Bloody Chapter 30: The Phone Call

71 0 0
                                    

"Condolence po Tita". Malungkot na bati ni Karen. Unang gabi ng lamay ni Paul ngayon at lahat silang magkakaibigan ay naroon.

"Ang hirap lang kasing tanggapin dahil wala man lang akong nagawa para iligtas ang anak ko. Kung alam ko lang na mas lalo siyang mapapahamak sa desisyon kong dalhin siya isang Mental Facility, hindi ko na sana ginawa".

"Wag mong sisihin ang sarili mo Tita Paulette. Wala po kayong kasalanan sa nangyari". Tugon ni Tom.

Cardiac arrest. Iyon ang sinasabi ng mga doktor na kinamatay ng binata. Ni isa sa mga ito ay walang naniniwala na isang kaluluwang puno ng poot ang may kagagawan nito.

Isang kaluluwa na walang ibang hangad kundi ang maghiganti...

Wala nang nagawa ang magkakaibigan kundi manahimik at alalayan ang ginang na walang tigil sa pag iyak.

Si Micah naman ay tahimik lamang sa isang sulok. Malikot ang mga matang nakikiramdam sa paligid.

"Micah, ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong sa kanya ni Janne.

"O-oo naman". Sumilay ang pekeng ngiti sa labi ni Micah. Halatang pilit nitong itinatago ang nadaramang takot.

Maya maya ay biglang nag'ring ang cellphone ni Micah. Tanging numero lamang ang nakita niya roon, patunay na hindi naka'register sa phone book niya ang numero ng tumatawag. Agad naman itong sinagot ng dalaga.

"Hello". Sagot ng dalaga.

Wala siyang narinig sa kabilang linya kundi nakabibinging katahimikan.

"Hello" Ulit ni Micah, umaasang may maririnig na tugon mula sa kabilang linya. Maya maya ay may narinig siyang mahihinang hikbi ng isang babae.

"Hello? Sino 'to?" Sunud sunod na sabi ni Micah. Nagtatanong ang mga mata ng mga kasama na tila bang gustong malaman kung sino ang kausap niya.

Ngunit sa halip na tumugon ay mas lalong lumakas ang iyak ng babae. Pamilyar kay Micah ang boses nito.

At dahil sa walang makuhang tugon ay pinutol na lamang ni Micah ang tawag.

"Sino yun?" Usisa ni Karen.

"Hindi ko alam. Basta iyak lang siya ng iyak. Pero parang pamilyar sakin yung boses niya". Tugon ni Micah kay Karen.

Ilang segundo lang lumipas ay muling nag ring ang cellphone ni Micah. At nakita niya ulit ang numero ng tumawag sa kanya kanina.

"Ano bang kailangan mo at sino ka ba?" Inis na sagot ni Micah. Ngunit tanging iyak lamang ang narinig niya mula sa babae.

"Paano ka namin matutulungan kung hindi mo sasabihin samin kung sino ka at kung nasaan ka!" Napipikon na sabi ni Micah.

"Tulungan mo 'ko papatayin niya 'ko". Sa wakas ay tugon ng babae sa pagitan ng kanyang hikbi.

Tila nanigas si Micah sa narinig. Nanginginig ang kamay nito habang binababa ang hawak nitong cellphone.

"M-Micah. Anong nangyari?" Nauutal na tanong ni Karl sa dalaga. Ngunit sa halip na sumagot ay yumuko lamang ito at tinakpan ang mukha gamit ang palad at saka umiyak.

Muling nag ring ang cellphone ng dalaga. Kinakabahan man ay pinindot ng dalaga ang answer button upang sagutin ang tawag ngunit hindi ito nagsasalita at pinapakinggan lamang ang nasa kabilang linya.

Kung kanina ay umiiyak, ngayon ay sumisigaw na ang misteryosang babae at base sa sigaw nito, ay tila dumadanas ito ng matinding hirap at sakit.

Naiiyak na nakikinig si Micah. Samantalang nag aalala naman ang mga kaibigang nakatitig lamang sa kanya.

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon