Chapter Three

82 1 0
                                    

Sooyoung's POV

Time 8:30 pm.

"Sino ang gumawa nyan sa kanya?" hindi ko na mapigilan umiyak dahil sa nakikita ko ngayon. Maging ang mga kasama ko ngayon hindi makapaniwala.

"Humingi kayo ng tulong dalii!!" sigaw ni Yuri na halatang natataranta at tila hindi nya alam kung ano ba dapat ang gawin. Agad naman akong nagpasama kay Seohyun na pumunta sa mga staff dito. Nang makarating kami doon ay nagtaka kami dahil walang katao tao dito nakapatay ang mga ilaw at tanging ang ilaw lang sa poste ang nagbibigay liwanag sa lugar na ito.

"Bakit walang tao?" tanong ni Seohyun pero hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang sagot sa tanong nya. Pati ang mga pintuan at mga bintana ay nakalock.

"Nasan ang mga tao?" halata na din kay Seohyun ang pagkatakot.

"Tulungan niyo kami!!! may tao ba dyan??!!!" sumigaw ako pero nagecho lang ang boses ko sa sobrang katahimikan.

"Anong gagawin natin?? Sooyoung Unnie natatakot ako." yumakap sa kamay ko si Seohyun

"Wag kang matakot." sabi ko. Pumunta kami sa entrance ng resort pero mas lalo akong nawalan ng pag asa ng makita kong nakasarado ang malaking bakal na  gate nito. Sinubukan namin buksan ang gate pero hindi namin mabuksan ito. May nakasulat na letter M at number 1 sa gate. Anong ibig sabihin nun? Napukaw ang atensyon ko sa isang bagay na umiilaw sa may gilid ng gate may maliit na pindutan at may nakalagay na mga numbers dito.

"Ano ito?? May password?" pagtatakang tanong ko. Hindi na makaimik si Seohyun at tuluyan na syang umiyak. Kailangan ng password bago ka makalabas.

"Anong ibig sabihin nito? bakit nakasarado ang mga pintuan at bakit walang mga tao?" biglang dumating si Hyoyeon kasama si Sunny at kita din sa mga mukha nila ang takot.

"Hindi ko alam." tangi ko nalang nasagot sa kanila.

"Ano ito?" tanong ni Sunny. Yung pindutan yung sinasabi nya sa may gilid ng gate

"Sa tingin ko kailangan ng passsword bago tayo makalabas dito. Anong gagawin natin? Sino ang gumawa nito?" tanong ko sa kanila. Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng hawak ng kamay sakin ni Seohyun.

"Bumalik tayo dun. Sabihin natin sa kanila." sabi ni Hyoyeon kaya agad kaming bumalik dun. Sino ang gumawa nito??

Yuri's POV

Hindi namin alam kung ano ang gagawin namin. Natatakot ako..sino ang gumawa nito sa kanya?? bakit niya ginawa yun?

"Bakit ang tagal nila Sooyoung?" tanong ni TaeYeon halatang kinakabahan din sya. Ganun din si Yoona na nakatayo lang sa isang tabi.

"Kukunin ko lang ang cellphone ko tatawagan ko si Manager oppa." paalam ni Tiffany sa amin.

"Dalian mo Tiffany. Magingat ka." sabi ko. Tumango nalang sya bilang sagot.

"Guys nakasarado yung mga pintuan,wala din mga tao. Hindi namin alam kung bakit." napaiyak na ako dahil sa sinabi nya. Paano kami makakaalis dito? Bakit ba nangyayari ito??

"Anong gagawin natin??" tanong ni Kuya Jay sa amin,si ate Riza naman ay umiiyak parin hanggang ngayon.

"Kuya Jay ang mabuti pa,dalin mo muna si ate riza sa kwarto niyo para mahimasmasan sya." sabi ko.

"At ang mabuti po ay painomin nyo po sya ng gamot nya at baka po atakihin na naman po sya ng sakit nya." sabi naman ni TaeYeon kaya agad inakay ni kuya jay si ate riza.

"Nasaan si Tiffany?" Tanong ni Hyoyeon.

"Kinuha nya yung cellphone para tawagan si Manager Oppa." sagot ko.

"Aaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!" mabilis kaming tumakbo ng marinig namin ang sigaw ni Tiffany mula sa resthouse. Tiffany....sana walang nangyaring masama sa kanya...

The Sinners (SNSD FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon