Chapter Seven

74 0 0
                                    

Si Jessica po yung nasa picture :)

Jessica's POV

Time: 10:27 pm

Nasaan na sila? Naghiwahiwalay kaming tatlo nila Yoona at Yuri ng biglang may humabol samin baboy damo kanina..hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon. Sana makita ko na sila...natatakot na ako.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa may narinig akong sumigaw. Sigurado ako,sina Sunny yun. Anong nangyari sa kanila? Agad kong sinundan yung Sigaw nila pero agad din itong tumigil kaya hindi ko na alam kung saan ko sila pupuntahan.

"Sunny?? Hyoyeon?? Seohyun?? Nandyan ba kayo?" sigaw ko pero walang sumagot...Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa makakita ako ng isang pito...

"Teka...pito ito ni Sunny." sabi ko at pinulot yun. Bakit nandito ito? Nasan si Sunny? Napabalikwas ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Seohyun.

"Unnie..kay Sunny unnie yan ha?" sabi nya habang nakaturo sa pito na hawak ko. "Bakit nasa iyo yan?"

"Nakita ko lang ito dito.." sabi ko..umupo sya dun sa isang malapad na kahoy..

"Nahulog nya siguro?" sabi nya..tumingin ako sa kinalalagyan nya pero nagulat ako sa nakita ko..may dugo doon..kinabahan bigla ako sa naisip ko..si Sunny ..

"Hindi pwede ..." sabi ko at mabilis akong kumaripas ng takbo..

"Unnie sandali!!" narinig kong sigaw ni Seohyun pero nagtuloy tuloy lang ako sa pagtakbo...

Killer's POV

Time: 10:44 pm

Dinala ko sa isang tagong bodega ang isa sa mga walang hiya kong kaibigan si Sunny..hanggang ngayon tulog parin sya habang nakatali sya sa isang upuan..pero maya maya lang ay unti unti na syang gumalaw..lumingon lingon sya pero laking gulat nya ng makita nya ako..

"Masarap ba tulog mo?" sabi ko sa kanya pero nanatili lang syang nakatanga sa akin..

"Ikaw?" tila hindi makapaniwalang sabi nya..

"Bakit? Nagulat ka?" umayos ako ng upo sa kinauupuan kong lamesa at nilaro laro ko ang kutsilyong nakapatong dito..

"P-pero bakit?" ngumisi ako sa kanya..hinawakan ko ang tungki ng hawak kong kutsilyo..

"Hindi mo ba naaalala lahat ng ginawa nyong kahayupan sa akin?" hindi sya sumagot sa tanong ko at nagsimula na syang umiyak sa harap ko.

"Sige ipapaalala ko nalang sayo ang lahat..ako lang naman ang siniraan niyo sa mga taong malalapit at pinagkakatiwalaan ko..kayo ang sumira sa buhay ko.." madiin ang bawat pagbigkas ko sa mga salitang iyon..halata sa mukha nya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko..

"I-ikaw si...P-pero paano naging..."

"Tss.. uso ngayon ang plastic surgery bobo! Ginamit ko lang ang mukhang ito para makaganti sa inyo..para pagbayaran niyo lahat ng kasalanan niyo sa akin.." tumayo ako at nagsimulang maglakad papunta sa kanya..

"Patawarin mo ako..." mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at sinampal sya ng malakas. Yan salitang yan ang gusto kong marinig sa kanila noon pero tinawanan lang nila ako..

"Huli na para humingi ng tawad.." kinuha ko ang kutsilyo na nakapatong sa lamesa at isinuot ko din ang isang mahabang apron..baka malagyan pa ng dugo ang damit ko kaya kailangang kong magsuot nito ..

"A-anong gagawin mo?" takot na takot sya habang nakatingin sa hawak kong kutsilyo..

"Oras na para pagbayaran mo ang lahat ng kasalanan mo sa akin..." umupo ako sa harap nya at itinutok ko ang kutsilyo sa kanang pisngi nya..ramdam ko ang panginginig nya kaya napangisi ako..

"P-please w-wag mong g-gawin yan.." pagmamakaawa nya pero hindi ko sya pinansin..

"Handa ka na ba?" sabi ko bago ko itusok ang kutsilyo sa kanang pisngi nya..

"Aaaaahhhhh!!!" hiyaw lang sya ng hiyaw habang agos ng agos ang dugo sa mukha nya..

"T-tama n-na.."

"Ano yun? May sinasabi ka ba? Hindi ko marinig eh.." itinuloy ko lang ang pagtusok sa pisngi nya hanggang sa tumagos ito sa kabila nyang pisngi...tumatalsik din ang dugo nya papunta sa mukha ko..puro hiyaw lang ang maririnig mo sa kanya..pero kahit naman magsisigaw sya walang makakarinig sa kanya dito..

"Masakit ba?" bulong ko sa kanya pero hindi na sya makasagot dahil halos butas na ang magkabila nyang pisngi..hinugot ko ng dahan dahan ang kutsilyong nakabaon sa pisngi nya kaya napatili na naman sya sa sakit...agos parin ng agos ang dugo mula dito..itinutok ko naman ang kutsilyo sa leeg nya..

"Paalam Sunny.." sabi ko bago ko itusok ang kutsilyo sa leeg nya..

"Bayad ka na.." hinugot ko ang kutsilyong nakabaon sa leeg nya at ibinalik ko ito sa lamesa,hinubad ko rin ang suot kong apron..

Bago ako umalis ay minarkahan ko muna ng X ang pangalan ni Sunny sa isang maliit na board na nakadikit sa isang dingding kung saan nakasulat lahat ng pangalan nila..Tapos na si Sunny..at ngayon panahon na para ikaw naman ang magbayad sa akin..Humanda ka na dahil ikaw na ang isusunod ko..

Inayos ko muna ang sarili ko bago umalis ng tuluyan sa lugar na iyon..Hay nako kailangan ko na naman umarte..

The Sinners (SNSD FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon