Chapter Thirteen

58 1 0
                                    

Sooyoung's pic :)

Sooyoung's POV

Time: 2:36 am

Nagising ako ng medyo nahihilo pa kaya hindi ko alam kung nasaan lugar ako...pero ng magliwanag ang paningin ko ay nakita kong nandito ako sa isang maliit at madilim na kwarto,nasaan sila? Bakit magisa lang ako dito sa kwarto.Gagalaw sana ako pero dun ko pa lang naramdaman na nakahiga ako sa sahig at nakatali ang mga kamay at paa ko..meron din nakatakip na tape sa bibig ko kaya hindi ako makasigaw. Mula sa pagkakahiga ay pinilit kong makaupo..

Maya maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan at pumasok siya sa loob...sinasabi ko na nga ba,tama ako,siya nga ang gumawa ng lahat ng ito..

"Kamusta?" Lumalapit sya sakin habang sinasabi nya yun. Ibang iba sya ngayon..nakakatakot ang boses nya..ang tindig nya at ang pagngisi nya..parang hindi sya ang kaibigan nakilala ko..parang hindi sya si Yuri...(waaaaahhh!! Oo guys! Sya nga yung killer.)

"Sumagot ka!" Pinandilatan nya ako ng mata pero bigla din syang tumawa..

"Ah meron ka nga palang tape sa bibig...sorry.." tinanggal nya ang tape sa bibig ko..

"Ngayon..magsalita ka na.." sabi nya pero hindi ako makapagsalita dahil hindi ako makapaniwala na siya ang may kagagawan ng lahat ng ito..

"Nagulat ka ba?" Tanong nya ulit..

"Hoy! Pipe ka na ba?! Bakit hindi ka sumasagot?!"

"Nasaan sila?" Buti nalang at nagawa ko pang makapagsalita sa kabila ng pagkabigla ko.

"Sino? Yung mga hayop mong kaibigan na nagmana sayo?" Nginisian nya ako ulit..

"Ikaw ang hayop!" Sigaw ko sa kanya kaya mabilis nyang hinatak ang buhok ko kaya napangiwi ako sa sakit ..

"Pare pareho lang tayong hayop! Pero mas hayop ka syempre.." marahas nyang binitawan ang buhok ko..

"Hindi ikaw yan. Hindi ikaw ang nakilala kong Yuri..."

"T*nga! Hindi naman talaga ako si Yuri e! Alam mo ba kung sino ako?! Ako ang dati niyong kaibigan na tinraydor niyo! Ako si MiCa!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala..naglakad sya palibot sakin saka sya ulit nagsalita...

"Ako ang taong tinanggalan niyo ng dignidad..at ginawa niyong walang kwenta at miserable ang buhay! Kayo ang dahilan kung bakit nawala lahat ng pangarap ko!" Lumuhod sya sa harap ko at pinantayan nya ang mukha ko..

"Gusto mo bang makita ang mga kaibigan mo?"

"Nasaan sila? Anong ginawa mo sa kanila?!" Nagpumilit akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa lapag pero hindi ko magawa dahil nakatali ang mga paa ko.

"Gusto mong malaman?" Ngumiti sya sakin bago nya hatakin ang buhok ko patayo kaya napahiyaw ako sa sakit..

"Ipapakita ko sayo kung nasaan sila..." patuloy nya lang akong hinatak hanggang sa makalabas kmi ng kwarto yun. Nagpumiglas lang ako ng nagpumiglas sa kanya pero hindi ko kaya dahil nakatali ang mga kamay at paa ko. Napapahiyaw ako sa sakit dahil halos kaladkarin nya na ako..at nararamdaman ko ang masakit na paghatak nya sa buhok ko..

"Nasasaktan ako!" Hiyaw ko pero hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paghatak ng buhok ko. Ganun lang ang ginawa nya hanggang sa makarating kami dito sa isang malaking kwarto..maliwanag ang silid na ito dahil ang daming ilaw..

"Gusto mong makita ang mga kaibigan mo diba? O ayan na sila.." tinuro nya ang isang direksyon kaya sinundan ko ito at hindi ko na naman napigilan lumuha dahil sa nakita ko.. Sina Sunny,Seohyun at Hyoyeon na ngayon ay wala ng buhay..ang mga kawawa kong kaibigan..

"Napakawalanghiya mo!!" Halos magwala na ako dahil sa nakita ko..hindi ko na kaya lahat ng ito..napakawalanghiya nya! Padabog niyang binitawan ang buhok ko kaya nasubsob ako sa sahig..

"Tama lang sa kanila yan! Mga hayop na naman sila! Kayong lahat hayop!!" Tinatagan ko ang loob ko. Kailangan kong makaalis dito..kailangan namin makaalis dito...

"Nasaan sila? Saan mo sila dinala?" Diniinan ko ang pagkakasabi doon. Pagkatapos kong sabihin yun ay mabilis nya ulit hinatak ang buhok ko at kinaladkad ulit ako..pakiramdam ko matatanggal lahat ng buhok ko dahil sa pagkahatak niya..ang sakit..

"Sooyoung!!" Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ng mga kaibigan ko..sina Tiffany,Yoona,Taeyeon at Jessica. Nakakaawa din ang kalagayan nila,nakatali ang dalawang kamay nila pataas..nakatali ito sa bakal na nasa may itaas nila nakatali din ang mga paa nila kaya kitang kita ko ang hirap sa mga mata nila..naaawa ako sa kalagayan namin sa kamay ng demonyong ito..

Tiffany's POV

Puro pawis at luha lang ang tumutulo mula sa mukha ko. Hindi ko parin matanggap sa sarili ko na wala na ang tatlo sa mga kaibigan ko..wala sila dahil pinatay sila nila ni Yuri. Napakasama niya. Wala siyang puso..

Pagod na ako..ang sakit ng katawan ko dahil sa pagkatali sakin..halos umalambitin nadin ako dahil hindi masyadong abot ng mga paa ko ang sahig ganun din si Jessica at TaeYeon dahil hindi naman kami ganun katangkad..

At ang sakit din isipin na isa sa mga kaibigan mo ang gumagawa nito..pero hindi ko matanggap at maintindihan kung bakit niya ginagawa sa amin ito..

"Tutal nandito na kayong lahat..magpapakilala na ako sa inyo.." pinalibutan nya kaming lahat at nagsimula na syang magsalita..

"Hindi ako ang Yuri na nakilala niyo.." tumigil sya sandali at isa isa nya kaming tinitigan sa mata.. "Ako si MiCa." Nagulat kaming lahat pwera lang kay Sooyoung dahil sa sinabi nya. Imposibleng sya si MiCa dahil ang alam namin matagal na syang patay.

"June 17. May naalala ba kayo sa araw na yun?" Napaisip ako sa tanong nya..wala ni isa sa amin ang sumagot sa tanong nya dahil s sa pagkabigla. "Hindi niyo na naaalala? O sige ipapaalala ko nalang sa inyo...Sa araw na yun nangyari ang pinakamapait na nangyari sa buhay ko..at ayun ang tanggalin niyo ako sa grupo. Sinira niyo lahat ng pangarap ko!" Nakita ko ang galit sa mga mata niya. Alam ko ang sinasabi niya..pero matagal ko ng pinagsisisihan lahat ng mga kasalanan ko sa kanya..

"At dahil sa inyo namatay si mama!" Nagulat muli kami sa sinabi nya ganun din si Sooyoung.hindi namin alam na patay na ang mama niya..

"Oo! Patay na siya..at kayo ang may kasalanan!" Nakita kong may pumatak na luha sa mga mata niya.

"Wala kaming kasalanan!" Sabi ni TaeYeon..punong puno na din ng luha ang mga mata niya..kaming lahat ay umiiyak..

"Anong wala? Mula ng tanggalin niyo ako sa grupo napuno ng galit ang puso ni mama hanggang sa atakihin nalang siya at nawalan ng buhay. Alam niyo naman na mahal na mahal ko ang mama ko,sya ang kakampi ko sa lahat ng bagay. Pero pinatay nyo sya! Dahil sa inyo nawala lahat ng importante sa akin!" Habang nagsasalita sya ay patuloy na umaagos ang luha sa mata niya.."H-hindi niyo man lang ako hinayaang abutin ang mga p-pangarap ko..hindi n-niyo man lang hinayaang m-maging masaya ako!" Naririnig ko ang paghikbi nya habang sinasabi nya ang mga yun. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit niya ginagawa ito..dahil sa galit niya sa amin.. "Bakit?! Dahil naiinggit kayo sakin diba?! Dahil para sa lahat ako ang magaling! Kahit hindi pa tayo nagsisimula sa industriya ay sikat na ako sa mga tao at kayo hindi!"Natameme kami lahat dahil sa mga sinasabi nya..dahil too lahat ng sinasabi nya..pinairal namin noon ang selos at pagkainggit ..dahil lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa kanya lagi.. "Dahil sa ating lahat ako ang maganda! Ako ang may pinakamagandang boses! Pinakamagaling sumayaw! Lahat! Lahat lahat ng meron ako ay wala kayo! Kaya naiinggit kayo sa akin!" Hindi na ako makapagsalita dahil puro hikbi nalang ang lumalabas sa bibig ko..pakiramdam ko ang sama sama kong tao.."Ano ba ang ginawa kong mali sa inyo?! Naging masama ba akong kaibigan noon?! Lahat ng utos niyo sinunod ko! Lahat ng masasakit na salita na sinasabi niyo sakin tiniis ko! Pero kulang pa ba yun?! Kulang pa ba yun para sirain niyo ang buong buhay ko?!"

"P-patawarin mo kami.." sabi ni Yoona pero iling lang ang isinagot niya..

"Hindi ko kayo mapapatawad lahat! At pagbabayaran niyo lahat ng kasalanan niyo sa akin! Pagbabayaran niyo ang pagkamatay ni mama!"

The Sinners (SNSD FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon