Bloody Chapter 18: No one is safe

112 1 3
                                    

Patuloy na umiiyak si Ricca habang sinasalaysay ang detalye ng kanyang panaginip. Hindi naman makapaniwala ang kanyang mga magulang dahil sa narinig. Dahil dun ay naungkat na ang kwento tungkol sa ginawa nilang ritwal ilang buwan lamang ang lumipas.

"Ibig sabihin, nagsimula ang lahat ng ito mula nang isagawa ninyo ang ritwal?" Tanong ng ama ng dalaga.

"Hindi naman po kasi namin alam na totoo iyon". Sagot ni Christian.

"May mga bagay sa mundo na hindi natin inaasahan na totoo". Makahulugang sabi ng ginoo.

Nagtataka namang napatingin sa kanya ang magkakaibigan na tila hinihintay ang sasabihin niya.

"Mayroon akong kasosyo sa negosyo na namatayan ng anak. At ang ritwal na yan ang naging sanhi ng kamatayan niya".

Nabalot ng kilabot ang paligid. Lahat ay nanahimik, hindi alam ang gagawin.

"Ayon sa kasosyo ko, hindi na niya nakita ang kanyang anak nang silipin niya ito sa kanyang silid. Hinanap nila ito sa lahat ng lugar na posible nitong puntahan. Inisa isa niyang puntahan lahat ng malalapit na kaibigan ng kanyang anak, ngunit mas lalo siyang nanghilakbot nang mapag alaman niyang patay na ang lahat ng kaibigan nito. Magdamag siyang naghanap. Pagsapit ng umaga, may kumatok na mga pulis sa kanyang bahay upang sabihing nakita ang bangkay ng kanyang anak sa loob ng confession room ng isang simbahan". Mahabang salaysay ng ama ni Ricca.

"Paano po kaya namin masasagip ang susunod na mamamatay?" Tanong ni Tom.

Tuluyan nang napaiyak ang ama ni Ricca. Masakit sa kanya na wala siyang maisip na solusyon upang iligtas ang anak.

"W-wala akong alam na solusyon". Malungkot na sabi nito. "Dahil walang nakakaalam kung paano mapuputol ang sumpa".

"A-anong sumpa?" Nauutal na tanong ni Karen.

"Sumpa ng kaluluwang walang ibang nais kundi ang makapaghiganti".

"Pero wala naman po kaming ginawang masama sa kanya. Ni hindi nga namin siya kilala, pero bakit pati kami ay gusto niya gantihan?". Tanong ni Kathrine.

"Dahil tinawag niyo ang kanyang pangalan. At kamatayan ang naghihintay sa kung sinumang tumawag sa kanya".

Hapon na nang matapos ang kanilang pag uusap. Napagpasyahan muna ng grupo na umuwi sa kani kanilang tahanan. Maliban kay Travis na mas piniling pumunta muna sa SCU para mag ensayo. May competition kasi siya nextweek.

Si Travis ang pinakamahusay na swimmer sa kanilang eskwelahan. Maraming beses na niyang nabigyan ng karangalan ang kanilang unibersidad dahil sa husay sa nasabing sport.

"Samahan na kita". Nakangiting alok ni Reese.

"Wag na, umuwi ka na lang. Baka hinahanap ka na sa inyo". Tutol ng binata.

"Ok lang samahan na kita, nagpaalam naman ako sa tiya ko". Pagpupumilit ng dalaga.

Nag aalala kasi siya dahil baka may mangyaring masama sa kaibigan.

At dahil sa mapilit si Reese ay wala nang nagawa pa si Travis kundi isama ang dalaga.

**********

Tahimik na nakaupo si Janne sa kama, nakasandal ang likuran nito sa headboard at hindi inaalis ang tingin sa kaibigan na abala sa pamimili ng susuotin na damit sa kanyang walk-in closet.

"Janne wag mo naman ako tingnan ng ganyan. Masyado mo namang kina'career ang pagbabantay sakin ehh". Naiilang na sabi ni Ricca sa dalaga.

"Masanay ka na, kailangan kitang bantayan". Tugon ni Janne.

The Legend of Bloody MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon