Chapter Eight

72 0 0
                                    

Tiffany and Yuri picture :)

Seohyun's POV

Time: 11:16 pm

Hindi ako umalis sa lugar kung saan ako iniwan ni Jessica unnie buti nalang at nakita ako ni Yuri unnie dito at ngayon ay magkasama kaming dalawa..

"Unnie nandito kanina si Sica unnie pero bigla nalang syang tumakbo."
"Ha? Bakit?" Tanong nya sakin..

"Nung nakita nya yung dugo.." tinuro ko sa kanya yung dugo malapit sa kahoy na kinauupuan ko

"P-pero bakit may dugo dyan?" Lumapit sya dun sa kahoy at pinagmasdan nya yung dugo dun..

"Ewan ko. Pero kanina nakita namin ni Sica unnie yung pito ni Sunny unnie dito tapos..."

"Seohyun kailangan na natin umalis dito.." sabi nya at mabilis nya akong hinatak paalis sa lugar na yun. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero takbo lang kami ng takbo .

"Unnie saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya..

"Hahanapin natin sila tapos ay aalis na ta...ahhhhh!!!"

"Unnie!!!" Sigaw ko ng mahulog si Yuri unnie sa isang butas..

"Yuri unnie!!" Sigaw ko sa kanya sa loob. Wala akong makita dahil ang dilim walang sapat na liwanag para makita ko sya..

"Seohyun tulungan mo ako!" Narinig kong sigaw niya mula sa ibaba.."Aabutin ko ang kamay mo..palagay ko hindi naman masyadong malalim ito.." sabi nya kaya mabilis kong ibinaba ang kamay ko para abutin nya..

"Unnie abutin mo ang kamay ko!" Sigaw ko at mas binaba ko pang kamay ko kahit nasasaktan na ako. Naramdaman ko na ang kamay nya pero biglang....

"Aaaaahhhh!!"

Sooyoung's POV

"Aaaaaahhhh!!" Mula sa kinatatayuan ko ay nakarinig ako ng sigaw at sigurado akong si Seohyun yun. Bakit sya nandito? Mabilis akong pumunta kung saan ko narinig yung boses nya..

"Seohyun! Nandyan ka ba?!" Sigaw ko pero wala akong natanggap na sagot. Paalis na sana ako sa lugar na yun ng biglang..

"Sooyoung!" Narinig kong may tumawag sa pangalan ko..parang si Yuri??

"Yuri?? Nasaan ka?"

"Nahulog ako dito sa butas! Meron ka bang nakikitang butas Sooyoung?" Tanong nya kaya mabilis hinanap ng mata ko yung butas. Agad naman akong lumapit sa isang butas na nakita ko..hindi naman gaano kalaki ito pero madilim sa loob at wala akong makita..

"Yuri nandyan ka ba?!" Sigaw ko sa loob ng butas..

"Nandito nga ako! Tulungan mo ako! Si Seohyun!" Halatang umiiyak sya ngayon dahil sa naririnig kong paghikbi

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko..

"Bigla nalang syang nawala.." hindi ko na din maiwasan kabahan dahil sa sinabi nya..

"S-sandali lang Yuri.." inilibot ko ang mata ko para maghanap ng gamit na pwede kong gamitin para makaalis dun si Yuri. Buti nalang at may nakita akong lubid na nakatali sa ilalim ng puno bakit meron ganito dito? Lumapit ako doon para kuhanin yung lubid pero ang ipinagtataka ko meron itong mantsa ng dugo.

"Sooyoung?!" Bumalik ako sa huwisyo ko ng marinig ko ang boses ni Yuri. Kinuha ko na ang lubid at mabilis na bumalik kung saan naroroon si Yuri..

The Sinners (SNSD FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon