Chapter Two

80 1 0
                                    

Tiffany's POV

Time: 8:00 pm

Nakaalis na sina manager oppa kanina. Buti nalang pumayag syang maiwan kami dito. Ang sarap kayang magrelax. Gabi na at Nandito kami sa may balcony ng room at umiinom kami,nageenjoy. Malaki itong tinutuluyan namin kaya kasya kaming lahat. Napansin ko din,tahimik dito sa Isla walang masyadong tao or let me say wala talagang tao. Ang creepy lang kasi.

"Guys anong pwede nating gawin?" tanong ni Yuri.

"Matulog." sagot ni Sica kaya napailing nalang kami. Bigla naman dumating si Kuya Jay.

"Nakita niyo ba si Ian?" tanong nya.

"Hindi. Kayo ba guys nakita nyo?" tanong ko sa kanila pero sabay sabay din silang umiling.

"Kanina ko pa kasi hinahanap yun eh. Ang sabi pa naman niya maghahanap kami ng mga chiks ngayon." sagot nya habang napapakamot ng ulo nya. Kahit kailan talaga tong si Kuya Jay napakahilig sa babae..pero okay lang naman yun wala pa naman siyang asawa eh. At ewan ko ba kay manager oppa kung bakit si kuya Jay at kuya Ian pa ang pinaiwan niya kung hindi niyo kasi natatanong binata pa silang dalawa 3 years lang yata ang agwat namin sa kanila kaya parang kuya narin ang turing namin sa kanila at wala silang ibang inatupag kung hindi babae tsk tsk.

"Tinawagan mo na ba sya?" tanong ni TaeYeon.

"Oo pero hindi nya sinasagot.." sabi ni kuya Jay..nagkibit balikat nalang kaming lahat.

Killer's POV

Hinahanap niya ngayon si Ian..hindi nya alam pero kanina ko pa tinapos ang buhay ng g*gong yun! Para sakin lahat ng lalaki g*go! mga manloloko! At isa pa,ayokong may makasagabal na mga asungot sa plano ko hindi ko kasalanan kung pinaiwan sila dito,hindi sila kasama sa plano pero no choice,kailangan na nilang madamay.

Flashback

Narinig kong pumipito pito si Ian habang umiihi sa mga damuhan. Meron naman cr pero dun umiihi,tss mga lalaki talaga. Nagulat sya ng pagkaharap nya ay nakita nya ako.

"Oh ikaw pala. Kanina ka pa ba dyan?" tanong nya. Ngumiti ako bago sumagot.

"Ah hindi kararating ko lang."

"May kailangan ka ba?" tanong nya pero umiling lang ako.

"Eh bakit ka naririto? Teka..binobosohan mo ba ako?"  Tss ang kapal ng mukha nya..kahit kailan talaga napakayabang nya. Hindi ako sumagot at Inayos ko ang kutsilyo na nakatago sa likuran ko.

"Para patayin ka." sagot ko. Halatang nagulat sya sa sinabi ko pero agad ko syang sinaksak sa dibdib nya. Nakita ko ang pagagos ng dugo mula sa dibdib nya at pagtulo ng dugo mula sa bibig nya. Napangiti ako ng biglang pumasok sa isip ko na gagawin ko din ito sa mga walanghiya kong kaibigan. Hinugot ko ang kutsilyo na pinansaksak sa kanya. Napahawak sya sa mga kamay ko dahil siguro sa sakit. Tinandyakan ko sya sa tiyan dahilan para matumba sya. Siniguro ko munang wala na syang pulso bago ako umalis sa lugar na yun. Tinago ko ang kutsilyo na ginamit ko,binalot ko ito sa isang puting panyo.

Humanda kayo...
Kayo na ang isusunod ko...

Yoona's POV

"Aaaaaahhhhhhh!!!!!" sabay sabay kaming napabalikwas ng marinig namin ang sigaw ni Ate Riza sa may labas.

"Ano yun?" kinakabahang tanong ni Yuri.

"Si ate Riza yun." sabi ko at mabilis na tumakbo palabas. Sumunod sila sakin lahat pati narin si Kuya Jay. Naabutan namin si ate Riza na nakaupo sa buhanginan.

"Anong nangyari??" tanong ni Kuya Jay. Tinulungan ni Sica at ni Taeyeon na tumayo si Ate Riza pero nakatingin sya sa harap nya. Napatakip ng bibig si TaeYeon at napasigaw naman si Jessica dahil sa nakita nila. Maging kami ay nagulat sa nakita namin. Si kuya Ian.....patay na sya..nakadilat ang dalawa nyang mata habang may tumutulong dugo mula sa bibig nya. Sinong walang puso ang gagawa nito sa kanya?

The Sinners (SNSD FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon