Chapter Eleven

52 1 0
                                    

TaeYeon's Picture :)

TaeYeon's POV

Time: 12:23 am

Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang gate..hindi ito ang pinasukan naming gate kanina nila Tiffany at Sooyoung dahil kanina letter C at number 3 ang nakasulat dito,pero ngayon letter I at number 2 naman ang nakasulat sa gate..at katulad ng ibang gate meron din itong hinihinging code para mabuksan ito. Pero ang problema hindi ko alam ang password kaya hindi ko mabubuksan ito para makaalis na kami sa lugar na ito..ako ang leader kaya ako ang may responsibilidad sa kanilang lahat..at kung may mangyaring masama sa kanila..hindi ko na alam kung anong gagawin ko..

Lumapit ako kung nasaan ang pindutan ng password..sinubukan kong pumindot ng apat na numbers.. 0596..pero nagulat ako ng biglang may tumunog at may nagsalita sa isang maliit na speaker na nakakabit din dito..

Wrong Password. Only 2 left.

Yan ang sabi sa speaker pero ano ang ibig sabihin nun? 2 left? Hindi ko maintindihan..

"TaeYeon!!" Napabalikwas ako ng biglang may yumakap mula sa likuran ko..pagkaharap ko..

"Yoona?" Si yoona habang umiiyak sya..

"Bakit anong nangyari?" Tanong ko sa kanya..

"Kanina ko pa kayo hinahanap. Takot na takot na ako Taeyeon." Sabi nya at niyakap nya muli ako..

"Kumalma ka muna. Lakasan mo ang loob mo." Pagaalo ko sa kanya..bumitiw sya sa pagkakayakap sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Nasaan sina Tiffany at Sooyoung?" Tanong nya sakin..

"Hindi ko alam. Nagkahiwahiwalay kami kanina." Muli kong ibinalik ang tuon ko sa gate kaya napatingin din sya dun..

"Hindi tayo makakaalis sa lugar na ito hanggat hindi natin alam kung ano ang password.." tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng noo nya..

"Ibang gate ang pinasukan namin kanina. Hindi ito yun. Kanina may nakasulat na Letter A at number 4 sa gate pero ngayon...I at 2?" Mas lalo akong napaisip sa sinabi ni Yoona..letter C at number 3..letter I at number 2..Letter A at number 4..at kanina ang sabi sa akin ni Sooyoung na may nakasulat din na letter M at number 1 sa entrance gate. Biglang nagtaasan ang balahibo ko sa nakuha kong sagot..Hindi kaya...si..

"Mica?" Dahil sa sinabi ko ay gulat na napatingin sa akin si Yoona ..

"B-bakit mo naman nabanggit yung pangalan niya Taeyeon?" Kabadong tanong nya..

"Si Mica...hindi kaya..siya ang gumagawa ng lahat ng ito?"

"A-ano ka ba Taeyeon! Matagal ng patay si Mica kaya paano nya magagawa lahat ng ito?" Tama siya matagal na siyang patay pero bakit iyon lang ang nakikita kong kasagutan sa tanong ko..

"Tama ka. Pero bakit iyon lang ang nakikita kong kasagutan sa tanong ko..
Number 1letter M..
number 2 letter I..
number 3 letter C..
number 4 letter A..
Mica.."

"Taeyeon naman! Wag mo nga akong takutin! Natatakot na nga ako mas lalo mo pa ako tinatakot!"

"Hindi kita tinatakot Yoona. Pero posibleng siya nga ang may kagagawan ng lahat ng ito."

"Pero matagal na nga siyang patay!"

"Pero hindi natin nakita ang bangkay niya. Ni hindi nga natin siya nakitang ilibing."
Bigla ko tuloy naalala ang lahat ng ginawa namin sa kanya noon. Yung araw na magsisimula pa lamang kami sa industriya na kasama DAPAT siya..

"Pero kung ganon ang ibig sabihin nandito sya ngayon?"

"Hindi ko alam." Mas mabuti pang hindi nalang ako magsasalita kung ano man ang nalalaman ko..dahil mahirap na magtiwala kahit pa sa mga kaibigan ko.

Yuri's POV

Time: 12:50 am

Kanina pa ako hanap ng hanap kay Seohyun pero hindi ko sya makita. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala man lang akong nagawa para iligtas at ipagtanggol sya..at ngayon para akong baliw sa kakahanap sa kanya..

"Seohyun!!" Muli kong sigaw sa pangalan nya..malay ko naman baka mamaya nandito lang sya malapit sa akin..

"Seohyun nasan ka ba?!" Napanghihinaan na ako ng loob..muli na naman bumuhos ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na kaya ito ng magisa..mali ako,dapat hindi ko iniwan sina Tiffany at Sooyoung dun. Masyado kasi akong nagalala para kay Seohyun ... kailangan namin magsama sama lahat para magtulong tulong kami. Kinuha ko ang pitong nakasabit sa leeg ko at malakas kong hinipan ito..kailangan namin magkita kita..kailangan nila akong makita. Patuloy ko lang hinipan ang pito ko para may makarinig sa akin. Hanggang sa may narinig akong kaluskos at nakita ko si Jessica

"Jessica!"

"Yul!" Mabilis nya akong niyakap..

"Buti nalang pumito ka kaya napuntahan kita." Sabi nya

"Pero bakit ba kasi hindi kayo pumipito?"

"Natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag pumito ako ay matunton ako ng killer.." sabi nya habang pinupunasan ang luha sa mata niya .

"Pero kailangan mong maging matapang sa lahat ng oras.."
.
"Alam ko. Pero naging mahina ako"

"Nakita mo ba sila? Si Yoona?" Tanong ko pero umiling lang sya..

"H-hindi ko sila nakita.." sagot niya

"Ang mabuti pa sabay nalang tayong pumito para marinig nila para magkasama sama tayo lahat." tumango sya bilang sagot at sabay namin hinipan ang pito namin.

Tiffany's POV

Narinig kong may pumipito kaya sinundan ko yung ingay..

Yoona's POV

Narinig namin ni Taeyeon ang isang malakas na pito kaya sinundan namin kung saan nagmumula ito..

Sooyoung's POV

Narinig kong may pumipito kaya mabilis kong pinuntahan kung saan nagmumula ito..

___________________________________

So ano? Kilala nyo na ba sya?
A

t sino si Mica? Hintayin niyo ang mga susunod pang chapters para malaman niyo kung sino ba talaga si Mica at kung sino ba talaga ang mga SNSD. At higit sa lahat para malaman niyo kung sino ba ang killer..dahil malapit na ang rebelasyon..hahaha..

So again...thank you!

-BubblyMushroom

The Sinners (SNSD FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon