang makitang badtrip na ang kaibigan.

"Hindi ko naman siya ginabi gabi. Siya ang may gusto nun. Tapos nagagalit pa kapag may condom, di daw siya nag eenjoy. Aaminin ko mahilig ako sa sex. Pero hindi naman ganun na gabi gabi". Inis na sabi ni Arthur.

"Pinagbigyan mo naman. Ang sabihin mo, gusto mo rin". Sagot ni Daniel.

"Lalake ako at palay na ang lumalapit sa manok". Walang ganang tugon nito saka muling ininom ang natitirang laman ng bote.

"Anong plano mo?". Seryosong tanong ni Daniel.

"Ilang weeks na lang, ga'graduate na tayo. Pakakasalan ko si Bella. Tapos yung kay Venice susustentuhan ko na lang". Desperado na talaga si Arthur.

**********

Ilang linggo matapos ang graduation ay lumipad ang magkasintahan papuntang London upang doon magpakasal. Gustuhin man nilang magpakasal sa Pilipinas ay hindi maaari dahil gusto nila iyong itago sa publiko.

Bilang anak ng isa sa pinaka maimpluwensyang business tycoon sa bansa ay alam ng binata na uusbong ang balita tungkol sa pagpapakasal nila kaya kinausap niya ang mga magulang na huwag ipakalat sa media ang impormasyon tungkol sa kanilang kasal na agad namang sinang ayunan ng mga ito.

Hindi tutol ang mga magulang ni Arthur sa maaga niyang pagpapakasal dahil nagkakaedad na ang mga magulang niya. Hirap kasi noon magbuntis ang kanyang mama. 34 years old na ito nang ipanganak siya. Kaya nang magsabi siya sa mga ito na magpapakasal siya ay halos magtutumalon ang mga ito sa tuwa. Sabik na raw kasi silang magka apo.

Naging masaya ang mga sumunod na buwan para sa bagong mag asawa. Walang kamalay malay ang mga ito na may isang taong labis na nagdadalamhati.

**********

August 1996

Makalipas ang ilang taong paninirahan sa London ay nakapag desisyong bumalik sa Pilipinas sina Arthur at Bella.

"Babe, dahan dahan naman" Paalala ni Arthur habang inaalalayang bumaba ang asawang pitong buwang buntis.

"Ok lang ako babe, kaya ko naman ehh". Nakangiting sabi ni Bella kahit halata sa mukha nito ang pagkahapo.

"Di bale, nakapagpahanda na 'ko kay Manang ng tanghalian. Ipapaakyat ko na lang sa kwarto natin". Tugon ni Arthur habang buong pagmamahal na hinaplos ang magandang buhok ng asawa.

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon