Time: April 26. 5:30 pm
TaeYeon's POV
"Cut!" sigaw ni direk samin. Hay salamat natapos na din ang shooting namin para sa isang music video.
"Well done! Ang galing niyo talaga girls!" sabi ni direk samin habang nakangiti.
"Maraming Salamat din sa hardwork niyo!" sabay sabay naming sigaw. Pagkatapos ng shooting ay dumiretso kami sa kwarto namin para makapagpahinga.
"Hay grabe,nakakapagod talaga." sabi ni Yoona tapos ay humiga sya sa kama. Tumabi naman sa kanya si Yuri at yung dalawa ayun naglampungan na. Si Sooyoung naman ayun,dumiretso agad sa ref para kumuha ng pagkain.
"Guys ang sarap sanang magrelax dito sa Island no?" sabi ni Seohyun habang hawak na naman nya yung libro nya.
"Oo nga tapos wala kang ginagawang trabaho..all you have to do is relax.." sabi naman ni Hyoyeon habang nakapikit, feel na feel nya ang pagdedaydream.
"I have an idea guys..." biglang sabi ni Sunny kaya napatingin kaming lahat sa kanya..
"Ano yun?" tanong ni Sica.
"Bakit kaya hindi nalang tayo magpaiwan dito sa Island..." sabi nya. Yung iba ay nagiisip kung okay ba ang nasa isip ni Sunny. Sabagay parang maganda ngang idea yun.
"Good idea Sunny!" sabi ni Yuri habang pumapalakpak pa silang dalawa ni Yoona.
"Basta ako matutulog nalang." napatingin kami lahat kay Sica at pinagkunutan namin sya ng noo. Hay kahit kailan talaga antukin sya.
"Parang maganda nga yang naisip nyo. Para makapagrelax na din tayo." sabi ko at umupo ako sa tabi ni Tiffany na ngayon ay tahimik lang na nakikinig.
"Ano sa tingin mo Ppanyang?" (para sa mga di nakakaalam si Tiffany po si ppanyang) tanong ko sa kanya.
"Okay lang. Para makapag pahinga na din tayo. Ilang araw na kasi tayong busy eh." sagot nya. Tumango tango naman yung ibang members.
"Anong pinaguusapan niyo?" tanong ni Sooyoung pagkabalik nya. May dala pa syang tinapay at tubig sa kamay nya. Kahit kailan talaga ang takaw nya.
"Binabalak namin magpaiwan dito para magrelax unnie." sagot ni Seohyun.
"Ay masaya yan! So ano yung plano??!!" tili nya at tumakbo sya sa tabi ni Hyoyeon para makinig. Sa sobrang excited nya ay hindi na nga nya napansin na kumagat na sa tinapay nya si Hyoyeon.
"Yun nga..magpapaiwan tayo dito. Magpapaalam tayo kay manager oppa." sagot ni Tiffany.
"Okay ba kayo dun sa plano natin guys?" tanong ulit ni Sunny.
"Oo naman!" - Yuri
"Yes!" - Yoona
"Oo!" - Ako
"Ofcourse!" -Tiffany
"Payag na payag!" - Hyoyeon
"Okay na okay!!" - Sooyoung
"Opo." - Seohyun
Teka...parang may kulang..tumingin kami lahat kay Sica and as expected..tulog na naman sya -_-
"Sicaaaa!!!!"
Sunny's POV
Time: 6:00 pm
"Sige na manager oppa payagan mo na kami.." pagmamakaawa nitong si Yoona kay manager oppa.
"Oo nga oppa.. kahit 1 day lang." sabi naman ni Yuri.
"Tsk hindi pwede. Meron kayong schedule for tomorrow." sabi ni manager oppa. Lumapit ako sa kanya at kailangan ko na naman ilabas ang aegyo ko this time.
"Plishhh..manager oppa..payagan mo na kami...plishhh....plishhh.." narinig kong nagreact na naman yung mga kamember ko pero binigyan ko lang sila ng makisakay na lang kayo look.
"Please just say yes oppa.." umandar na naman ang pagkaforeigner nitong si Tiffany.
"Manager oppa wala kayong dapat intindihin. Ako ng bahala sa walong ito." sabi ng leader namin si Taeyeon.
"Promise wala kaming gagawing kalokohan." sabi naman ni Hyoyeon. Kahit imposible na hindi sya gumawa ng kalokohan ay sumangayon nalang kami lahat. Nagbuntunghininga muna si manager oppa bago magsalita.
"Sige. Sige." sagot nya kaya nag apir kaming lahat pwera kay Sica. "Pero...ipapaiwan ko din dito si Jay,Risa at si Ian (guys hula ko lang yung mga pangalan na yan hehe) para may magbantay sa inyo rito."
"Oppa naman...hindi na kami bata." sagot ni Sooyoung habang kinakamot ang ulo nya.
"Okay..edi wag na kayong mag.."
"Hindi..joke lang yun hehehehe okay lang kahit maiwan din sila." biglang bawi ni Sooyoung kaya nagtawanan kaming lahat.
Haaayy..sana maging maayos at magenjoy kami dito.
BINABASA MO ANG
The Sinners (SNSD FANFIC)
FanfictionPara sa mga SONES itong story pero kung hindi naman okay lang po...maganda naman po ung story at may kwenta. Sa kwentong ito ibang SNSD ang makikita nyo.. Isang araw sana ng pamamahinga isang araw para makapagrelax..pero paano kung yung araw na yun...