Hyoyeon's POV
Time: 9:00 pm
"Meron akong naisip.." sabi ni Seohyun..
"Ano?" tanong ko..
"Wala tayong magagawa kung uupo lang tayo dito. Bakit hindi tayo humanap ng daan para makalabas dito?" sabi niya. Tama..may punto sya dun. Kailangan namin gumawa ng paraan.
"Tama siya.." sabi ni Taeyeon. Tumayo sya sa harap namin lahat. Aaminin ko,ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si TaeYeon..ngayon lang lumabas ang totoong pagkaleader nya. At natutuwa ako sa Pinapakita nya samin ngayon.
"Kailangan natin gumawa ng paraan. Hahatiin ko ang grupo sa tatlo para may kasama ang isat isa. Yoona,Yuri at Jessica kayo ang magkakasama. Seohyun,Sunny at Hyoyeon kayo naman ang magkakasama. Tiffany at Sooyoung tayo ang magkakasama." lumapit sya isa isa samin at tinignan kami lahat..
"Tulad nga ng sinabi niyo.. pwedeng isa lang satin ang pwedeng gumawa nito. Pwedeng ako......" tumigil sya sa harap
ko "pwedeng ikaw" naglakad ulit sya at tumigil sa harap ni Jessica. "Pwede din naman ikaw...lahat tayo damay dito...kaya magingat at huwag kayong magtiwala kahit kanino...kahit gaano niyo pa sila kilala." tama sya..kailangan namin maging alerto at magingat dahil maaring nasa tabi lang namin sya.
"Ang mabuti pa..dalin nating itong mga whistles natin para kung meron kayong nakita..pumito lang kayo ng malakas at pupuntahan namin kayo" sabi ni Tiffany habang hawak nya ang whistle nyang kulay pink. Binili namin yun kanina sa isang store dito tag iisa kami pero iba iba ng kulay kakaiba kasi yung design nung whistle kaya binili namin.
"Magandang ideya yan Tiffany." sabi ko at kinuha ko yung sakin sa bulsa ko..kulay green yung sakin. Kinuha nila lahat ng pito nila at isinabit sa kanya kanya nilang leeg.
Bago kami umalis ay pumabilog muna kami sa isa't isa at nagdasal. Hindi namin alam kung ano ang pwedeng mangyari samin mamaya pagkaalis namin.
"Basta wag kayong maghihiwahiwalay...magingat kayong lahat.." sabi ni TaeYeon kaya tumango kaming lahat. Pero bago pa man kami makaalis ay nagsalita ulit sya...
"Basta tandaan niyo...mahal na mahal ko kayong lahat.." hindi namin napigilang mapaiyak ulit. Ngayon nya lang sinabi samin iyon.Niyakap sya ni Tiffany at Sooyoung.
"Sorry kanina TaeYeon.." sabi ni Sooyoung nginitian lang sya ni TaeYeon. Nag group hug kaming lahat bago kami umalis.
"Saan tayo pupunta ngayon Hyoyeon?" tanong ni Sunny.
"Sa entrance ng resort..baka sakaling may makita tayo.." sabi ko kaya dun kami nagpunta.
Yoona's POV
Time: 9:22 pm
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Sica at Yuri
"Hindi ko alam..." sagot ni Sica sakin..
"Malaki itong resort kaya sigurado akong may ibang daan dito palabas" sabi naman ni Yuri. Tama sya..malaki itong resort pero ipinagtataka ko bakit walang ibang tao dito kung hindi kami lang? Siguradong planado ito ng may sala.
"Guys ano yun?" napalingon kami sa tinuturo ni Jessica sa hindi naman kalayuan samin. Parang may ilaw at malaking gate doon..
"Tara tignan natin. Baka may daan dun." haya samin ni Yuri kaya agad kaming sumunod sa kanya. Nang makarating kami dun ay laking gulat namin dahil walang lock o password man lang dito. Pero meron nakasulat na letter A at number 4 dito. Anong ibig sabihin nun?
"Buksan mo." sabi ni Yuri sakin habang sinisiko ako ayaw nyang buksan dahil natatakot sya..
"Ayoko nga...natatakot ako eh." sabi ko naman. Nagkatinginan kami ni Yuri,sabay ngumiti at tumingin kay Sica.
"Sica ikaw nalang magbukas.." sabay namin sabi ni Yuri.
"Tss." lumapit sya dun sa gate at binuksan ito. Nagtaka ako dahil ito ay isang......gubat?
BINABASA MO ANG
The Sinners (SNSD FANFIC)
أدب الهواةPara sa mga SONES itong story pero kung hindi naman okay lang po...maganda naman po ung story at may kwenta. Sa kwentong ito ibang SNSD ang makikita nyo.. Isang araw sana ng pamamahinga isang araw para makapagrelax..pero paano kung yung araw na yun...