Prologue:

151 3 0
                                    

Lahat ng tao may tinatagong sikreto...

Lahat ay may tinatagong baho...

"Tanga ka kasi...."

"Ikaw na lang gumawa nyan..masipag ka naman diba?"

"Sya ang may kasalanan! sya ang naglabas ng video nyo!"

"Tama! nakita ko sya kagabi na inaupload yun sa social media!"

naalala ko na naman ang mga ginawa nila sakin noon,ang mga pananakit,mga kasinungalingan,mga bagay na binintang sakin na hindi ko naman ginawa. Ang sakit...ang sakit isipin na ang mga malalapit ko mismong kaibigan ang gumawa sakin nun.

"Alam mo...hindi ka naman namin kaibigan eh,sadyang uto uto ka lang talaga at feelingera."

"Yes tama sya..ginamit ka lang namin para sumikat kami. At ngayong sikat na kami at sirang sira ka naman sa mga tao..hindi ka na namin kailangan.."

Mula ng marinig ko sa kanila ang mga katagang yun ewan ko pero parang gumuho ang mundo ko. Sila ang tinuring kong pamilya simula pa ng una,pero hindi naman pala ganun ang turing nila sakin. Ginawa ko ang lahat para maging mabuti sa kanila pero kabaligtaran ang ginawa nila sakin. Ang sakit....at nagagalit ako sa kanila..nagagalit ako sa mga kahayupan na ginawa nila sakin. Hanggang ngayon...nandito parin ang galit at poot sa puso ko. At hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti. Makikita nila ang tunay na kinalaban nila...ang tunay na ako. Akala nila tapos na?? Huh! Nagkakamali sila,dahil magsisimula pa lang ako..pagbabayaran nila ang lahat ng kasalanan nila sakin...at ang lahat ng kasalanan ay may kabayaran...at iyon ay KAMATAYAN.

____________________________________

Yan na po yung prologue! Sana nagustuhan niyo! And again,hindi po totoo ito at kathang isip ko lang po kaya walang personalan haha. So may idea na ba kayo kung sino sya?? Syempre wala dahil magsisimula palang ang kwento.

So again..please support this story. Thankies!

-BubblyMushroom

The Sinners (SNSD FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon