Bloody Chapter 20: His Ex

98 0 0
                                    

"Babe... M-may... May tao sa... Sa kama ko".
Nakadama ng matinding kilabot si Christian sa narinig. At ang mas lalong nakapagpanindig ng kanyang balahibo ay hindi niya alam kung sino sa dalawa ang totoong nobya niya.

"Babe... Please ako 'to". Umiiyak na sabi ng dalaga. Nagtangka pa ito na lapitan siya ngunit mabilis siyang umiwas.

"Babe...." Mula sa kanyang likuran ay may narinig siyang tinig.

Ang tinig na iyon ay kaparehong kapareho sa boses ng nobya.

Tila tinulos na kandila si Christian, ni hindi niya magawang lumingon, ngunit ang mga mata ay nananatiling alerto.

"Babe, please ako 'to.... Sa akin ka maniwala". Tugon ng babae na nakaupo sa kanyang harapan.

"Babe, wag kang maniwala sa kanya". Tugon naman ng babae na nasa kanyang likuran.

Napapikit na lamang si Christian dahil sa sobrang pagkalito. Sa kanyang pagmulat ay kitang kita niya ang matinding takot sa mga mata ng babaeng nasa kanyang harapan. May itinuturo ito.

May itinuturo ito mula sa kanyang likuran!!!

Dala ng matinding kuryosidad ay marahang pinihit ni Christian ang kanyang ulo kahit alam niyang hindi niya magugustuhan ang makikita.

"Mamamatay ka!!!" Nakakapang hilakbot na sigaw nito.

Malakas na napasigaw si Christian nang makita ang nakakatakot na anyo ng isang babae, samantalang iyak naman ng iyak ang nobya niyang nakasiksik sa sulok ng walk in closet.

Naaagnas na ang buong katawan nito. Magulo ang mahaba at nanlalagkit nitong buhok, kitang kita niya rin ang nabubulok nitong ngipin at nangingitim na gilagid nang ngumisi ito ng nakakapangilabot sa kanya. Ang kulay puti nitong damit ay puro mantsa ang natuyong dugo at ang mga mata ay purong puti.

Agad na niyakap ni Christian si Kathrine. Biglang nagdilim ang buong paligid at dinig na dinig rin nila ang nakakapangilabot na halakhak ng babae.

Ilang sandali pa ang lumipas ay bumukas na ang mga ilaw. Wala na ang babae. Mabilis na lumabas ng walk in closet sina Christian at Kathrine at walang lingon likod na lumabas ng unit.

**********

"Ang tagal niyo naman". Tila inip na inip na sabi ni Tom kay Christian nang makarating ang dalawa sa Memorial Chapel kung saan nakaburol si Ricca.

"Sorry pre, may nangyari lang". Maikling tugon ni Christian.

"Pumasok na tayo, magsisimula na ang padasal". Walang emosyon na sagot ni Reese.

"Mauna na kayo, pupunta lang ako sa washroom". Paalam ni Janne.

Pagdating sa washroom ay nilapag ng dalaga ang dalang backpack sa sink. Sinimulang suklayin ng dalaga ang bahagyang alun alon at mahabang buhok, naglagay ng pulbos at nagpahid ng kaunting lip gloss.

Palabas na sana ng washroom ang dalaga nang may marinig siyang ingay sa pinakadulong cubicle. Tila hinahampas ng kung sinumang nasa loob ang pintuan niyon. Kasabay ng ingay na iyon ay ang biglaang pagpapatay sindi ng ilaw.

Biglang kinabahan ang dalaga, ngunit sa kabila ng nararamdamang takot ay marahang lumakad ang dalaga papunta sa pinakadulong cubicle.

Nang makarating sa pintuan ng cubicle ay biglang tumigil ang pagpapatay sindi ng ilaw. Nawala na rin ang ingay dulot ng malakas na paghampas.

Nabalot ng sindak ang dalaga nang marahang bumukas ang pinto ng cubicle. Dinig na dinig niya ang langitngit nito kasabay ng mabilis na pintig ng kanyang puso. Gustung gusto nang tumakbo ng dalaga ngunit tila napako ang kanyang mga paa sa sahig.

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon