Bloody Chapter 10: The Uninvited

124 4 0
                                    

"Simple lang, dahil ako ang nakakaalam kung sino ang susunod na mamamatay".

Lahat ay nagulat sa sinabing iyon ng dalaga.

"Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero nagsimula ang lahat nung araw na bago mamatay si Nathan. Nakita kong wala siyang ulo paglabas niya ng cafeteria".

Naghari ang nakabibinging katahimikan sa pagitan ng magkakaibigan. Walang gustong magsalita, lahat kinakabahan.

"Bago maaksidente si Janna, nakita ko siyang umiiyak sa loob ng walk-in closet ko. Mahigpit ang security sa bahay kaya napaka imposibleng makapasok siya ng di ko nalalaman. Dahil dun ay nagduda na 'ko. Tinawagan ko siya sa cellphone at nalaman kong naroon siya sa bahay nila nang mga sandaling iyon". Mahabang paliwanag ng dalaga.

"Ganun din si Sarah. Nung gabing bago siya mamatay, may nagpakita sa aking babae na walang ulo". Patuloy na salaysay ni Janne.

"Kung alam mo naman pala kung sino ang susunod na mamamatay, bakit hindi ka man lang gumawa ng paraan para mapigilan iyon". Nang uuyam na sabi ni Kathrine.

"Sinubukan ko, Kath. Pero wala akong kakayahan para mapigilan iyon". Sagot ni Janne.

"Wag niyo nang sisihin si Janne dahil hindi naman niya ginusto iyon. Tama si Paul, hindi tayo dapat maghiwa hiwalay. Mas makabubuti na bantayan natin ang isa't isa. Iyon lang tanging paraan para masagip kung meron mang susunod na mamamatay". Sabi ni Travis.

**********

"Pakipalitan niyo na rin ang bedsheets at pillow cases". Nakangiting pakiusap ni Janne sa mga kasambahay. Pagkadating niya ng bahay ay agad niyang pinalinisan ang apat na guest room na pansamantalang gagamitin ng mga kaibigan niya. Nagpaluto na rin siya ng hapunan.

Mula sa 3rd floor ay bumaba ang dalaga sa 2nd floor kung saan naroon ang kanyang silid. Manonood muna siya ng tv habang hinihintay ang pagdating ng mga kaibigan niya.

Naupo siya sa maliit na couch na naroon at dinampot ang remote control ng 42 inches flat screen tv na naka'mount sa pader ng kanyang kwarto. Kamuntik pa niyang mabitiwan iyon dahil sa nakita.

Mula sa salamin ng tv ay kitang kita niya ang sariling repleksyon katabi ang isang naaagnas na babae. Sa sobrang takot ng dalaga ay agad siyang tumakbo papunta sa pintuan at mabilis na binuksan iyon. Hindi pa man siya nakakahakbang palabas ay biglang may yumapos sa kanya mula sa likuran.

"Papatayin kita"....

Napaiyak na lamang ang dalaga dahil sa sobrang pagkasindak.

"Buhay ang inutang, buhay rin ang kabayaran".

Pagkasabi nun ay saka nito itinarak ang hawak na patalim sa kanyang likuran.

"Huuuwwwaaaaaggg". Malakas na sigaw ng dalaga. Bumalikwas ito ng bangon.

Niyakap ng dalaga ang magkabilang binti saka umiyak nang umiyak. Gabi gabi siyang dinadalaw ng masamang panaginip. May mga pagkakataon na ngang ayaw na niyang matulog dahil sa matinding hilakbot na nararamdaman sa tuwing magpapakita ang babae.

Natigil sa pag iyak ang dalaga nang marahang bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Niluwa nun ang isa sa kanilang kasambahay.

"Miss Janne, dumating na po ang mga kaibigan niyo". Nakangiting sabi nito sa dalaga na di naitago ang pagtataka sa mukha.

"Sige susunod na ako. Salamat". Sagot nito habang pilit na pinapakalma ang sarili.

**********

"Janne, wala ka pa bang nakikitang clue?" Wala sa loob na tanong ni Micah.

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon