Chapter Six

64 2 0
                                    

Tiffany's POV

Time: 9:36 pm

"Natatakot ako..." yan salitang yan ang kanina pang nasa isip ko. Takot na takot ako..hindi ko alam kung ito na ba ang huling araw ko sa mundo..ayoko pang mamatay..

"Humawak ka sakin.." inilahad ni Taeyeon ang kamay nya sakin kaya agad akong humawak dito..

"TaeYeon..Tiffany..may idea ba kayo kung sino ang gumawa nito?" tanong ni Sooyoung..

"Wala." sagot ko pero si TaeYeon nanatiling tahimik lang.

"Ikaw ba?" tanong ko. Umiling lang sya bilang sagot..

"TaeYeon ayos ka lang?" tanong ko sa kanya..pero parang wala syang narinig..

"Taeyon?" tawag ko ulit

"Ha?"

"Sabi ko kung okay ka lang?"

"Oo okay lang ako. Meron lang akong iniisip." sabi nya kaya hindi ko nalang pinansin..

Hindi namin napansin na nasa dulo na pala kami ng resort.

"Dead end na ito. Balik na tayo." sabi ko pero pinigilan kami ni Taeyeon.

"Sandali..." sabi nya.

"May gate dito oh.." sabi nya habang nakaturo sa malaking gate. Lumapit kami dun at tinitigan itong mabuti. Napakalaki talaga nito..hindi mo kakayaning akyatin..

"C? 3? Anong ibig sabihin nun??" tanong ni Sooyoung. Meron ngang nakasulat sa gate letter C at number 3. Lumapit doon si TaeYeon At binuksan nya yung gate nabigla kami dahil isa itong gubat...

"Baka may daan dito.." sabi nya at tuluyang pumasok sa loob.

"TaeYeon sigurado ka ba dyan?" tanong ko pero nagkibit balikat lang sya at tuloy na pumasok sa loob.

"Mabuti pa pumasok na tayo sa loob para malaman natin kung may daan nga dito.." sabi ni Sooyoung at sumunod na sya sa loob. No choice kaya pumasok na din ako sa loob. Hindi naman masyadong masukal yung gubat dito..hindi masyadong nakakatakot..kung baga parang mag cacamping lang kami.

"Uy hintayin nyo ako!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kanila.

Sunny's POV

Time: 9:51 pm

Meron kaming nakitang malaking gate dito...nagdadalawang isip pa kami kung papasok ba kami o hindi.

"Bakit may sulat dito sa gate?" tanong ni Hyoyeon habang nakaturo dun sa Letter I at number 2 na nakasulat sa gate.

"Baka may nagsulat lang dyan Unnie." sabi naman ni Seohyun.

"Papasok ba tayo hindi?" tanong ko. Nagbuntunghininga muna si Hyoyeon bago lumapit sa gate at buksan ito.

"Teka bakit may gubat dito?" tanong ko.

"Baka harang lang yan unnie kasi baka hindi na teritoryo ng may ari nitong resort yang lugar na yan." sabi ni Seohyun

"Oo nga. Baka meron daan dyan." sabi ko kaya pumasok na kami sa loob.

"Parang ang creepy ng lugar na ito..nakakatakot." sabi ko pero hindi nila ako pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad.

"Sigurado bang may daan dito?" tanong ni Seohyun

"Hindi ko alam. Pero hindi natin malalaman hanggat hindi natin inaalam" sabi ni Hyoyeon at patuloy lang naglakad. Sabay sabay kaming nagulat ng biglang may gumalaw sa likod namin. Nagdikit dikit kaming tatlo dahil sa takot.

"Sino yan?!" sigaw ko pero walang sumagot. Sabay sabay kaming tumili at kumaripas ng takbo ng biglang may lumabas na baboy damo at hinabol kami.

"Unniee!!!" narinig kong sigaw ni Seohyun habang paliko ng ibang direksyon. Pagkaharap ko naman kay Hyoyeon ay wala na rin sya. San sya napunta? Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapagod ako at umupo sa isang kahoy. Nakakaramdam ako ng takot lalo na at magisa na lang ako ngayon.

"Hyoyeon!!!! Seohyun!!!!" sigaw ko pero wala man lang sumagot. Patayo na sana ako ng bigla kong maramdaman na may pumukpok sa ulo ko...ang sakit.

The Sinners (SNSD FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon