Chapter Twelve

45 1 0
                                    

Jessica and Yoona picture :)

Jessica's POV

Time: 01:10 am

Naging matagumpay ang pagpito namin ni Yuri dahil halos nandito na sila..

Si Tiffany,Yoona,Taeyeon,at Sooyoung..wala pa sina Sunny,Hyoyeon at Seohyun..

"Pumito tayo ulit lahat para marinig nila.." sabi ni Yuri kaya sabay sabay kaming pumito..pero wala parin..

"Nasan na ba sila.." sabi ni Sooyoung na halatang kinakabahan..

"Meron ba sa inyo ang nakakita kahit sino man sa kanilang tatlo?" Tanong ni TaeYeon samin..

Kanina nakita ko si Seohyun pero nagsisisi akong iniwan ko sya dun. Natakot lang kasi ako sa pwedeng mangyari kay Sunny ng makita ko ang dugo..pero hindi ko din sya nakita.

"Ako...kasama ko si Seohyun kanina pero bigla akong nahulog sa isang butas tapos bigla na lang syang nawala at hindi ko na sya nakita.." sabi ni Yuri..

"Sana wala naman nangyaring masama kay Seohyun..at pati kina Sunny at Hyoyeon.." sabi naman ni Tiffany..

"Kasalanan ko ito.." sabi ni Yuri habang umiiyak..

"Wag mong sisihin ang sarili mo Yuri..ako ang may kasalanan. Kanina nakita ko si Seohyun pero iniwan ko lang sya.." pag amin ko kaya mabilis na lumapit sa akin si Sooyoung at sinampal ako sa pisngi. Mabilis naman syang pinigilan ng iba dahil sa ginawa nya sa akin.

"Bakit mo siya iniwan?!" Sigaw nya sa akin..pero hindi na ako sumagot..dapat lang talaga akong sisihin dahil iniwan ko si Seohyun kahit alam kong takot na takot sya nung mga panahon na yun..

"Jessica..bakit mo naman iniwan si Seohyun?" Kalmadong tanong sa akin ni TaeYeon..

"Nung oras na yun..nakita namin ni Seohyun ito.." inilabas ko sa suot kong jacket ang pito ni Sunny

"K-kay Sunny yan ha?" Tanong ni Yuri..

"Pero bakit na sayo yan?" -Yoona

"Nakita namin ito ni Seohyun kanina pagkatapos ay may n-nakita akong dugo malapit dun..kaya natakot ako sa naisip kong pwedeng mangyari kay Sunny kaya mabilis akong tumakbo at naiwan ko si Seohyun dun.." pagpapaliwanag ko..

"Pero dapat hindi mo sya iniwan.." may diin ang pagkakasabi ni Sooyoung..

"Patawarin niyo ako.." pumatak na naman ang luha sa mata ko..lumapit sa akin si Tiffany at niyakap niya ako..

"Wala kang kasalanan..wag mong sisihin ang sarili mo.." sabi ni Tiffany..

"Meron akong gustong sabihin sa inyo.." nabaling lahat ng atensyon namin kay TaeYeon..

"Napansin niyo ba yung mga letters at numbers na nakasulat sa gate?" Tanong nya kaya lahat kami ay napakunot ang noo.

"Alam ko na ang ibig sabihin nun.." pagpapatuloy nya..

"Ano?"- Sooyoung

"MICA." Lahat kami ay nagulat sa sinabi nya..

"S-si Mica?" Tanong ko..

"Oo..posibleng sya ang may gawa ng lahat ng ito.."

"Pero TaeYeon..matagal ng patay si Mica.." sabi naman ni Tiffany

"Hindi natin masasabi..nakita nyo ba syang namatay?" Tanong nya kaya walang nakasagot sa amin..tama sya hindi namin nakita ultimo bangkay ni Mica..

"Alam ko na." Napatingin kami lahat kay Sooyoung..

"Anong alam mo na?" Tanong ko sa kanya. May dinukot sya sa bulsa ng suot nyang pants at ipinakita nya sa amin ang isang Keychain?

Sooyoung's POV

Naaalala ko na..alam ko na kung kanino itong keychain na ito.

"Alam niyo ba kung kanino ito?" Tanong ko sa kanila pero tinitigan lang nila ito at walang nakasagot sa tanong ko.

"Kay MiCa ito diba?" Naalala ko na. Lagi nyang dala dala ito dati at laging nakasabit sa kahit anong bag na dinadala niya.

"Sa kanya nga yan. Lagi nya yan dinadala dati." - Yoona

"Ibig sabihin...nandito talaga si MiCa?" Sabi naman ni Tiffany. Muli kong pinagtuunan ng pansin ang letra na nakasulat sa keychain. Naalala ko na...hindi letra ang nakaukit sa keychain..kung hindi mga numero. Pero hindi ko maalala kung ano ang mga numero dun. Pero...posible kayang..ang mga numerong nakaukit dito ay ang password sa mga gate?

"Pero bakit nasa iyo yan?" Tanong ni Jessica. Naalala ko ang sinabi sakin ni Kuya Jay. "Wag mong sasabihin sa iba na nandito ako.."

"Ah n-nakita ko lang ito kanina.." palusot ko..

"Alam niyo ba yung password para makaalis na tayo dito?" Tanong ni Yuri na halatang takot na takot..

"Hindi ko alam kung ano ang password..." sagot ni TaeYeon...

"Meron bang nakakaalala sa inyo kung ano ang mga numerong nakaukit dito sa keychain?" Tanong ko kaya nabaling ulit ang atensyon nila sakin. "May posibilidad kasi na ang mga numero dito ang hinihinging code sa mga gate."

"Sino ba ang gumagawa nito sa atin?! Kapag nalaman ko talaga baka mapatay ko siya!" Sabi ni TaeYeon kaya nagulat kaming lahat dahil ngayon lang lumabas ang galit na side nya. Napatingin ako sa kanilang lahat pero nagulat ako ng makita ko ang isa sa kanila na ngumisi habang medyo nakayuko sya. Hindi maaari..siya ba? Tinitigan ko sya ng matagal at tila ba nagiba ang ekspresyon ng mukha nya para sa akin..para syang naging isang halimaw..nakakatakot ang pagngisi nya. At ngayon mas naliwanagan ako..maaaring sya nga ang may kagagawan nito..at isa pa..siya ang pumalit sa pwesto noon ni MiCa nung mawala sya..sya ang huling naging miyembro ng grupo kaya posibleng siya nga..

Magsasalita pa sana ako ng biglang may lumabas na usok sa kung saan..hindi ko alam kung saan ito galing pero nakakahilo ang amoy nito at para bang inaantok ako..nagpanic na din silang lahat pero kahit nahihilo ako ay hindi ko inalis ang pagkakatingin sa kanya at kahit na puro usok lang ang nakikita ko. Teka ..totoo ba yung nakita ko? Nakita kong may inilabas syang panyo at itinakip nya ito sa ilong nya sabay sya kumaripas ng takbo palayo sa amin..sinubukan kong maglakad pero bigla nalang akong natumba at hindi ko namalayan ang unti unting pagpikit ng aking mata..

___________________________________

Waaaaahhh ! This is it ! This is it! Sa next chapter niyo na malalaman kung sino ba ang killer! Waaaaahhh! Ako ang naeexcite sorry hehehe..

Thanks!

-BubblyMushroom

The Sinners (SNSD FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon