Chapter Four

62 1 0
                                    

Jessica's POV

Time: 8:34pm

"Aaaaaaaahhhhhhhh!!!" sabay sabay kaming tumakbo sa resthouse ng marinig namin ang sigaw ni Tiffany. Sana walang nangyaring masama sa kanya. Pagkarating namin doon ay agad kaming pumunta sa kwarto namin,nakita namin si Tiffany na nakaupo sa sulok at umiiyak, tinakpan nya ang bibig nya gamit ang kamay nya.

"Tiffany anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"S-si P-prince!" sabi nya at humagulgol ulit sya ng iyak (sa mga hindi nakakaalam si Prince po ay ang alagang aso ni Tiffany.)

Nagulat at halos masuka kami sa nakita namin. Si prince! wakwak ang tiyan nya at sariwa pa ang dugong umaagos mula dito. Agad nilapitan ni Taeyeon si Tiffany at tinayo nya ito.

"Guys lumabas na tayo dito sa kwarto..hindi na maganda ang amoy." sabi ni Yuri at lumabas na sya ng kwarto sumunod naman sa kanya ang iba. Pumunta kami sa may sala at dun nagusap. Makikita mo ang lahat na umiiyak at tahimik lang. Pati ako hindi napigilang umiyak dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.

"S-si Prince. Sino ang gumawa nun sa kanya!" hanggang ngayon ay iyak parin sya ng iyak. Naiintindihan ko sya,alam ko kung gaano nya kamahal si Prince.

"Hindi namin alam Unnie." sabi ni Seohyun.

"Nasan sina kuya Jay?" tanong ni TaeYeon.

"Oo nga. Diba pinauna na natin sila?" sabi ko naman.

"Kuya Jay!!" tawag ni TaeYeon pero wala kaming narinig na sumagot.

"Kuya Jay!! Ate Riza!!" sigaw ko pero wala paring sumasagot.

"Titignan ko nalang sila sa kwarto." sabi ni Yuri at tumayo sa sofa na inuupuan nya.

"Sasama ako." sabi naman ni Sooyoung at sumunod sya kay Yuri.

"Sino ang gagawa nito?" bulong ni Sunny habang umiiyak.

"Taeyeon..umalis na tayo dito..natatakot na ako.." sabi ni Tiffany pero nanatiling tahimik lang si TaeYeon.

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!" napatayo kami sa kinauupuan namin ng muli kaming nakarinig ng sigaw mula sa taas at siguradong si Yuri at Sooyoung yun ...

"Unnieee!!" sigaw ni Seohyun at tumakbo sya pataas. Sumunod din kami sa kanya.

"Bakit?" tanong ni Yoona. Agad na yumakap kay TaeYeon si Yuri at kay Hyoyeon naman si Sooyoung. Pareho silang umiiyak at hindi nagsasalita. Kaya ako na ang tumingin sa kwarto nina kuya jay kahit na natatakot ako sa pwede kong makita.

"Oh my god!" sabi ko ng makita ko si Ate Riza. Nakadilat ang dalawa nyang mata at puno ng bula ang kanyang bibig. Anong ibig sabihin  nito? may naglason sa kanya?

"Nasaan si Kuya Jay?" tanong ni Sunny,nasa likod ko pala sya.

"Bakit wala sya dito?" tanong ko din sa sarili ko. Hindi kaya....si Kuya Jay ang may gawa ng lahat ng ito?

Seohyun's POV

"Huminahon kayong lahat.." sabi ni Taeyeon unnie samin lahat,hindi kasi kami tumitigil sa pagiyak namin. Bumalik kami sa sala ulit para magusap usap.

"Kailangan niyong lakasan ang loob niyo! dahil walang magagawa yang iyak niyo." sabi nya samin.

"Bakit ikaw?! bakit ikaw nasisikmuraan mo lahat ng ito?! wala ka bang pakialam sa nangyayari ngayon?! wala ka bang pakialam kahit na patay na si kuya Ian at ate Riza?! wala kang pakialam kahit nawawala si kuya Jay?! At wala ka bang pakialam kahit na mamatay tayong lahat dito?! Ha TaeYeon?!"nagulat ako sa sinabi ni Sooyoung kay Taeyeon Unnie kaya agad ko syang pinigilan.

"Hindi mo alam ang nararamdaman ko Sooyoung! Hindi mo alam kung gaano ako natatakot! Hindi mo alam kung gaano ako nagaalala para sa inyo! Ginagawa ko ito para sa inyong lahat! Ako ang leader at ako ang may responsibilidad sa inyo! sabihin mo sakin,meron ba akong maitutulong kung iiyak ako?! Gusto ko lang naman ipakita na malakas ako kahit sa totoo lang takot na takot at hinang hina na ako!" hindi na din napigilan umiyak ni TaeYeon. Ang sakit makita na nagaaway silang dalawa.

"Tumigil na kayo!" sigaw ni Jessica unnie.

"Tama na Unnie." sabi ko sa kanilang dalawa. Kaya nanahimik nalang sila.

"Umalis na tayo dito ..." sabi ni Tiffany unnie.

"Hindi tayo makakalabas dito...nakasarado ang lahat ng mga gate at pinto. Wala din Tao at hindi ko alam kung bakit." sabi ni Hyoyeon.

"Hindi din tayo makakatawag.." sabi ni Tiffany unnie kaya napatingin kami lahat sa kanya  "Dahil wala yung mga cellphones at mga gamit na pwede natin gamitin para makatawag tayo."

"Ano?! S-saan naman napunta yun?!"  sabi ni yoona unnie. Sama sama lang kasi sa isang lugar yung mga cellphone namin..nilagay namin yun sa isang drawer para walang makaistorbo samin sa pagrerelax kanina.

"Siguradong may kumuha ng mga cellphones natin. At sigurado ako..isa lang sa atin ang pwedeng gumawa nun at pwedeng gumawa ng mga nangyayari ngayon dahil sabi niyo nga,wala naman ibang tao dito kundi tayo lang." sabi ni Taeyeon unnie. Tama siya...walang ibang gagawa nito kung hindi kami lang..pero ang ipinagtataka ko...SINO??

The Sinners (SNSD FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon