Bloody Chapter 31: Candles and Mirrors

49 0 0
                                    

Kinabukasan ay hinatid na sa huling hantungan si Paul. Tulad ng burol nito ay naging pribado ang libing ng binata. Tanging mga matalik na kaibigan, kaklase, mga guro at mga kasosyo ni Paulette sa negosyo ang naroon. Nang matapos ang libing ay dumeretso naman ang mga ito sa crematorium kung saan ike'cremate ang mga labi ni Micah. Hindi na ito nagawa pang paglamayan ng pamilya sa kadahilanang lasug lasog ang katawan ng kaawa awang dalaga.

**********

Makalipas ang ilang araw ay lulan ng sasakyan ang magkakaibigan upang puntahan ang taong sa tingin nila ay makakatulong sa kanila.

"Malayo pa ba?" Tanong ni Reese kay Tom na siyang nagmamaneho.

"Malapit na tayo, Reese". Sagot naman ni Janne na nakaupo sa passenger's seat.

Tahimik lamang ang magkakaibigan na wari'y nakikiramdam. Si Karl naman ay walang tigil sa pagdarasal. Hindi kasi lingid sa kaalaman niya na siya na ang susunod.

"Iliko mo sa eskinitang iyan". Sabi ni Janne at di nga nagtagal ay narating na nila ang destinasyon.

"Kanina pa kayo hinihintay ni Lola". Walang emosyong sabi ni Carol.

"Carol? Sino yan? Sila na ba iyan?" Tanong ng matanda.

"Opo Lola". Tugon ni Carol saka niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.

"Pasok kayo". Paanyaya ng dalaga.

Pumasok ang magkakaibigan sa loob ng bahay.

"Maupo muna kayo, may kukunin lang ako". Tugon ni Lola Anita, ang lola ni Carol.

Iginiya sila ni Carol sa isang lamesang pabilog. Pagkatapos nun ay isa isang sinindihan ni Carol ang mga kandilang nakapatong sa altar kung saan nakalagay ang iba't ibang santo at ang rebulto ng Panginoong Hesuskristo.

"Sabi nila, matakot ka sa buhay at huwag sa patay". Makahulugang sabi ni Carol.

"Nakakatawa di ba? Ang mga taong kailan ma'y hindi nagambala ng mga ligaw na kaluluwa ang may lakas ng loob na sabihin iyon. Dahil hindi nila alam kung anong panganib ang dulot ng isang ligaw na kaluluwa lalo na't puno ito ng galit at poot".

Nagsimula nang umulan ng malakas. Agad na naglakad si Carol papunta sa bintanang yari sa kapis at sinara iyon.

"Naririto siya" Bulong ng dalaga na naging dahilan upang makadama ng panghihilakbot ang magkakaibigan.

"Oh my God". Nanginginig sa takot na sabi ni Karen.

"Sh*t". Mahinang mura ni Karl.

Ilang sandali pa ay natagpuan nila ang sariling nakaupo sa pabilog na mesa kasama ang matanda. Nakapikit at magkakahawak ng kamay habang ang matanda naman ay umuusal ng panalangin sa wikang latin. Si Carol naman ay nakatayo sa may altar at tila nakikiramdam sa paligid.

Biglang tumaas ang temperatura sa loob ng bahay. Nakakapangilabot ang lamig na iyon. Nagsimula nang manginig sa takot ang magkakaibigan ngunit nanatiling magkakahawak ang kamay.

Maya maya ay naramdaman ni Tom na unti unting lumuluwang ang kapit ni Janne. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga ngunit sa kabila ng lahat na nakabitaw pa rin ito.

Walang malay itong bumagsak sa sahig.

Samantala...

Hindi pamilyar kay Janne ang lugar na kinatatayuan. Tila isang gubat iyon dahil napapaligiran ito ng malalagong puno at walang mga bahay sa paligid. Luminga linga ang dalaga, umaasang may makikitang maaaring mapagtanungan kung nasaang lugar siya.

Ilang sandali pa ay may dumating na kotse. Bagamat luma ay alam niyang isang uri ng luxury car. Mula sa driver's seat ay bumaba ang isang binata na sa tingin niya ay hindi nalalayo sa edad niya. Dumiretso ito sa compartment ng sasakyan upang kunin ang isang napakalaking bag saka ito umikot at binuksan ang pintuan ng passenger's seat.

"Parang pamilyar sakin ang itsura niya". Sabi ng dalaga sa sarili.

Tiyak niyang hindi siya nakikita nito dahil hindi man lang nito napansin ang presensiya niya. Unti unting lumapit ang dalaga sa binatang abala sa kung anumang naroon sa passenger's seat.

Nang makalapit ay saka pa lamang namukhaan ng dalaga ang binata.

"Papa?"

Ngunit wala siyang nakuhang tugon sa binata. Lalong napag alaman ng dalaga na hindi siya nito nakikita o naririnig man lang. Maya maya ay buhat na nito ang isang babaeng tila walang malay.

Sinundan niya ang binata hanggang sa marating niya ang liblib na bahagi ng gubat. Nilapag nito ang babae sa isang tabi saka binuksan ang malaking bag upang kunin ang pala at nagsimula ng maghukay.

Lumapit si Janne sa kinaroonan ng babae at napag alaman niyang hindi lang ito basta nawalan lamang ng malay kundi patay na ito....

Nang matapos ito sa paghuhukay ay tila balewala nitong inihulog ang bangkay ng babae. Matapos itong matabunan ay saka ito nagmamadaling umalis.

"Ibig sabihin si papa ang....."

**********

"Thank God, nagmalay ka na". Nag'aalalang sabi ni Karen.

Luminga linga ang dalaga. Naroon na ulit siya sa bahay nina Carol.

"Anong nangyari hija". Tanong ni Manang Lourdes sa kanya.

Biglang naiyak ang dalaga nang maalala na posibleng may kinalaman nga ang ama sa pagkamatay ng babaeng nagmumulto sa kanila.

"Nakita ko si Papa".

Tahimik lamang na nakikinig ang mga kaibigan sa kanya.

"Ayokong isipin na---" Hindi na natapos ni Janne ang sasabihin ang biglang magsalita ang lola ni Carol.

"Ayaw mong isipin na may kinalaman ang Papa mo sa pagkamatay niya. Sa ayaw at sa gusto mo Hija, may kinalaman siya o mas tamang sabihing siya ang pumatay sa babaeng iyon". Walang kagatol gatol na sabi ng matanda.

"Hindi... Mabuting tao ang Papa ko".

"Hindi ba't dinala ka niya sa nakaraan para iyong masaksihan ang nangyari sa kanya? Hindi pa ba sapat iyon para maniwala ka?"

"May paraan pa ba para maputol ang sumpa ng ritwal?" Wala sa loob na tanong ni Janne.

"Oo, ngunit hindi biro ang paraan upang maputol iyon".

"Bakit ano po bang paraan para mawalan ng bisa ang sumpa ng ritwal?". Tanong ni Karl.

"Ang makuha ang buhay ng taong kinamumuhian niya. Iyon ang tanging paraan upang mawalan ng bisa ang sumpa ng ritwal".

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon