Chapter Fourteen

51 0 1
                                    

Picture ni Miss Killer :) (Yuri)

TaeYeon's POV

Time: 3:00 am

"Hindi ko kayo mapapatawad lahat! At pagbabayaran niyo lahat ng kasalanan niyo sa akin! Pagbabayaran niyo ang pagkamatay ni mama!"

"Tumigil ka na MiCa! Wala kaming kasalanan sa pagkamatay ng mama mo! At walang pahahantungan ang galit mo samin kaya tigilan mo na ito!" Sigaw ko sa kanya..

"Ikaw ang tumigil kung ayaw mong mamatay!" Sigaw niya pabalik sa akin..

"Papatayin mo din naman kami diba?! Bakit hindi pa ngayon?!"

"TaeYeon tama na!" Awat sa akin ni Jessica..

"Bakit?! Natatakot kayo sa kanya?! Isa syang duwag kaya wag kayong matakot! Isa lang sya at marami tayo!" Nangilabot ako dahil sa pagngisi nya sa akin..para syang demonyo..

"Para sabihin ko sa inyo..hindi ako nagiisa." Kumunot lahat ng noo namin dahil sa sinabi nya..

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Tiffany.

"Kuya halika nga dito!" At mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil ang kuya niya ay walang iba kung hindi si kuya Jay..hindi ako makapaniwala..ang buong akala ko ay kakampi namin sya..

"Bakit ?" Lumapit sya kay MiCa habang may nilalaro syang kutsilyo sa kamay nya..

"Wala naman. Gusto ka lang nila makita.."

"M-magkapatid kayo?" Tanong ni Yoona..

"Oo..sya ang kuya ko.."

"Mga demonyo kayo!" Sigaw ni Yoona sa kanila..

"Manahimik ka! Gusto mo bang gawin ko sayo ang ginawa ko sa panget na asong yun!" Sigaw ni kuya Jay kay Yoona

"I-ikaw ang gumawa nun kay prince?" Tanong ni Tiffany

"Ako nga..pano naman kasi yang aso mo masyadong salbahe! Kaya bagay lang sa kanya ang ginawa ko! At isa pa ako din ang naglason kay Riza..masyado kasing maarte ang matandang yun..ang tanda na nga ang harot pa! Tsk."

"At kahit kailan mga tanga talaga kayo. Kasi hindi niyo alam pinapaikot ko lang kayo kanina pa" Dagdag pa ni Yuri.

"Mga hayop kayo! Pagbabayaran niyo din lahat ng ito!" Sigaw ni Tiffany sa kanila pero tinawanan lang siya ni Kuya Jay. Parehong pareho sila ng kapatid niya..pareho silang demonyo. Kaya pala napakapamilyar ng mukha nya sa amin dati..yun pala siya ang kuya ni MiCa..

Third Person's POV

"Mga hayop kayo! Pagbabayaran niyo din lahat ng ito!" Tila lumabas ang galit ni Tiffany dahil sobra sobra na ang ginawa nila MiCa at Jay sa kanila..

"Handa naman akong magbayad eh.." dahan dahan na lumapit lumapit sa kinaroroonan ni Tiffany si Jay at hinawakan niya ito sa mukha..

"Wag mo akong hawakan!!" Pilit na nilayo ni Tiffany ang mukha niya kay Jay..

"Tigilan mo siya!" Sigaw ni TaeYeon pero tila parang walang walang narinig ang binata at nagpatuloy lang sa paghimas ng mukha ni Tiffany

"Kuya wag mong sabihing type mo yang babaeng yan.." ngumisi lang si Jay sa sinabi ng kapatid nya..

"Lahat naman ng sexy at magagandang babae type ko.." inilapit niya ang mukha niya kay Tiffany at parang aso na inamoy amoy ito..

"Kahit na pawis ka..ang bango mo parin.." takot na takot si Tiffany at hindi nya alam kung ano ang gagawin nya..iyak lang sya ng iyak ganun din ang iba nyang kasama.

"Lumayo ka sa akin! Hayop ka!" Sabi ng dalaga at dinuraan niya sa mukha si Jay pero ngumisi lang ang lalaki sa kanya..

"Yan ang gusto ko sa babae..palaban. Kapatid..ibigay mo nalang sakin itong isang to. Ako na ang bahala sa kanya."

"Sige Kuya..regalo ko nalang sayo yan. Pero siguraduhin mong mahihirapan sya sa gagawin mo.." parang demonyo ang dalawang magkapatid sa pinapakita nila ngayon. Inilabas ng lalaki ang kutsilyo at tinanggal niya ang pagkatali ni Tiffany sa bakal kaya napaupo sa sahig ang dalaga..

"Anong gagawin mo sa kanya?!" Pilit na kumawala ang mga kaibigan niya pero wala silang magawa para tulungan si Tiffany sa kamay ni Jay..

Nagpumiglas si Tiffany ng bigla syang buhatin ni Jay..

"Walang hiya ka!"

"Bitawan mo si Tiffany!"

"Ibalik mo sya dito! Hayop ka!"

"Papatayin kita!" Galit ang nabubuo ngayon sa mga puso nila pero wala silang magawa kung hindi umiyak..

"Hahahahahaha!" Pero tuwang tuwa naman si MiCa dahil sa nakikita nya ngayon na pagdurusa ng mga nangapi sa kanya..

The Sinners (SNSD FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon